Opsyon ang Hospice

Mga Desisyon sa Katapusan ng Buhay

Sa ilang punto ng buhay, karamihan sa atin ay kailangang gumawa ng desisyon tungkol sa pangangalaga sa taong malapit nang pumanaw. Karaniwan ang desisyon ay kagaya ng: Gusto ba nating gawin ang agresibong paggagamot hanggang katapusan, o pumili ng isa pang opsyon, tulad ng hospice?

"May karapatan tayong pumili," sabi ni Maite Hernandez, director of sales training para sa VITAS. "May karapatan tayong pumili, 'Gusto kong magawa ang lahat; gusto ko ng matinding pag-aalaga hanggang sa katapusan.' At may karapatan tayong pumili, 'Gusto kong nasa bahay, ayoko nang pumunta sa ospital. Gusto kong mamatay sa aking kama, napapalibutan ng aking pamilya.'"

Ang Edukasyon Ang Susi Dito

Bilang resulta ng maraming taon ng pakikinig sa mga karanasan sa hospice ng mga tao, naniniwala si Hernandez na mahalaga para sa lahat sa komunidad na maging may alam tungkol sa pangangalaga sa taong malapit nang pumanaw, kabilang ang saklaw ng serbisyo na kilala bilang palliative care at hospice care.

May karapatan tayong makipag-usap sa ating mga doktor at sa medikal na komunidad at sabihing, 'Hey, narinig ko ang tungkol sa hospice. Magiging kandidato ba ang aking mahal sa buhay para sa ganitong uri ng serbisyo?"'sabi niya.

Magtanong. Magsaliksik. Alamin kung ano ang kaya mo. Tuklasin ang mga pagpipilian. Sa ganoong paraan, ginagawa mo ang lahat sa iyong kapangyarihan na gawin ang pinakamahusay na pagpipilian kapag dumating na ang oras.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.