Hospice Interdisciplinary Care Team
Ang hospice care team ay isang grupo ng mga sinanay na healthcare professionals upang masigurado na ang pasyente sa hospice ay nabubuhay nang kumportable at may dignidad sa mga huling buwan, linggo o araw na nalalabi sa buhay niya. Ang mga miyembro ng team na ito na mula sa iba't ibang sektor ay binubuo ng doktor, nurse, hospice aide, social worker, chaplain o pari o pastor, boluntaryo at bereavement specialist o espesyalista para sa mga taong nangungulila sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.
Ang Hospice Physician
Ang bawat pasyente sa hospice ay sasailalim sa pangangalaga ng hospice physician na masinsing imo-monitor ang paglala ng sakit ng pasyente, magbibigay ng mga angkop na gamot at magco-coordinate ng pangangalaga ng pasyente kasama ang ibang miyembro ng team. Hinihikayat ng mga hospice physician ang doktor ng pasyente na makibahagi ito hanggang gusto ng pasyente, sa plano sa pag-aalaga ng pasyente.
Ang Hospice Nurse
Ang mga hospice nurse ay sanay sa pag-assess at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at sintomas ng pasyente. Sila ay mga trained na caregiver at mismong nag-aalaga sa pasyente. Ang mga hospice nurse ay magaling ding makinig at magbigay ng ginhawa sa pamilya ng pasyente, at tinuturuan sila kung paano mas maayos na maaalagaan ang kanilang mahal sa buhay na maysakit. Malaman ang tungkol sa isang araw sa buhay ng isang nurse sa hospice.
Ang Hospice Aide
Ang mga hospice aide ay mga certified nursing assistants na nagbibigay ng personal na pangangalaga sa pasyente katulad ng pagpapaligo sa kanya, pagbibihis at paglilinis ng ngipin. Naririto sila upang mabawasan ang trabahong ginagawa ng tagapag-alaga sa pamilya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga aktibidad na katulad ng magaang mga gawain sa bahay.
Ang Hospice Social Worker
Ang mga hospice social worker ang nagbibigay ng suportang emosyonal at psychosocial sa pasyente at sa pamilya nito. Sila ang nagco-coordinate ng mga gawain para sa pangangalaga sa pasyente, nakikipagtulungan sa mga insurance companies o sa Veterans' Administration at tumutulong sa finances o pangangasiwa ng gastos, pagpaplano ng libing o iba pang gawain. Ang mga social worker ay laging maaasahan upang makinig sa inyo.
Ang Hospice Priest o Pastor
Anuman ang paniniwala o relihiyon ng pasyente o pamilya nito, ang mga pari at pastor ng hospice ay available upang tumulong sa mga problemang pag-espirituwal na kadalasang nangyayari habang papalapit na ang pagpanaw ng pasyente. Ang chaplain ng hospice ay nasa tabi ng pasyente at pamilya niya, iginagalang at sinusuportahan ang mga tradisyon ng kultura nila at ang mga values o pinapahalagahan nila. Maaari ring makipagtulungan ang chaplain ng hospice sa pari o pastor ng pasyente, kung hihilingin ito. Malaman ang tungkol sa isang araw sa buhay ng isang hospice priest o pastor.
Ang Hospice Volunteer
Ang mga boluntaryo ng hospice ay sadyang nagsanay para sa hospice at sa mga problemang kinakaharap ng mga pasyenteng nasa huling bahagi na kanilang buhay, at sinasamahan nila ang mga pasyente at ang kanilang pamilya o tumutulong upang mapadali ang pag-aalaga sa pasyente. Ang mga boluntaryo ay isang mahalagang bahagi ng hospice; ang kanilang mga tungkulin ay iba't iba at ito ay maaaring pagbisita sa mga pasyente, paggagawa ng mga bagay para sa pasyente, pag-document ng istorya ng pasyente at pagtulong sa opisina.
Ang Bereavement Specialist
Ang bereavement specialist ang kasama ng pasyente at pamilya niya upang harapin ang pangungulila bago pa man pumanaw ang pasyente at sa kalungkutan nila sa pagpanaw nito. Ang mga kapamilya ng pasyente na nasa hospice ay tumatanggap ng suporta sa kanilang pangungulila at kalungkutan ng hanggang 13 buwan pagkatapos na pumanaw ang pasyente, at kasama rito ang tuluy-tuloy na pakikipag-ugnayan, support groups, edukasyon sa pangungulila at one-on-one na pagbisita. Ang hospice ay laging available para sa mga taong nakaranas na mamatayan ng mahal sa buhay.
Regular na Pagbisita at 24-hour na Telephone Support
Sinisiguro ng mga miyembro ng hospice team na ang pasyente na nasa kanilang pangangalaga ay kumportable, hindi nakakaramdam ng sakit at napapanatili ang pinakamainam na kalidad ng buhay na maaaring makamit sa kalagayan niya. Binibisita nila ang pasyente sa anumang lugar na itinuturing ng pasyente na tahanan niya-maging private residence man ito, assisted living community o nursing home.
Ang karaniwang pagbisita ng mga miyembro ng hospice team 5-6 beses sa isang linggo. Tulung-tulong silang nagbibigay ng tulong na pisikal, emosyonal at espirituwal sa pasyente at mino-monitor nila ang sakit na nararamdaman ng pasyente, pinapangasiwaan ang mga sintomas, tinutugunan ang mga pangangailangan sa nutrisyon at pagkain, tinitingnan kung may problemang pang-emosyunal at nagbibigay ng suporta. Tinuturuan din ng mga miyembro ng team ang family caregiver kung paano pinakamainam na maaalagaan ang pasyente.
Para sa mga pangangailangan sa labas ng oras ng duty ng team, nagbibigay ang VITAS ng 24 oras na access sa mga hospice clinicians na maaaring sumagot sa tanong ng mga pasyente at pamilya nila, tulungan ang mga tagapag-alaga sa telepono o magpadala ng team member sa higaan ng pasyente kung kinakailangan.