Ano ang Do Not Intubate na Order?

Kapag tinatanong ang mga pasyente at miyembro ng pamilya tungkol sa kanilang mga kagustuhan para sa end-of-life care, madalas silang kinakailangang gumawa ng desisyon tungkol sa paglagda ng mga dokumento, kasama ang Do Not Intubate na order (DNI) o Do Not Resuscitate na order (DNR).

Itong dalawang order ay nagbibigay sa mga clinician ng mga tagubilin tungkol sa mga hakbang na gusto o hindi gusto ng isang pasyente; halimbawa, kung mawawalan sila ng malay, hindi makahinga nang sarili, o nakakaranas ng iba pang malubhang sintomas o kumplikasyong posibleng makasagabal sa pangmatagalang kalidad ng buhay.

Ang mga pasya at tagubiling ito ay bahagi ng prosesong tinatawag na advance na care planning. Ginagabayan ng advance na care planning ang pamamaraan sa pangangalaga sa pasyente, lalo na ang tungkol sa pangangasiwa ng sintomas at mga layunin ng pangangalaga (pangangalagang nakatuon sa kaginhawahan kaysa sa agresibong pagpapahaba ng buhay).

Sa pakikipagtulungan sa clinician, nagpapasya ang mga pasyente at ang kanilang mga pamilya kung gusto ba nila ang mga partikular na paggamot, gaya ng:

  • intubation
  • cardiopulmonary resuscitation (CPR)
  • dialysis
  • artipisyal (parenteral) na nutrisyon/pag-hydrate
  • antibiotics

Ang DNR at DNI na mga kautusan ay mahahalagang bahagi ng advance na care planning.

Sa medikal na pagpapahayag, ang ibig sabihin ng DNI ay ayaw ng pasyente na pasukan ng breathing tube ang kanyang trachea, na papadaanin sa ilong o bibig, para mapanumbalik ang normal na paghinga. Kung mananatilihing hindi normal ang paghinga ng pasyente, mananatili ang tubo at sa kalaunan ay ikakabit ito sa ventilator para mapanatili ang paghinga. Pinapanatili ng ventilator ang pagdaloy ng oxygen papasok at palabas sa baga kapag hindi nagagawa ng pasyente na huminga nang kanilang sarili.

Maaaring pirmahan ng isang pasyente ang DNI at patuloy pa rin na makatanggap ng benepisyo mula sa oxygen therapy at non-invasive na ventilation, gaya nang sa pamamagitan ng BiPAP.

Kinakailangan ba sa Hospice na Pirmahan Mo ang isang DNR?

Hindi inaatasan ng VITAS Healthcare na pumirma ng DNI na kautusan ang isang pasyente, na karaniwang partikular na bahagi ng isang mas malawak na DNR na kautusan. Nauunawaan ng mga pasyente ng hospice at ng kanilang mga pamilya na nakatuon ang hospice sa pangangalaga para sa kaginhawahan, at hindi sa paggamot sa dati nang sakit.

Kapag nilagdaan ang DNR at DNI na mga kautusan, karaniwang inilalagay ang mga ito sa chart ng pasyente bago magkaroon ng medikal na krisis, para nauunawaan ito ng team ng pangangalagang pangkalusugan at matupad nila ang mga kahilingan ng pasyente para sa end-of-life care.

DNR vs. DNI: Bahagi ba ng DNR ang Pag-intubate?

Karaniwang may nilalamang DNI na kautusan sa loob ng isang DNR na kautusan. Sa mas malawak na DNR, sinasabi sa mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na huwag gumagamit ng mga pang-emergency na pamamaraan na pagliligtas ng buhay, tulad ng cardiopulmonary resuscitation (CPR), mga chest compression, mga breathing tube, at mga cardiac drug, bilang halimbawa, para mabalikan ng malay o buhay ang isang pasyenteng may malubhang sakit, kung huminto ang kanyang paghinga o huminto ang kanyang puso.

Gayunpaman, ang DNI ay nagpapahintulot ng pangunahing nakapagliligtas-ng-buhay na CPR, mga chest compression, at mga gamot, pero partikular na ipinagbabawal ang paglalagay ng breathing tube.

Bakit pinipili ng mga pasyente ang isang DNI? Karamihan ng mga pasyente ay ayaw manatili sa isang ventilator nang matagalan o mas gusto nilang pumanaw sa natural na paraan. Kung lumagda ka ng DNR, hindi ibig sabihin na lumagda ka rin ng DNI.

Mga Pagsasaalang-alang para sa DNI

Tandaan ang mga pagsasaalang-alang na ito kapag nagpapasya kung lalagda ng DNI para sa iyong sarili o isang taong pinagkatiwalaan kang magpasya para sa kanila:

  • Ano ang mga panandalian at pangmatagalang panganib at benepisyo ng pag-intubate?
  • Matutupad ba ng pag-intubate ang mga isinaad na layunin, kahilingan, at kinahahalagahan ng isang pasyente para sa isang nakatuon sa kaginhawahan at naka-base sa bahay na end-of-life care?
  • Susuportahan ba ng pag-intubate ang kalidad ng buhay kapag malapit na sa katapusan ng buhay o magigi kayang isang hadlang ito sa kalidad ng buhay at/o sa isang pagpanaw na may karangalan?
  • Gaano mo gustong maging kaugnay ang iyong doctor o team sa pag-aalaga pagdating sa iyong pasya tungkol sa DNI o DNR? Magtanong kung gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa epekto ng iyong mga opsyon at pasya.
  • Kung ikaw ay nagsisilbi bilang isang kinatawan sa pangangalagang pangkalusugan ng isang pasyenteng may malubhang karamdaman, subukang makipag-usap habang maliwanag pa ang pag-iisip ng pasyente tungkol sa kanyang mga kahilingan para sa DNR o DNI, para makapagpasya ka nang tama sa hinaharap.

Ang pinakamagandang pamamaraan sa isang DNI o DNR ay ang pagsisimula ng mga talakayan nang maaga sa iyong sariling karamdaman (o sa karamdaman ng iyong mahal sa buhay), para matiyak na masusuri, maisasadokumento, at maibabahagi sa iba ang mga kahilingan, kasama ang sa iyong (mga) nakatalagang tagapagpasya at mga team sa pangangalagang pangkalusugan at hospice.

Huwag maghintay para simulan ang iyong advance na care planning.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.