10 Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa Hospice Care
Libreng Download: 10 mga Katotohanan Tungkol sa Hospice
Ang hospice care ay isang natatanging konsepto na posibleng mahirap maunawaan. Sinusuportahan ng hospice ang mga taong malapit na sa katapusan ng buhay sa pamamagitan ng:
- Pagbuo ng mga pinasadyang plano ng pangangalaga na nakatuon sa layunin at kahilingan ng bawat pasyente
- Pamamahala ng mga sintomas at pananakit
- Pagpapahusay ng quality of life
- Paghikayat sa mga pasyente at sa kanilang pamilya na pagsamantalahan ang kanilang oras na sila ay magkasama
Sa VITAS, kasama ang hospice care at idinidisenyo para matugunan ang mga natatanging pangangailangan ng iba't ibang pasyente na humaharap sa iba't ibang malulubhang karamdaman, kundisyong medikal, at mga sintomas na kaugnay ng mga ito.
Kapag ang isang pasyente ay itinalagang kwalipikado para sa hospice ng kanyang doktor, puwedeng magsimula ang paglipat kapag siya-o ang taong nakatalagang gumawa ng mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan sa kanyang ngalan-ay sumang-ayon sa paglipat mula sa proceso ng pagpapagaling at simulan ang mga hospice services.
Ikaw man ay isang pasyente, miyembro ng pamilya, o manggagamot na gumagamot ng mga pasyenteng may malulubhang karamdaman, makakatulong ang pagkakaroon ng wastong impormasyon tungkol sa hospice services para magawa ang pinakamabuting desisyon tungkol sa kung naaangkop ba ang hospice care.
Mahahalagang Detalye Tungkol sa Hospice Care
Narito ang ilan sa mga pinakamahalagang katotohanan na iyong dapat malaman tungkol sa hospice care:
- Ang hospice ay para sa mga taong may malulubhang karamdaman. Nagbibigay ang hospice ng pamamahala ng sintomas at pain management para sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman, anuman ang kanilang edad, kultura, paniniwala, o sanhi ng karamdaman.
- Maaaring mangyari ang hospice kahit saan. Ang hospice ay isang serbisyong pumupunta sa pasyente sa lugar kung saan niya gustong tumanggap ng end-of-life care. Ang mga pasyente na nasa bahay ay mas mabuti ang pakiramdam, habang sila ay napaliligiran ng mga mukha at bagay na kanilang alam at minamahal.
- Ang Hospice ay isang kagustuhan. Maaaring umaalis ang mga pasyente o "bawiin ang kanilang katayuan sa hospice" sa anumang panahon para sa anumang dahilan. Maaari ding bumalik ang mga pasyente sa hospice kahit kailan, hangga't natutugunan nila ang mga patnubay sa pagiging karapat-dapat sa hospice.
- Maaaring patuloy na uminom ang mga pasyente ng mga ilang gamot habang nasa hospice. Ang mga pasyente ng hospice ay nireresetahan ng mga gamot na namamahala sa mga sintomas ng kanilang malubhang karamdaman at nagpapahusay sa quality of life.
- Ang hospice ay nagbibigay ng mga gamot ayon sa pangangailangan upang makatulong sa pamamahala ng mga sintomas. Ang mga doktor ng hospice ay nagbibigay ng sapat na dami ng gamot upang mapamahalaan ang mga sintomas at mapahupa ang pananakit.
- Ang pamilya o mga kaibigan ay nagbibigay ng pangangalaga na may kasamang suporta mula sa hospice team. Ang pamilya o mga kaibigan ay ang mga pangunahing tagapag-alaga ng pasyente ng hospice, na sinusuportahan at sinasanay ng isang team ng eksperto na nagsasagawa ng mga regular at naka-schedule na pagbisita. Para sa mga pasyenteng nakatira sa mga assisted living community at mga nursing home, nakikipagtulungan ang hospice team sa staff ng pasilidad.
