Tulong at Payo mula sa Pastor o Pari

Ang pastor o pari ng hospice ay isang mahalagang miyembro ng bawat hospice team at nagbibigay ng atensyon sa mga espirituwal at emosyunal na pangangailangan ng pasyente at pamilya nito, at nang sa gayon, mapangasiwaan ng ibang miyembro ng team ang mga pisikal at sikolohikal na pangangailangan ng pasyente na nagaganap habang papalapit na ang pagpanaw nito. 

Ang pagtanggap ng terminal na diagnosis o pagkaalam na may taning na ang buhay ng isang tao ay hindi lang isang medical issue. Ang pagharap sa katotohanan na ang isang tao ay mamamatay na ay puno ng mga problemang espirituwal, mga tanong sa kahulugan ng buhay at sa buhay pagkatapos mamatay, at ito ay nangyayari anuman ang paniniwala ng pasyente - relihiyoso o kaya naman ay hindi naniniwala sa anumang relihiyon.

Nakiki-simpatiya ang pari/pastor ng VITAS sa isang babaeng umiiyak

Ang bawat hospice team ay may pari o pastor na nagbibigay ng payo at tulong na pang-espirituwal sa pasyente at sa pamilya nito, at may kakayahang magbigay o i-plano ang anumang tulong na kailangan upang matulungan sila na harapin ang mga problema at paghihirap na hindi medikal at nagaganap kapag papalapit nang papalapit ang kamatayan ng pasyente.

Inilalarawan ng isang pastor/pari ng VITAS ang kanyang papel bilang isang coach: "Tinutulungan ko ang pamilya na mahanap nila ang sagot at paraan upang makawala sila sa takot at pag-aalala."

Ito naman ang sabi ng isa pang pastor/pari nang tanungin siya ng isang bata kung ano ang ginagawa niya sa trabaho araw-araw: "Araw-araw, hinihingi ko sa Diyos na punuin niya ako ng pagmamahal, at pagkatapos lumalabas ako at ipinamimigay ko ang pagmamahal na ito sa aming mga pasyente sa hospice at sa mga pamilya nila."

Tulong at Payo Mula sa Pastor at Pari Bilang Bahagi ng Hospice Care: Para sa mga Nanininiwala at Hindi Naniniwala sa Diyos

Ang mga pari at pastor ng hospice ay nagbibigay ng iba't ibang serbisyo, kabilang na ang pagpapayong espirituwal, spiritual assessment at pangkalahatang gabay habang hinaharap ng mga pasyente at pamilya nila ang espirituwal na anyo ng pagkakaroon ng sakit, pagkawala ng minamahal sa buhay at kamatayan.

Kahit pa walang pinaniniwalaang relihiyon ang pasyente o pamilya niya, ang mga pari at pastor ng hospice ay sinanay upang tulungan ang mga tao na may iba't ibang kultura, paniniwala, tradisyon at relihiyon. Kung hihingi ng tulong na espirituwal ang pamilya mula sa isang pastor o pari na iba ang paniniwala sa pininiwalaan niya, halimbawa, magbibigay ang pastor o pari ng hospice ng serbisyo ng rabbi, minister o iba pang religious leader.

Sa simula, iaalok muna ng mga chaplain ng hospice ang kanyang payo at tulong sa mga pasyente at pamilya nila. Nakikinig sila sa iyo. Kakausapin ka nila. Hahawakan nila ang kamay mo. Nagbabahagi sila ng mga kwento. Magtatanong sila. Bibigyan ka nila ng kasiguruhan at papapanatagin nila ang loob mo. Magdadasal sila o magbabasa ng mga kwento o artikulo na nagbibigay ng inspirasyon sa mga pasyente at pamilya nila. Gagabayan ka nila kung kailangan mo o hinihingi mo ang paggagabay nila. Magsisilbi silang boses mo para sa mga tanong, ikinababahala at takot na mararamdaman mo habang papalapit ang oras ng kamatayan.

Pagsuporta sa mga Pasyente at Pamilya

Ang mga chaplain ng hospice ay kasama rin sa ilang pagdedesisyon na kailangang gawain sa panahon ng pagpanaw ng pasyente. Maaari silang magbigay ng kanilang opinyon ukol sa desisyon na may kinalaman sa Do Not Resuscitate order o sa mga plano sa paglilibing. Maaari rin silang tumulong sa mga pasyente at pamilya nila na pumili ng mga babasahin o kanta para sa memorial service o paglilibing. Nagsisilbi sila bilang mga taong nakikinig sa mga bagay na nais pag-usapan ng mga asawa, ka-partner at miyembro ng pamilya na nahihirapang makayanan ang "pagluluksa bago ang kamatayan," ang pakiramdam ng paparating na kalungkutan na maaaring maranasan bago pa man pumanaw ang isang mahal sa buhay.

Kung minsan, ang on-call na doktor lang ng hospice ang tanging miyembro ng hospice team na nasa tabi ng pasyente sa pagpanaw nito, at siyang responsable sa pagre-record ng oras ng pagkamatay ng pasyente at sa pag-aabiso sa punerarya, at sa pagbibigay ng suporta sa pamilya ng pumanaw na pasyente.

Ang chaplain ay nakikipagtulungan sa ibang miyembro ng hospice: doktor, nurse, aide, social worker, bereavement specialist at boluntaryo. Ang papel nila ay ang ayusin ang mga psychosocial at spiritual issues na kaugnay ng isang diagnosis o pagkaalam ng isang sakit na nagbibigay taning sa buhay ng pasyente.

Karagdagang pagbabasa tungkol sa isang araw sa buhay ng isang hospice chaplain. >>

Naghahanap ka ba ng karera bilang isang Hospice Chaplain? Tingnan ang aming mga bukas na posisyon ngayon.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.