Binibigyan ng hospice ng kontrol ang pasyente at pamilya nito.

Gumagawa ka ng Mga Desisyon

"Ang sinasabi namin sa VITAS ay ang pasyente at pamilya ay palaging nasa sentro ng aming pangangalaga," sabi ni Susan Acocella, isang pangkalahatang tagapamahala sa VITAS.

Nangangahulugan ito na ang pasyente at pamilya ay gumagawa ng desisyon. Sila ang may kapangyarihan, at nandoon ang VITAS upang tulungan sila sa proseso.

Ang Grupo namin ay Tumutulong

Ang grupo ng hospice ng VITAS ay binubuo ng maraming mga propesyonal, lahat ay nagtatrabaho para sa pasyente at pamilya:

  • Ang nurse na nagsusuri at nangangasiwa ng kirot, nagbibigay ng hands-on na care
  • Social Worker na nag-aalok ng suportang emosyonal at pangkomunidad, at tumulong sa mga isyu sa pinansyal at pagpaplano
  • Ang doktor na nakikipagtulungan sa pangunahing doktor ng pasyente, kinukunsulta sa sakit at sa pangangasiwa ng sintomas, at bumibisita bahay
  • Hospice aide na tumutulong sa personal care, tulad ng pagpapaligo at mouth care, at magaan na trabaho sa bahay
  • Ang chaplain na nagbibigay ng espirituwal na suporta
  • Boluntaryo na tumutulong sa iba't ibang paraan
  • Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao na nagbibigay ng grief at loss counseling

Ang mga miyembro ng grupo ay karaniwang bumibisita nang paisa-isa, at palaging nasa schedule na pinipili ng pasyente at/o pamilya. Nandiyan sila upang tumulong.

"Nakatuon kami sa pasyente, sa buong konsepto, mula sa pagka-espiritwal hanggang sa pag-unawa sa kung ano ang nangyayari-at pakikinig," sabi ni Acocella.

Dahil sa VITAS, may kontrol ang pasyente at pamilya.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.