Ang Palliative Care Kung Ikukumpara sa Hospice Care: Mga Kaibahan at Pagkakapareho

I-download ang Patnubay: Hospice kumpara sa Palliative Care

Sa Pahinang Ito:

Ano ang Kaibahan ng Palliative Care sa Hospice Care?

Habang ang layunin ng hospice at palliative care ay pagpapaginhawa ng pananakit at sintomas, posibleng magkaiba ang prognosis at mga layunin ng pangangalaga. Ang hospice ay pag-aalaga para sa kaginhawahan nang walang hangarin sa paggamot; ang pasyente ay wala nang mga opsyon para gamutin o pinili na huwag nang ituloy ang paggagamot dahil ang mga side effect ay higit pa sa mga benepisyo. Ang palliative care ay pag-aalaga para sa kaginhawahan na maaaring mayroon o walang hangarin sa paggamot.

Ang hospice care ay katulad ng palliative care, ngunit may mga mahalagang pagkakaiba. Dahil higit sa 90 porsyento ng hospice care ang binabayaran sa pamamagitan ng Medicare Hospice Benefit, dapat matugunan ng mga pasyente ng hospice ang mga kinakailangan upang maging karapat-dapat sa Medicare; ang mga pasyente ng palliative care ay hindi kailangan ang parehong mga requirement.

Larawang nagpapakita ng mga pagkakatulad at kaibahan ng palliative care at hospice care

 

Mga Kahulugan ng Hospice kumpara sa Palliative Care

Kahulugan ng Hospice Care

Tumutukoy ang hospice care sa pangangalaga na may pagdaramay para sa kaginhawahan (kabaligtaran ng medical care) para mga taong may karamdamang walang lunas na may prognosis ng anim na buwan o mas maikli, batay sa tantya ng kanilang doktor kung ang sakit ay magpapatuloy sa natural na pagsulong nito.

Kahulugan ng Palliative Care

Tumutukoy ang palliative care sa pangangalaga na may pagdaramay para sa kaginhawahan na nagbibigay ng kaluwagan sa mga sintomas at pisikal na stress at stress sa kaisipan ng isang malubhang karamdaman o karamdamang nagdudulot ng pagkamatay. Ang palliative care ay maaaring gawin sa diagnosis, sa panahon ng paggagamot at follow-up, at sa katapusan ng buhay.

Hospice kumpara sa Pagiging karapat-dapat ng Palliative Care

Upang maging karapat-dapat sa hospice, nangangailangan ito ng dalawang doktor na magbibigay ng sertipikasyon na ang pasyente ay mayroon na lamang na natitirang kulang pa sa anim na buwan upang mabuhay kung hahayaan ang sakit na magpatuloy sa normal na kurso nito. Hindi kasing-higpit ang mga alituntunin upang magiging karapat-dapat sa palliative care at nagsisimula ito sa pagpapasiya ng doctor at pasyente sa anumang panahon, sa anumang yugto ng karamdaman, nakamamatay man ito o hindi.

Mga Pangkat ng Hospice at Palliative Care

Ang mga pangkat na binubuo ng iba't ibang disiplina ang nagbibigay ng kapwa hospice at palliative care. Tinutugunan nila ang pisikal, emosyonal at espiritwal na pananakit, kabilang ang naturang karaniwang mga alalahanin na tulad ng kawalan ng pagiging indipendiyente, ang estado ng kalusugan ng pamilya at ang pakiramdam na siya ay isang sagabal.

Pagbabayad sa Hospice kumpara sa Palliative Care

Ang mga gastos sa hospice care ay binabayaran ng 100 porsyento ng Medicare, Medicaid at pribadong seguro; ang hospice ay ang tanging benepisyo ng Medicare na isinasama ang mga gamot, kagamitang medikal, 24/7 pag-access sa pangangalaga, nursing, social services, pagbisita sa kapilyan, suporta sa pangungulila dahil sa pagkamatay at iba pang mga serbisyo na itinuturing ng ahensya ng hospice na naaangkop. Sa paghahambing, ang mga halaga ng palliative care-mula sa mga pagbisita sa opisina hanggang sa mga halaga ng reseta- ay maaaring magkakaiba. Basahin pa ang iba rito tungkol sa kung sino ang nagbabayad para sa palliative care.

Anong Uri ng Mga Pasyente ang Pumipili ng Palliative Care?

Ang American Society of Clinical Oncology ay natukoy ang mga katangian ng isang pasyente na dapat tumanggap ng palliative care ngunit hindi paggamot; ang mga katangiang ito ay naaangkop din sa mga pasyenteng may iba pang mga sakit.

Mga Bagay na Malimit Itanong Tungkol sa Hospice at Palliative Care

Ang palliative care ba ang huling hakbang bago makarating sa hospice?

Hindi. Ito ay isang mahalagang bahagi ng hospice. Ang lahat ng mga pasyente ng hospice ay patuloy na tumatanggp ng palliative care habang sila ay papalapit na sa katapusan ng kanilang buhay; ang pagpapabawas ng kawalan ng kaginhawahan ng mga pasyente at ang pagbibigay ng pagpapahupa ng sintomas ay ang pang-araw-araw na prayoridad para sa mga tagapagbigay ng kalususan sa hospice.

Maaari itong isang nakatutulong na paraan upang mapag-isipan ito: "Ang lahat ng hospice care ay kabilang ang palliative care, ngunit hindi lahat ng palliative care ay nagaganap sa hospice."

Ang palliative care ba ay kapareho sa end-of-life care?

Hindi. Bagama't ang palliative care ay nagiging mahalaga sa katapusan ng buhay, ang pangangalagang ito ay katugma sa anumang prognosis.

Ang pasyenteng sumasailalim ng chemotherapy ay dapat na maging kumportable hangga't maaari habang itinutuloy ang paggagamot; ang pasyenteng nasa hospice ay dapat na maging kumportable habang siya ay dumarating na sa mga huling buwan ng kanyang buhay.

Ang anumang paggagamot na nagpapabuti ng kalidad ng buhay at nagpapabawas ng kahirapan ng sintomas para sa alinman sa mga pasyenteng ito ay itinuturing na palliative care.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.