- Walang limitasyon sa panahon na kung gaano katagal sa hospice ang isang pasyente. Ang hospice ay para sa mga pasyente na mayroong 6 na buwan o kulang pa na natitira sa kanilang buhay ayon sa isang doktor, at maaari itong pahabain kung kinakailangan. Sa mga survey, kalimitang sinasabi ng mga miyembro ng pamilya na "sana ay mas maaga pa naming nalaman ang tungkol sa hospice."
- Nagbibigay ang hospice ng home medical equipment at mga supply na may kaugnayan sa sanhi ng karamdaman. Kabilang dito ang mga upuan para sa shower, mga oxygen tank, mga hospital bed, mga supply para sa banyo, at marami pang iba.
- Sinusuportahan ng hospice ang pamilya. Matapos na pumanaw ang isang pasyente, tinutugunan ng hospice ang emosyonal at espiritwal na pananakit na dinaranas ng mga mahal sa buhay nang hanggang sa mahigit sa isang taon.
- Ang karamihan sa mga pasyente ng hospice ay walang gastos mula sa sariling bulsa. Sakop ng Medicare Part A ang hanggang sa 100% ng gastos sa hospice care na may kaugnayan sa karamdaman ng pasyenteng karapat-dapat sa hospice, nang walang deductible o copayment. Ang health coverage na pribado o galing sa pinagtatrabahuhan ay maaaring kakaiba. Makipag-ugnayan sa iyong insurance provider para sa mga detalye tungkol sa pagiging karapat-dapat sa hospice, sa coverage, at sa mga gastos mula sa sariling bulsa. Nagbibigay ng coverage sa hospice ang Medicaid, ngunit magkakaiba ito depende sa state.
Magplano Nang Maaga
Ibinibigay ng hospice care ang pinaka-makabuluhang pagpapahusay sa quality of life kapag nagsimula ito nang mas maaga sa daloy ng sakit ng pasyente sa halip na mas huli pa. Inirerekomenda ng VITAS na magsimula ang mga pag-uusap na ito sa oras na nagkaroon ng seryosong diagnosis. Matitiyak ng mga pasyenteng matatanggap nila ang pangangalaga na gusto nila-at kung kailan nila ito gusto-sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maaga at patuloy na pakikipag-usap tungkol sa mga layunin at kagustuhan ng kanilang pangangalaga sa kanilang pamilya, doktor, o staff ng pasilidad.
Matutulungan ng mga doktor ang mga pasyente na maunawaan ang kanilang mga opsyon at matukoy ang kanilang mga kagustuhan sa mga session ng advance na care planning at konsultasyon ng mga layunin ng pangangalaga. Ang mga pakikipag-usap na ito na ini-re-reimburse ng Medicare ay nagreresulta sa mga advance na directive, mga dokumentong may medikal na awtoridad na dapat masunod, na nagsasaad kung paano dapat gamutin ang isang pasyente, sa anong sitwasyon sila dapat i-resuscitate, sino ang makakagawa ng mga medikal na desisyon sa kanilang ngalan, at higit pa.
Ang sinumang lampas sa edad na 18 ay dapat mayroong advance na directive para mapanatili ang kontrol sa kanilang pangangalaga kung sakali mang hindi na nila magawang makapagsalita para sa kanilang sarili. Kabilang sa mga advance na directive ang mga living will, mga durable/medical power of attorney, isang Five Wishes na dokumento, mga kautusan ng doktor/medikal na kautusan para sa paggamot na makapagpapanatili ng buhay, at iba pang mahahalagang mga dokumento.
Mga Tanong para sa Mga Provider ng Hospice
Kapag isinasaalang-alang ang hospice care para sa sarili o sa isang mahal sa buhay, ang pag-unawa sa mga kakayahan, karanasan, at pilosopiya ng isang posibleng provider ay mahalaga para magkaroon ng mas may kumpiyansang desisyon sa pangangalaga. Makakatulong ang mga tanong na ito upang malaman kung ang isang provider ay naaangkop para sa isang pasyente:
- Paano nasasaklaw ang mga gastos sa hospice? Tumatanggap ba ang provider ng Medicare, Medicaid, mga VA benefit, at pribadong insurance?
