Anong Mga Serbisyo ang Ibinibigay ng Palliative Care?

Ang palliative care ay naging board-certified na medical specialty mula noong 2006 sa US, ngunit ang pagsasagawa ng comfort-focused care ay ginagawa na ng maraming siglo. Lumago ang palliative treatment dahil sa hospice movement.

Ngayon, 80 porsyento ng mga ospital na may 300 o higit pang mga kama ay nag-aalok ng palliative specialist o palliative team na nakikipagtulungan sa ibang mga doctor ng pasyente upang matugunan ang pisikal, panlipunan at espirituwal na pagkabalisa ng malubhang karamdaman at paggamot nito at mga pagpipilian sa pag-aalaga.

Ano ang Palliative Care?

Ang palliative care ay ang pag-aalagang nagbibigay ng kaluwagan mula sa mga sintomas na nanggagaling mula sa sakit o pinsala.

Kung ikukumpara sa medical care, kung saan ginagamot ang isang sakit, ang palliative care ay para gawing mas kumportable ang pasyente. Ang kahulugan ng palliative care ay "upang gawing hindi gaanong malubha o hindi kasiya-siya ang sakit o sintomas nito nang hindi inaalis ang sanhi." Babawasan ng palliative care o "i-papalliate" ang mga sintomas at pahuhusayin ang iyong quality of life.

Ang Palliative Care ba ay Tulad ng Hospice Care?

Hindi. Habang parehong tinutugunan ng palliative at hospice care ang mga sintomas, angkop lamang ang hospice sa huling anim na buwan ng buhay, tulad ng tinantya ng doktor ng pasyente. Inaalok ang hospice sa lugar ng paggagamot, samantalang ang comfort ng palliative care ay available anumang oras sa sakit ng isang pasyente, mula sa diagnosis at sa buong paggagamot.

Larawang nagpapakita ng mga pagkakatulad at kaibahan ng palliative care at hospice care

Matuto pa tungkol sa mga pagkakaiba sa pagitan ng palliative care at hospice care >

Kadalasan, ang palliative treatment ay tinatalakay sa konteksto ng malubhang karamdaman: chronic, mga progresibong sakit sa baga; sakit sa bato; malubhang sakit sa puso; HIV/AIDS; mga progresibong neurological na kundisyon; cancer; atbp. Nakatuon ito sa likas na katangian ng paggamot at ang posible at hindi posibleng mga kinalalabasan ng mga opsiyon sa therapy.

Ang hangarin ng palliative care ay upang makapagbigay ng impormasyon sa pasyente at pamilya upang matukoy nila ang kanilang mga layunin at ninanais na mga resulta - samakatuwid ang "​​​​​​​Pag-uusap Tungkol sa mga Layunin ng Pangangalaga."

Ano ang Mga Layunin ng Palliative Care?

Kabilang sa mga layunin ng palliative care ang:

  • Pagtutugma ng mga resulta ng paggamot sa mga pinahahalagahan at kagusutuhan ng pasyente
  • Pagpapahusay sa quality of life para sa kapwa pasyente at pamilya
  • Pagbabawas ng sakit at kakulangan sa ginhawa
  • Pagpapawi sa emosyonal na pagkabalisa, anxiety, o depression
  • Pagtulong sa kaligtasan, kadaliang kumilos, at kagamitan
  • Espirituwal na pagpapayo
  • Binibigyan ng pagkakataon ang mga pasyente at tagapag-alaga na gumawa ng mga desisyon na tama para sa kanila

Sino ang nasa Palliative Care Team?

Ang palliative care ay madalas na ibinibigay ng isang team ng mga propesyonal na halos kapareho sa isang interdisciplinary hospice team. Ang klinikal na pagsusuri at mga talakayan sa pag-aalaga ay karaniwang ibinibigay ng mga doktor, mga nurse practitioner at mga RN. Minsan, ang mga manggagawa sa lipunan at mga chaplain ay sangkot din.

Ano ang mga Benepisyo ng Palliative Care?

Ang palliative care ay nagbibigay ng kaluwagan sa iba't ibang paraan. Ang mga pisikal na sintomas tulad ng pananakit, pagkapagod, pagkawala ng gana sa pagkain, pagduduwal/pagsusuka at kawalan ng tulog ay maaaring lahat na mabawasan sa pamamagitan ng palliative na pamamaraan, sa pamamagitan ng mga gamot, nutrisyon, malalim na paghinga, o acupuncture.

Para sa mga pasyente at pamilya na sinisikap makayanan ang isang malubhang diagnosis, maaaring matugunan ng palliative care ang pagkalumbay, pagkabalisa at pagkatakot sa pamamagitan ng paggamit ng counseling, mga grupo ng suporta, mga pagpupulong sa pamilya, at mga iba pa.

Ano ang Kasama sa Palliative Care?

Nagsisimula ang palliative care sa isang pag-uusap para malaman ang mga sintomas, mga pangangailangan, at anumang gamot ng pasyente na posibleng magbibigay ng ginhawa. Para sa ilang mga pasyente, inihahandog bilang palliative na opsyon ang pagtigil ng mga gamot na nagdudulot ng mga hindi kumportableng side effect.

Ang isang doctor at isang pasyente, na parehong nakasuot ng mask, ay magkatabing nakaupo sa isang opisina habang nag-uusap

Ang mga pangangailangan ng pasyente ay maaari ding matugunan sa pamamagitan ng mga pamamaraan na hindi umaasa sa gamot, gaya ng espesyalisadong nutrisyon o mga ehersisyo sa paghinga. Para sa karagdagang ginhawa, ang palliative care team ay puwedeng magbigay ng mga complementary na therapy para matugunan ang mga partikular na sintomas.

