Ano ang Mangyayari Kung Gumaling Ako Habang nasa Hospice Care?
Maaari Bang Bumuti ang Kalusugan ng Isang Pasyente sa Hospice?
Oo. Paminsan-minsan ang kalusugan ng pasyente ay totoo ngang bumubuti sa hospice, dahil sa maraming kadahilanan-ang kanilang mga pangangailangan sa nutrisyon ay nakakamit, ang kanilang mga gamot ay nai-tatama, sila ay regular na aktibong nakikipag-ugnayan sa ibang tao, sila ay nakakatanggap ng mas regular na medikal at/o personal na atensyon, atbp.
Ang hospice ay isang benepisyo sa ilalim ng Medicare na pag-aari ng pasyente. Kapag pumasok sa hospice ang isang pasyente, ito ay dahil sila ay karapat-dapat para sa benepisyo at pinili na gamitin ito.
Ang isang makabuluhang pagbabago sa kalagayan ng pasyente ay maaaring mangailangan ng muling pagtatasa ng doktor tungkol sa anim na buwan na prognosis ng pasyente. Kung naniniwala ang doktor ng pasyente na siya ay mabubuhay nang mahigit sa anim na buwan, ang hospice ay ititigil.
Kung o kapag ang kalagayan ng pasyente ay magsimulang lumala, maaaring muling bigyan ng doktor ng pagtatasa ang pasyente. Kung ang pasyente ay karapat-dapat na muli sa hospice, maaari niyang piliin na muling ipagpatuloy ang hospice care.
Maaari Bang Piliin ng Pasyente na Ihinto ang Hospice Care?
Oo. Maaaring piliin na mga pasyente na ihinto ang pagtanggap ng mga hospice services nang walang pahintulot ng doktor. Ito ay tinatawag na "pagtigil" (o "revoking") ng hospice.
Pinipili minsan ng mga pasyente na ihinto ang mga hospice services dahil nais nilang muling subukan ang mga panlunas na paggagamot. Oras na itinigil na nila ang hospice, maaari nilang piliin na magpa-opera o ipagpatuloy ang mga pamamaraan para makahanap ng lunas. Itinitigil ng ilan sa mga pasyente ang pag-aalaga ng isang hospice upang makalipat sa iba. Anuman ang dahilan, ang hospice care ay parating naka-base sa desisyon ng pasyente.
Kapag itinigil ng pasyente ang mga hospice service, ang ibig sabihin nito ay itinitigil din nila ang mga benepisyo na maaari nilang tinatanggap mula sa Medicare hospice benefit: mga home medical equipment at mga supply, mga serbisyong holistic o therapy, mga pagbisita sa bahay, atbp.
Maaari Bang Piliin ng Hospice na I-discharge ang Isang Pasyente?
Oo. Kung natuklasan ng hospice na ang pasyente ay wala nang sakit na nakamamatay na may prognosis na anim na buwan o kulang pa, kinakailangan nilang i-discharge ang pasyente sa kanilang pangangalaga. Kabilang sa iba pang mga dahilan kung bakit maaaring i-discharge ng hospice ang isang pasyente ay:
- Ang pagkamatay ng pasyente
- Itinigil ng pasyente ang benepisyo ng hospice
- Ang pasyente ay lumipat o umalis sa lugar na pinagsisilbihan ng hospice o pumunta sa iba pang hospice
- Ang pag-discharge dahil may dahilan-ayon sa patakaran ng hospice, ang pag-uugali ng pasyente o mayroong tao sa bahay ng pasyente na magulo, abusado o nakagagambala sa pamamaraan ng paggawa ng mga tungkulin ng hospice para sa pasyente.¹
Ang desisyon na tumanggap ng mga hospice service ay maaaring nagbibigay ng pakiramdam na ito na ang katapusan, ngunit dapat tandaan ng mga pasyente at ng mga pamilya na ang hospice ay pag-aalaga na nakatuon sa pasyente. Kung sa anumang dahilan ay pinili ng pasyente o ng pamilya na pinakamabuti para sa kanila na itigil ang hospice care, susuportahan ng hospice provider ang kanilang desisyon at muli silang tatanggapin, kung sakali mang pinili nilang bumalik.
¹http://www.nhpco.org/discharge-hospice-services