- Ano ang mga ibinibigay na level ng pangangalaga? Gaano kadalas bibisitahin ng mga miyembro ng team sa pag-aalaga ang pasyenteng iyon sa bahay?
- Ano ang proseso ng admissions? Gaano kabilis makakapagsimula ang pangangalaga?
- Ano'ng mangyayari kung sakaling magkaroon ng emergency o mga agresibong sintomas? Naghahandog ba ang provider ng 24/7 na suporta?
- Magagawa ba ng provider na mapamahalaan ang mga komplikadong sintomas sa bahay? Naghahandog ba sila ng mga dalubhasang serbisyo para sa respiratory disease, dementia, cancer, heart disease, sepsis, HIV/AIDS, atbp.?
- Mayroon bang pangangalaga para sa partikular na populasyon ng mga beterano, LGBTQ na pasyente, relihiyosong minorya, at iba pa? Matutugunan at magagawa ba ng provider ang mga partikular na relihiyoso o kultural na tradisyon?
I-download ang Checklist: Paano Pumili ng Hospice Provider >
Ano ang Magagawa ng VITAS Para sa Iyo sa Hospice Care
Ang VITAS ay ginagabayan ng isang pangunahing pagpapahalaga: "Mga pasyente at pamilya muna." Ang bawat serbisyo ng VITAS ay idinisenyo para mabigyan ang mga pasyente, ang kanilang mga pamilya, at tagapag-alaga ng supportang nagpapabuti sa quality of life, namamahala ng kanilang mga sintomas at pananakit, at nasisiguro ang kaginhawahan at dignidad sa pinakamahirap pero makabuluhang buhay ng isang tao.
Kapag handa na ang pasyente na isaalang-alang ang hospice care, karaniwang puwedeng magsagawa ang VITAS ng pagsusuri sa pagiging kwalipikado sa loob ng 24 oras at, kung naaangkop, isimula ang madaliang paglipat sa aming mga serbisyo, araw o gabi, kahit man pista-opisyal o Sabado't Linggo.
Tinutukoy ng "palaging available" na pamamaraan na ito ang aming buong modelo ng pangangalaga. Isang pagtawag lang sa telpono ang kailangan para makatanggap ng klinikal na suporta para sa mga pasyente, pamilya, at tagapag-alaga.
Isang interdisciplinary care team ng VITAS ang nakatalaga sa bawat pasyente para sa isang pinasadyang plano ng pangangalaga na nakatuon sa mga natatanging pangangailangan, layunin, at kagustuhan ng pasyente.
Regular na bibisita ang mga miyembro ng team-kasama ang isang doctor, nurse, aide, social worker, chaplain, volunteer, bereavement counselor, at iba pang espesyalista-para mapamahalaan ang mga klinikal, psychosocial, at espirituwal na sintomas ng pasyente. Nakadepende ang dalas ng pagbisita sa mga pangangailangan ng bawat pasyente at pamilya.
Kapag namatay ang pasyente, binibigyan ang kanyang pamilya ng espasyo at suportang kinakailangan nila para maproseso ang pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay. Puwedeng naroon ang spiritual staff at iba pang miyembro ng team sa pangangalaga para tumulong sa mga rituwal sa katapusan ng buhay, pagsasaayos sa funeral home, at mga kahirapan sa pagluluksa.
Sa loob nang hindi bababa sa 13 buwan pagkatapos ng pagkamatay ng pasyente, patuloy na tutulungan ng VITAS bereavement specialists ang pamilya na iproseso ang pagkawala sa kanila sa pamamagitan ng mga personal na pangungumusta, mga support group sa pangungulila, at iba pang mga praktikal na hakbang.