Ano ang Inaasahan Mula sa Isang Primary Caregiver ng Pasyente ng nasa Hospice
Ang iyong minamahal ay may malubhang sakit. Oras na nakabalik na sila mula sa ospital, naunawaan mo na ang iyong minamahal ay hindi na lamang basta iyong minamahal-ngayon siya ay iyong pasyente na rin.
Maaaring nakakatakot na maging responsable sa pangangalaga ng isang mahal mo sa buhay na may taning na ang buhay. May tulong kang matatanggap mula sa mga miyembro ng isang trained na hospice team na regular na bumibisita sa pasyente, ngunit ikaw ang in charge o namumuno sa pag-aalaga ng kapamilya mong maysakit.
Ang mga serbisyo ng hospice team ay hindi nilalayong bilang kapalit sa pangunahing tagapag-alaga, ngunit bilang pansuporta sa pangangalagang tinatanggap na ng pasyente sa kanyang bahay o pasilidad na tinitirahan.
Ano ang Kailangang Gawin Kung Ikaw ang Tagapag-alaga
Ano ang ibig sabihin ng pagiging pangunahing tagapag-alaga ng isang pasyente sa hospice? Narito ang ilan sa mga responsibilidad na mayroon ang ilan sa mga tagapag-alaga:
- Personal care ng pasyente-Kabilang dito ang pagbibigay ng tulong sa pasyente upang mapanatili siyang malinis at kumportable, tulad ng pagbibigay ng tulong sa pagliligo at pagpunta sa kubeta, paglalagay ng lotion sa tuyong balat, pinananatiling malinis ang ngipin, pag-aahit, paglilinis at pagsusuklay ng kanilang buhok, pagbibigay ng malinis na mga baro at kubre-kama at sinisiguro na ang mga kuko sa kanilang mga kamay at paa ay maiksi.
- Mga gamot-Bilang pangunahing tagapag-alaga, sisiguraduhin mo na napuno ng pasyente ang lahat ng kanyang mga reseta at tama ang mga dosis na ibinibigay sa mga tamang panahon. Maaaring kabilang dito ang anumang mga bagay, mula sa mga pills at mga syrup hanggang sa mga patch at mga injection.
- Medikal na pangangalaga-Maaaring kabilang dito ang paglilinis at pagpapalit ng mga bandage sa mga pressure ulcer, pagkuha ng kanilang temperatura, paglagay ng yelo o init o pagkuha ng mga numero ng blood pressure.
- Medikal na kagamitan-Responsibilidad ng pangunahing tagapag-alaga na siya ay maging bihasa sa paggamit ng medikal na kagamitan ng pasyente, kabilang ang mga makina ng oxygen, wheelchair, lift at pang-ospital na kama.
Tatlong Bagay na Makapag-papaginhawa ng Buhay
Mayroong mga ilang bagay na maaari mong gawin upang makatulong na medyo mapadali ang trabaho ng isang pangunahing tagapag-alaga:
- Lubos na samantalahin ang mga pagbisita ng mga miyembro ng hospice team. Ang team ay isang magaling na mapagkukunan ng edukasyon; gamitin ang panahon na iyon upang magtanong nang marami, dahil kapag mas marami kang alam, mas malaki ang iyong pagtitiwala sa iyong sarili. At habang pinaliliguan ng hospice aide ang iyong minamahal o tinitingnan ng nurse ang kanyang mga vital signs, gamitin ang panahon na iyon upang makagawa ng isang tasa ng tsaa o upang makapaglakad-lakad o makapahinga at mabawi ang lakas bago muling simulan ang iyong mga tungkulin. Nakahandang tumulong sa iyo ang iyong hospice team.
- Siguraduhing sapat ang dami ng oras ng iyong pagtulog. Huwag hahayaan ang mga pag-aalala at mga kinatatakutan na mag-resulta sa iyo bilang gising at nag-iisip nang buong gabi. Lubos na mahalaga ang pamamahinga para sa iyo upang makapanatili kang alerto at matalas ang pag-iisip, kahit na ibig sabihin nito ay ikaw ay umidlip nang sandal habang ang iyong minamahal ay natutulog o kaya humingi sa iyong doktor ng tulong para makatulog.
- Humingi ng tulong mula sa pamilya at mga kaibigan. Ang buong araw na pangangalaga ng isang tao ay nakakaubos ng lakas at dahilan para lagi kang mag-isa. Nais ng pamilya at mga kaibigan na makatulong; huwag mag-aatubili na humingi sa kanila ng tulong.
Tandaan: walang tao na makagagawa nito para sa iyo, ngunit hindi ibig sabihin nito'y kailangan mong gawin ito nang mag-isa. Ang hospice team ay maaaring ma-contact sa anumang oras ng gabi o araw upang makahingi sa kanila ng tulong. Oo, ikaw nga ang magbibigay ng karamihan sa pangangalaga para sa iyong minamahal. Pero sa totoo lang: iyon talaga ang gusto mong mangyari higit sa lahat.