Lokasyon at mga Serbisyo sa Missouri
Ikinasisiyahang pagsilbihan ng VITAS Healthcare ang mga pasyente sa Missouri simula nang buksan namin ang aming unang opisina dito noong 2006. Ngayon, nagbibigay kami ng pinasadyang hospice na serbisyo at mga palliative services para sa mga pasyente na nasa St. Louis at pati na rin sa mga nasa kapaligiran nito.
Sinasabi sa amin ng aming mga pasyente sa Missouri kung saan nila ninanais na makatanggap ng pangangalaga, at pinupuntahan namin sila sa tabing-kama na may Pangako, Pagkamahabagin, at ng Kayang Gawin na Saloobin - ang Kaibahan ng VITAS. Bilang karagdagan pa sa mga regular na pagbisita at mga konsultasyon sa mga tauhan ng klinika, ang mga pasyente sa Missouri at ang kanilang mga pamilya ay maaaring makakuha ng psychosocial na suporta at tulong sa pagpaplanong kaugnay sa katapusan ng buhay sa tulong ng isang social worker ng VITAS, at pati na rin ng isang pang-espiritwal na counseling sa pamamagitan ng isang VITAS na chaplain.
Naghahandog din kami ng iba't ibang nakikipagtulungang mga therapy at modality upang matugunan ang buong hanay ng pangangailangan ng pasyente at pamliya. Ikinagagalak din naming mapagsilbihan ang mga taong nagsilbi para sa ating bansa sa pamamagitan ng aming pagsali sa We Honor Veterans na inisyatiba.
Mga Lokasyon at Lugar ng Serbisyo
Kilalanin ang Hospice Team ng VITAS
Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.
Doktor
Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Hospice Nurse
Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Hospice Aide
Nagbibigay ang hospice aide ng personal care sa pasyente. Sila rin ang "mata at tainga" ng iba pang hospice team.
Social Worker
Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Volunteer
Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Chaplain
Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao
Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.