Ano ang ginagawa ng mga Social Worker ng Hospice?

Sa hospice, ang isang lisensyadong medikal na Social Worker(LMSW) ay may espesyal na pagsasanay sa pangangalaga sa taong malapit ng pumanaw. Maaari ring matulungan ng mga social worker ng hospice ang isang pamilya sa pagkumpleto ng mga medikal na papeles, o kaya sa pagkuha ng mga serbisyo ng isang tagapangalaga ng bahay para sa pasyente ng hospice at ng kanyang asawa na naninirahan nang mag-isa. Malalaman ng isang social worker ang mga serbisyong pangkomunidad na maaaring magamit ng mga pasyente at pamilya.

Bilang bahagi ng interdisiplinary team ng VITAS, gustung-gusto ng mga social worker na nakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng pamilya, nag-aayos ng isang outing sa isang pasyente o nag-aayos ng isang party para sa isang taong nangangailangan ng higit pa sa medikal na atensyon.

"Alam ng aming mga pasyente na sila ay mamamatay," sabi ng isang social worker ng VITAS. "Ngunit nais pa rin nilang makaramdam ng maganda, at nais naming makaramdam sila ng maganda". 

Paano Makakatulong ang Isang Social Worker ng Hospice sa Isang Pasyente at Pamilya?

  • Tumulong sa paghahanda ng mga form para sa isang advance na directive, sa utos na huwag i-resuscitate (DNR) o isang Physician Order for Life-Sustaining Treatment (POLST).
  • Makipag-ugnayan sa mga samahan na nag-aalok ng mga mapagkukunan na maaaring mapakinabangan mo at ng iyong pamilya, tulad ng Meals-on-Wheels o Life Alert ® .
  • Tumulong sa pag-fill out ng mga papeles at pag-file ng insurance, medicare at medicaid.
  • Gabayan ang iyong pamilya sa paggawa ng mga pangunahing desisyon tungkol sa pangangalaga sa kalusugan ng iyong minamahal.
  • Maghanap ng mga lokal na serbisyo sa pagpapayo at mga grupo na sumusuporta para sa mga miyembro ng pamilya.
  • Pag-ugnayin ang emosyonal at espirituwal na suporta para sa iyo at/o iyong mahal sa buhay.
  • Tumulong sa pagpaplano ng libing.
  • Tumulong sa pag-fill out ng mga papeles na kinakailangan pagkatapos mamatay ang pasyente.

Ang mga tao ay nagtatanong kung ang gawaing hospice ay nakakalungkot. Sasabihin sa iyo ng sinumang miyembro na ang gawain sa hospice ay isang pribilehiyo, at ito ay gawaing nakakapagpasigla. Lalo na para sa mga social worker, ang binibigyan ng diin ay buhay.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.