Checklist sa Hospice: 11 Bagay na Dapat Ihanda para sa Hospice

Kung sa palagay mo ay nauunawaan mo nang husto ang hospice care para sa iyong mahal sa buhay, puwede ninyong pag-usapan bilang pamilya ang checklist na ito para matiyak na naisagawa mo ang mga hakbang na ito:

  1. Ang iyong mahal sa buhay ay nakipag-usap sa iyo o naisulat na niya ang kanyang mga kahilingan para sa pangangalaga malapit sa katapusan ng buhay.
  2. Nasagutan at nalagdaan ng iyong mahal sa buhay ang isang advance na directive o living will. Nabasa mo ito at alam mo kung saan ito makikita.
  3. May isang tao na itinalagang tumawag sa hospice o humiling sa doktor ng mahal sa buhay para sa isang referral.
  4. May isang tao na piniling magpasya kung hindi na nakakapagsalita ang iyong mahal sa buhay.
  5. Nauunawaan mo ang 4 antas ng hospice care. Alam mo kung paano makakatulong sa iyo ang hospice sa pangangalaga ng iyong mahal sa buhay. Natalakay mo ang tungkol sa mga ispirituwal na pangangailangan ng iyong mahal sa buhay at ng iyong pamilya.
  6. Nakapili na ang iyong mahal sa buhay kung saan niya gustong makatanggap ng end-of-life care.
  7. May isang tao na pinili bilang pangunahing tagapag-alaga habang nasa bahay ang iyong mahal sa buhay.
  8. Nakausap mo na ang iyong mahal sa buhay tungkol sa pangangasiwa sa pananakit. Puwede mong gabayan ang mga miyembro ng hospice team tungkol sa mga kahilingan ng iyong mahal sa buhay malapit sa katapusan ng buhay.
  9. Mayroon kang listahan ng mga praktikal na tanong na itatanong sa iyong hospice team tungkol sa kung paano makakapag-ayos at makakapaghanda para sa hospice.
  10. Nauunawaan mong magiging mahirap na panahon ito para sa iyong pamilya, at alam mong may available na emotional support.
  11. Nakapagsaliksik ka na at alam mo kung paano mababayaran ang hospice.

Para sa Higit pang Impormasyon

Matutulungan ka ng iyong doktor at VITAS na malaman kung ang hospice care ay tama para sa iyong mahal sa buhay. Hindi ka gagastos para dito. Puwede mong tawagan ang VITAS sa 800.582.9533, 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.

Para sa isang maii-print na bersyon ng aming checklist, i-download ang aming gabay sa talakayan tungkol sa hospice.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.