Home Medical Equipment: Dinadala nito ang Hospice sa Tahanan
Kapag may malubhang sakit ang isang tao, ang pananatili sa kanyang bahay ang pinakamainam na paraan upang mapanatili niya ang kanyang quality of life o kalidad ng kanyang buhay. Ngunit, makakaya mo bang gawin ito? Hindi ka ba magiging pabigat sa mga taong nagmamahal sa iyo? Kailangan mo ba ng special support, supplies at hospice equipment?
Iwanan Mo ang Ospital nang may Kumpiyansa
Sa VITAS Healthcare, ang pangangailangan ng mga pasyente at kanilang pamilya ang laging una. Alam namin na gusto mong bumalik sa iyong bahay kasama ang mga tao at makita ang mga lugar upang maging mas maginhawa ang pakiramdam mo, at meron kaming mga resources upang mangyari ito.
Sa VITAS, natutugunan nito ang lahat ng mga pangangailangan mo upang maging mas madali ang paglipat mo mula sa ospital papunta sa iyong bahay. Panatag ang loob mo dahil alam mong ang bahay mo ay nakahanda salamat sa mga home medical equipment at supplies na kailangan mo.
Maaasahan mo na ang hospice equipment ay masusing nasuri, inihanda at sinubukan at sumusunod ito sa guidelines ng manufacturer.
Hindi Mo Kailangang Maghintay para sa Home Medical Equipment
At hindi dapat maghintay ang mga pasyente na ililipat sa bahay mula sa ospital, ang VITAS ay may home medical equipment (HME), delivery at staff sa 80 na porsyento ng mga lokasyon kung saan nagbibigay kami ng serbisyo. Para sa mga lugar kung saan hindi kami nagsu-supply ng aming medical equipment, nakikipagtulungan kami sa mga local na supplier na tumutugon sa aming mataas na standards.
Kung ang HME ay kasama bilang bahagi ng iyong plan of care, agad-agad at lubos naming tutugunan ang pangangailangang ito.
Meron kaming mga medical equipment na kakailanganin ng iyong hospice care plan, kabilang na ang:
- Oxygen at delivery services
- Nebulizer
- CPAP at BiPAP
- High-flow oxygen therapy
- Hospital bed
- Pressure-relief mattress
- Wheelchair at iba pang specialty chairs
- Trapeze bar at patient lift
- Walker, cane o baston, tub seat at bedside commode
- Suction equipment
- Feeding pump
Kilalanin ang iyong HME Technician
Ang lahat ng mga pasyente ng VITAS na nakatanggap ng medical equipment sa kanilang bahay ay nakatatanggap ng propesyunal na serbisyo ng skilled medical service technician. Ang iyong technician ay itinuturing na bahagi ng iyong hospice team at lagi siyang handa upang sagutin ang iyong mga tanong, i-adjust ang mga device at bumalik sa iyong bahay para sa service visit, kung kailangan.
Nauunawaan ng iyong technician ang iyong mga pangangailangan ,at pati na rin ang mga pangangailangan ng iyong pamilya, habang nag-a-adjust ka sa bagong routine sa iyong bahay. Ang technician ang magkakarga ng equipment na kailangan mo sa truck, ide-deliver ito sa iyong bahay at maingat niya itong ise-set up ayon sa kagustuhan mo. Kapag naiayos na at napagana ang lahat, magbibigay ang technician ng detalyadong instruction kung paano tumatakbo ang mga equipment. Hindi siya aalis hangga't hindi lubos na natututuhan ng mga caregiver o tagapag-alaga sa pamilya at/o pasyente kung paano gamitin ang equipment.