Papaano Natutulungan ng Palliative Care ang mga May Cancer na Pasyente?

Bilang isang pasyenteng may kanser, hindi ka nag-iisa, ngunit ang bawat pasyente ay nakakaranas ng kanyang sakit nang naiiba. Ang iyong edad, lahi, kultura, support system at natatanging pagkatao ay may papel na ginagampanan sa iyong sakit at iyong pakiramdam ng kalagayan mo. May papel din sila sa mga uri ng palliative care na nais mo. Ang palliative care ay hindi nakakagamot o gumagamot sa iyong kanser. Sa halip, ang palliative care ay nagpapaginhawa sa mga sintomas ng pisikal, emosyonal at psychosocial. Maaari itong magsimula kapag ikaw ay nasuri na may kanser at magpatuloy sa lahat ng mga paggamot at pag-follow-up hanggang sa katapusan ng buhay.

Ang palliative care ay maaaring makatulong sa mga pasyenteng may cancer sa pamamagitan ng pagbawas at pag-aliw sa mga sintomas ng pisikal, mental at emosyonal. Basahin pa ang nasa ibaba tungkol sa kung paano makatutulong ang palliative care sa mga pasyenteng may cancer.

Kakayanin

Ang mga pasyente at pamilya ay dapat humanap ng mga paraan kung paano kakayanin ang na-diagnose na kanser at ang oras ng paggagamot. Ang palliative care ay maaaring matugunan ang depresyon, pagkabalisa at takot sa pamamagitan ng mga pagpapayo, mga grupo ng suporta, mga pagpupulong ng pamilya at iba pa.

Pisikal

Ang sakit, pagod, pagkawala ng ganang kumain, pagkahilo/pagsusuka, pangangapos ng paghinga at hindi makatulog ay mga pisikal na sintomas ng kanser. Ang mga gamot at holistic na pamamaraan tulad ng nutrisyon o malalim na paghinga ay tumutugon sa mga sintomas na iyon, habang ang palliative chemotherapy ay maaaring magpaliit ng tumor na nagdudulot ng kirot.

Praktikal 

Ang mga pasyenteng may cancer at ang kanilang mga pamilya ay may mga alalahanin na higit pa sa sakit. Maaaring may mga pagkagipit sa pananalapi, ligal na problema, mga alalahanin sa trabaho, mga isyu sa transportasyon at pabahay. Nakakatakot kahit na ang pag-unawa lamang sa mga detalye ng mga medical form. Ang isang miyembro ng pangkat ng palliative care ay maaaring makahanap ng mga resources sa komunidad, sagutin ang mga katanungan at gumawa ng mga praktikal na mungkahi.

Ispiritwal

Kung ang iyong pananampalataya man ang iyong angkla o parang pinabayaan ka nito, ang mga espiritwal na problema ay nauuna pa sa diagnosis ng kanser. Kahit na ang mga taong di naniniwala sa relihiyosong gawain bago magkasakit, ay nagtatanong ng mga bagay tulad ng, "Bakit ito nangyayari sa akin?" o "Ano ang mangyayari pagkamatay natin?" Tinutugunan ng palliative care ang iyong mga katanungan ayon sa iyong kultura at tradisyon upang matulungan kang tanggapin kung ano ang nangyayari.

Kalidad ng Buhay

Ang palliative care ay napatunayan na epektibo sa pagpapabuti ng quality of life Kapag ang iyong mga sintomas ay nakokontrol at pakiramdam mo ay mayroong isang taong makikinig, mas maganda at maayos ang pakiramdam mo . Ang mga pagkokunsulta sa palliative ay nagreresulta sa mas mababang gastos sa pangangalagang pangkalusugan, dahil pinili mong hindi ma-ospital at tanggihan ang mga hindi kinakailangang pagsusuri at paggagamot; may pagkakataon na ang mas maraming paggagamot ay hindi nangangahulugan ng mas mahusay na pangangalaga. Kung/kapag ang curative treatments ay hindi na epektibo, ang palliative care na ang tutugon sa lahat ng iyong mga pangangailangan.

Saan ang Nag-aalok ng Palliative Care? 

Ang palliative care ay inaalok ng mga cancer center at ospital, na mayroong mga espesyalista sa palliative o isang buong pangkat ng mga tauhan. Ang ilang mga center ay may mga programa o klinika na tumutugon sa mga partikular na isyu sa palliative, tulad ng lymphedema, pain management, paggana ng sekswal o mga psychosocial isyu. Kung nakatira ka sa bahay o sa isang long term care na pasilidad, maaaring magbigay ng palliative care sa iyo ang isang pangkat ng hospice o ang doktor.

Makipag-usap sa iyong pamilya at sa iyong oncologist tungkol sa mga layunin ng pangangalaga at kung paano mapapabuti ng palliative care ang kalidad ng iyong buhay.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.