Music Therapy para sa Mga Hospice Patient

Higit pa sa isang aktibidad sa musika sa isang nursing home o pasilidad ng hospice ang music therapy. Ito ang klinikal at batay sa ebidensyang paggamit ng interbensyon ng musika sa pamamagitan ng isang board-certified na music therapist. Sinusuri nito ang mga kalakasan at pangangailangan ng pasyente at idinidisenyo ang plano ng paggamot na may kasamang paglikha, pag-awit, paglipat sa at/o pakikinig nang live, sa gustong musika ng pasyente sa loob ng mga sesyong indibidwal, grupo at/o pamilya.

Dahil ang musika ay hindi mapagbanta, kasiya-siya at nagpapabuti sa pag-andar ng utak, ang mga tao ng magkakaibang edad, pinagmulan at kakayahan ay maaaring makakuha ng mga benepisyo ng therapeutic sa pamamagitan ng music therapy. Kapag inihandog sa mga malapit na sa katapusan ng buhay, puwedeng isabay ang music therapy sa ibang pagsisikap sa pagpapagaling para matugunan ang pisikal, emosyonal, cognitive, at social na pangangailangan ng mga hospice patient. Bagaman hindi angkop para sa bawat pasyente sa hospice, ang music therapy ay maaaring epektibo sa isang hindi man gaanong matugon na pasyente.

Sino ang Puwedeng Makinabang sa Hospice Music Therapy?

Nagbibigay ang music therapy ng pinakamaraming benepisyo sa mga pasyenteng:

  • Kulang sa panlipunang pakikipag-ugnay o sensory stimulation
  • Nakararanas ng sakit at sintomas na mahirap kontrolin sa pamamagitan ng mga tradisyonal na interbensyong medikal
  • Nakakaramdam ng pagkabalisa o apektado ng dementia
  • Naghahanap ng kongkretong paraan upang makayanan o upang tukuyin o ipahayag ang mga damdamin o kaisipan
  • May mga problema sa komunikasyon dahil sa mga kapansanang pisikal o intelektwal
  • Nangangailangan ng espirituwal na suporta, kung saan maaaring kasama ang iba pang miyembro ng pamilya
  • Nasisiyahan sa musika upang mapahusay ang kanilang quality of life o mapanatili ang dangal

Ano ang mga Technique na Ginagamit sa Music Therapy?

Kumukuha ang mga music therapist mula sa isang malawak na hanay ng mga aktibidad sa musika at interbensyon. Halimbawa, maaaring magsulat ang therapist at ang pasyente ng mga kanta upang maipahayag ang nararamdaman; maaaring matutong magpatugtog ng piano ang pasyente upang mapabuti nang mahusay motor skills o gumamit ng musical instruments upang makayanan ang hindi mailabas na emosyon.

Hindi available ang music therapy sa bawat lokasyon ng VITAS. Mangyaring makipag-ugnay sa iyong lokal na programa para sa higit pang impormasyon.

*Hindi pagmamay-aari ng VITAS ang mga karapatan sa musikang ito.

Mga Madalas Itanong Tungkol sa Music Therapy

Sa VITAS, pinalilibutan namin ang mga pasyente at kanilang mga pamilya ng mga serbisyo at mga resource para sa quality of life kapag malapit na sa katapusan ng buhay.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.