Ang mga partikular ng palliative care ay magkakaiba depende sa bawat kaso, dahil ang mga paggamot ay para matugunan ang mga natatanging pangangailangan at kakayahan sa kawalan ng ginhawa ng isang pasyente.

Parating nakikipag-ugnayan ang palliative care team sa pasyente para malaman kung gaano katindi ang kanilang pananakit at iba pang mga sintomas. Batay sa impormasyong iyon, magkasama nilang sinusuri ang mga naaangkop na opsyon sa paggamot.

Kung hindi magawa ng isang pasyente na makipag-ugnayan o kaya ay hindi niya kayang personal na makapag-ulat ng pananakit o iba pang nakakabahalang sintomas, aasa ang care team sa mga kasangkapan sa pagsusuri ng pananakit at klinkal na pagpapasya para mabigyan siya ng ginhawa sa mga sintomas.

Gaano Katagal Ka Puwedeng Manatili sa Palliative Care?

Puwedeng mangyari sa kailanmang yugto ng buhay ang palliative care, gaano man katagal, at puwedeng mangyari ito na kasabay ng medical care. Ang hospice care, kung saan kasama ang palliative care, ay idinisenyo para magbigay ng kaginhawahan at dignidad sa huling anim na buwan ng buhay ng isang pasyente.

Ayon sa pananaliksik, ang mas maagang pagsasakatuparan ng palliative care ay may positibong epekto sa kasiyahan ng pasyente at pamilya tungkol sa pangangalagang natatanggap nila, ang pagdama ng pananakit ng pasyente, at pati na rin ng mga antas ng pagkabuhay ng pasyente. Ang isang pasyente ng hospice na piniling ihinto ang mga hospice services ay maaaring magpatuloy na tumanggap ng palliative care.

Ang Pakikipag-usap sa Iyong Healthcare Providers Tungkol sa Palliative Care

Para sa mga pasyente at pamilyang may mga alalahanin na higit pa sa sakit mismo, may isang miyembro ng VITAS palliative care team na maaaring masagot ang kanilang mga katanungan at makakatulong na makahanap ng mga resources upang matugunan ang mga suliranin na tungkol sa pananalapi, legal, trabaho, transportasyon at pabahay. At kung ang iyong pananampalataya ang iyong angkla, o sa palagay nito ay tinalikuran ka nito-o kahit na wala kang relihiyosong background-ang palliative care ay maaaring matugunan ang anumang mga espiritwal na mga katanungan bilang ilaw sa iyong kultura at tradisyon.

Higit sa lahat, ang mga clinician ng palliative care ay sinanay para makinig sa mga pangangailangan, layunin, alalahanin, at tanong ng mga pasyente at pamilya. Seryoso nilang tinatrato ang mga pakiramdam at personal na karanasan ng pananakit ng pasyente, at mahusay nilang pinapangunahan ang pag-uusap na nagpapalabas ng mga hindi pa nalulutas na mga bagay para maging batayan ng isang komprehensibong plano ng pag-aalaga na nakatuon sa pasyente.

Ang palliative care ay napatunayan na epektibo sa pagpapabuti ng quality of life Kapag ang iyong mga sintomas ay kinokontrol, at sa tingin mo ay may isang tao na naroon upang makinig, mas bumubuti ang pakiramdam mo at nabubuhay ka nang mas mahusay. Ang mga palliative na pagkonsulta ay nagreresulta sa mas mababang gastos sa pangangalagang pangkalusugan, dahil maaaring makatulong ito sa iyo na mas gumanda ang pakiramdam sa isang antas na kung saan pinili mong hindi na pumasok sa ospital at tanggihan ang mga pagsusuri o paggamot na hindi naaayon sa iyong mga layunin.

Paano Tinatalakay ng VITAS ang Palliative Care?

Sa VITAS, ang palliative care ay nagsisimula sa isang natatanging plano sa tulong ng interdisciplinary team upang matugunan ang mga pangangailangan ng pasyente. Maaaring makipagtulungan ang team sa mga bagong nasuri na pasyente at sa mga nahihirapan sa mga epekto nang pagkatapos ng mga curative therapy. Ang ilang mga miyembro ng palliative team ay maaaring board certified sa hospice at palliative treatment; ang iba naman ay maaaring mga kapilyan o kaya ay mga social worker.

Ang isang palliative na pagkunsulta sa pasyente ay nagbibigay ng napapanahon at tiyak na impormasyon na makatutulong sa pasyente at pamilya na maunawaan kung ano ang tulong na maibibigay ng palliative treatment sa kanila, at nakakatulong sa mga doktor at sa lahat ng interdisciplinary team na makapagbigay ng pinaka-angkop na pag-aalaga.

Kung titindi ang mga sintomas ng pasyente sa isang antas na hindi na mapapamahalaan sa pamamagitan ng karaniwang palliative care, 24/7 na nakahanda ang VITAS para ilipat ang pasyente sa isang mas mataas na antas ng pangangalaga sa pamamagitan ng dalawmpu't apat na oras ng suporta mula sa isang crisis nurse hanggang sa makontrol na ulit ang mga sintomas. Kung higit na agresibo ang mga sintomas, puwedeng ilipat ng VITAS ang pasyente sa isang inpatient hospice unit para sa intensive na pangangasiwa ng sintomas hanggang sa puwede na silang bumalik sa bahay.

Nais mo bang malaman ang higit pa tungkol sa kung paano paghahambing sa palliative care sa hospice care?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.