Papaano Natutulungan ng Palliative Care ang mga Pamilya at Tagapag-alaga

Ang Indirektang Epekto

Hindi na tumatanggap si Ann ng paggagamot para sa kanyang liver disease. Habang hindi na siya tumatanggap ng paggamot para sa liver disease mismo, tumatanggap siya ng palliative care -upang matiyak na kumportable siya hangga't maaari. Ngayon, tumatanggap si Ann ng mga gamot upang maibsan ang kirot at pagduduwal niya, massage therapy upang marelaks siya at pagbibisita mula sa isang kapilyan upang matulungan siyang harapin kung ano ang darating sa buhay niya.

Ang isang babae sa isang wheelchair ay nasa may bintana nakatingin sa labas, nakangiti, habang ang asawa ay nakatayo sa likuran niya

Para sa mga malapit na ang katapusan ng buhay, ang palliative care, o comfort care, ay nakatuon sa pagkamit ng posibleng pinakamataas na kalidad ng buhay at "ang kontrol ng kirot, iba pang mga pisikal na sintomas at sikolohikal, panlipunan at espirituwal na mga isyu ay mahalaga."¹

Ngunit, habang ang palliative care ay nag-aalok ng maraming mga benepisyo sa pasyente, nakita ng mga mananaliksik na ang mga tagapag-alaga ay nakakaranas ng "isang positibong indirektang epekto" kapag ang kanilang mahal sa buhay ay tumatanggap ng palliative care.²²

Ang pagbibigay-tulong sa mga pasyenteng may malubhang sakit upang sila'y maging mas kumportable ay maaaring makabawas ng stress sa kanilang mga tagapangalaga.

Pagbawas ng Stress 

Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga tagapag-alaga ng mga pasyenteng may malubhang sakit na tumatanggap ng palliative care ay nagpapakita ng pinahusay na lakas at pagkilos at mas kaunting mga sintomas ng depresyon.²

Dahil kalmado si Ann at walang nararamdamang sakit, ang kanyang asawang si Bob, ay hindi gaanong nababahala. Nakakatulog siya ng maayos gabi-gabi. Araw-araw ay nakakapagpahinga siya ng maayos at nakakapagpokus sa pag-aalaga sa kanyang asawa. Mas mahusay niyang nagagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain at mga paghamon.

Kapag mayroong isang mahal sa buhay na may sakit sa bahay, nadarama ng mga tagapag-alaga ang hirap. Ngunit kung ang mahal mong taong iyon ay panatag at kumportable dahil sa epekto ng palliative care, ang lahat ay nakakahinga nang maluwag at ang bigat ng pag-aalaga ay nagiging mas magaan.

¹Kinzbrunner, Barry M., et. al. End-of-Life Care: A Practical Guide. New York: McGraw Hill Companies, Inc. 2011. p.445. I-print.

²Early Palliative Care Provides Important Benefits for Family Caregivers of Patients with Cancer. http://www.ehospice.com/usa/ArticleView/tabid/10708/ArticleId/19368/language-GB/View.aspx#.VOMX3P4G6m.mailto

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.