Sino ang Nagpapasya Tungkol sa Hospice?
Sama-samang nagpapasya ang mga pasyente, pamilya, at mga healthcare providers tungkol sa hospice. Isa itong pangangalagang pangkalusugan na desisyon. Ang mga healthcare providers ay gumagamit ng mga alituntunin para matulungan silang makapag-pasya kung ang isang pasyente ay kwalipikado para sa hospice care na pinopondohan ng Medicare, na nagbibigay ng end-of-life care na nakatuon sa kaginhawahan.
Ang mga pasyente ay puwedeng magpasya sa kanilang sarili tungkol sa hospice, kung maayos ang kalagayan ng kanilang pag-iisip. Karaniwan, nakakatanggap ng tulong ang mga pasyente hinggil sa pasyang ito mula sa kanilang pamilya, mga medikal na provider, tagapayo, at mga ispiritwal na tagapayo. Puwede ring makatulong ang mga miyembro ng hospice team.
Pagpili ng Hospice Provider
Tandaan ang mga bagay na ito kapag nagsusuri at pumipili ng hospice provider:
- Suriin ang kasaysayan at reputasyon ng hospice provider bago ka magpasya. Gaano na ito katagal sa negosyo? Ibinibigay ba nito ang lahat ng 4 antas ng hospice care, gaya nang iniaatas ng Medicare? Ano ang sinasabi ng mga ibang pasyente o pamilya tungkol sa kanilang mga karanasan?
- Tingnan ang sertipikasyon, lisensya, at mga inihahahandog ng provider. Ito ba ay aprubado ng Medicare, lisensyado, at sertipikado sa iyong estado? Mayroon bang buong interdisciplinary hospice team na nagbibigay ng emosyonal, psychosocial, at espiritwal na pangangalaga?
- Tiyaking natutugunan ng programa ng hospice ang iyong mga partikular na pangangailangan. Kasali ba ito sa pambansang We Honor Veterans na programa? Nagbibigay ba ito ng sensitibo-sa-kulturang pangangalaga batay sa iyong lahi, relihiyon, kultura, etnisidad, o pamumuhay? Mahusay bang makipag-ugnayan sa ninanais mong wika ang mga miyembro ng staff?
- Isaalang-alang ang mga karagdagang serbisyo. Mayroon bang tao na available 24/7/365 kung sakaling magkaroon ka ng emergency o krisis? Gumagawa ba ang hospice team ng indibidwal na plano sa pangangalaga na para lang sa iyo? Kung mayroon kang malubhang karamdaman, naghahandog ba ito ng mga kinakailangang serbisyo, espesyalisadong pangangalaga, at pagkadalubhasa para masuportahan ang iyong kalidad ng buhay malapit sa katapusan ng buhay?
Higit pang Tulong: Paano Pumili ng Hospice Provider >
Mga Advance na Directive at Hospice Care
Kung hindi magagawa ng mga pasyente na makapag-desisyon o makipag-ugnayan, may iba pang mga opsyon sa pagpili ng hospice care. Ang pinakamainam ay kung ang pasyente ay dati nang nakagawa at nakalagda sa isang advance na directive, gaya ng isang living will. Sa dokumentong iyon, maaari siyang tumukoy ng isang tao na gagawa ng mga medikal na desisyon para sa kanya. Depende sa iyong estado, tinatawag ang taong ito bilang healthcare proxy, healthcare surrogate, durable power of attorney for healthcare, o healthcare agent.
Kung walang advance na directive ang pasyente, ang pinakamalapit na kamag-anak ang gagawa ng mga pasya ukol sa pangangalagang pangkalusugan: sa karaniwan ay ang asawa muna, at pagkatapos ay ang mga anak na nasa hustong gulang. Kung mayroon kang mga tanong, alamin ang mga regulasyon ng iyong estado o makipag-ugnayan sa lisensyadong klinikal na social worker o case manager ng iyong mahal sa buhay.