Hospice Care para sa Sepsis/Septic Shock
Naiiba ang Sepsis mula sa iba pang malubha o chronic na sakit na madalas na humahantong sa hospice diagnosis dahil sa bilis ng pag-unlad nito. Kung hindi gagamutin at matutuguanan nang mabilis, ang impeksyong nauugnay sa sepsis ay maaaring kumalat nang mabilis sa buong katawan at lumala, madalas sa loob ng ilang oras o ilang araw. Sa sandaling na-diagnose ang sepsis, dapat itong dalhin sa agarang atensyon ng mga tauhan ng hospice admissions, dahil doon makakatulong ang VITAS.
Ano ang Sepsis o Septic Shock?
Isang kalagayang mapagbanta sa buhay ang sepsis na lumilitaw kapag ang immune system ng katawan ay tumugon nang hindi sapat sa impeksyon, isang tugon na pumipinsala sa sariling mga tisyu ng katawan at mga pangunahing organ. Karamihan sa mga impeksyong nauugnay sa sepsis ay sanhi ng bakterya, ngunit maaari rin silang magmula sa fungi, mga virus o mga parasito. Ang daloy ng dugo, baga, utak, urinary tract, balat at mga organo ng tiyan ay ang pinaka-karaniwang lokasyon para sa impeksyon ng sepsis.
Ano ang Tatlong Yugto ng Sepsis?
Ang Sepsis ay inuri sa tatlong yugto, at kung kinakailangan ang isang referral sa hospice, dapat itong gawin nang mabilis.
1. Sepsis
Ang sepsis ay ang paunang impeksyon, na nagreresulta sa pagkakaroon ng inflammatory immune system response sa buong katawan. Karamihan sa mga tao ay bumabawi mula sa mild sepsis kung ang mga antibiotics, likido at supportive treatment ay nagsisimula nang maaga, mas mabuti sa loob ng oras ng diagnosis.
2. Ang Malubhang Sepsis
Ang malubhang sepsis ay nakakaapekto at pinipigilan ang daloy ng dugo sa mga mahahalagang organ, kabilang ang utak, puso at mga bato. Maaari rin itong maging sanhi ng pagbuo ng clot ng dugo sa mga panloob na organ, braso, daliri, binti at daliri ng paa, na humahantong sa iba't ibang antas ng pagkabigo ng organ at gangrene (pagkamatay ng tissue). Sa mga pasyenteng naospital, ang sepsis ay ang nangungunang sanhi ng pagkamatay (34%).1 Ang mga sintomas ng malubhang sepsis ay kinabibilangan ng:
- Kahirapan sa paghinga
- Pagkabigla
- Pinsala sa bato (minarkahan ng mas mababang output ng ihi), pinsala sa atay at iba pang mga pagbabagong metaboliko
- Deliryo/pagbabago sa katayuan sa pag-iisip
- Sobrang pagdurugo
- Tumaas na antas ng lactate sa dugo
3. Septic Shock
Nagkakaroon ng septic shock kapag ang malubhang sepsis ay nagresulta sa makabuluhang pagbagsak sa presyon ng dugo.
Ikaw ba ay isang provider ng pangangalagang pangkalusugan? Matuto pa tungkol sa mga klinikal na katangian ng end-stage na sepsis at mag-download ng PDF ng aming mga alituntunin sa pagiging kuwalipikado sa hospice.
Nagbibigay ang hospice ng kontrol sa pangangalaga sa katapusan ng buhay. Simulan na ngayon ang talakayan.
Ano ang Kaibahan ng Sepsis sa Septic Shock?
Ang sepsis ay dulot ng isang ahente ng impeksyon na nakapasok sa katawan, tulad ng bacterium, virus, o fungus.
Ang septic shock ay isang malubhang uri ng sepsis na nangyayari kapag bumababa nang husto ang presyon ng dugo ng pasyente habang pinagtatangkaan nitong labanan ang impeksyon. Sa karaniwan, mahirap pabalikin sa normal ang presyon ng dugo sa pamamagitan ng mga pangkaraniwang gamot para sa presyon ng dugo at karagdagang mga fluid.
Paano ka Nagkakaroon ng Sepsis o Septic Shock?
Nagkakaroon ng sepsis ang mga pasyente kapag hindi kayang labanan ng kanilang katawan ang isang impeksyon, na karaniwang dahil sa dati nang kundisyong pangkalusugan o hindi gumagaling na sakit na nagpapahina sa immune system. Sa humigit-kumulang na 73% ng mga kaso ng sepsis, mayroon nang sepsis ang mga pasyente bago pa man sila pumasok sa ospital, at ang 26% naman ay nagkakaroon nito sa panahon ng kanilang pananatili sa ospital.1
Bago magkaroon ng sepsis, ang mahihinang mga pasyente ay malamang nang makompromiso dahil sa iba pang mga sakit o karamdaman, lalo na ang cancer, dementia, stroke, at pangmatagalang sakit sa baga, puso, o kidney.1 Ang mga kadahilanan gaya ng di-tamang nutrisyon, humihinang kalagayan ng paggana o pag-unawa, o hindi nakokontrol na mga sintomas ay maaaring magpapahirap sa katawan na malabanan ang impeksyon na magreresulta sa pagkakaroon sepsis.
Ang septic shock ay hindi isang bagay na maaaring mahawa ng mga pasyente, dahil sanhi ito ng sepsis. Nangyayari ito kapag naging mas lumubha ang sepsis at nagdulot ng mabilis na pagbaba ng presyon ng dugo na siyang mahirap mapamahalaan ng mga pagkaraniwang paggagamot.
Para ma-diagnose ang sepsis at malaman ang pinagmumulan ng impeksyon, umaasa ang mga doktor sa iba't ibang salik at pagsusuri, kasama ang temperatura, bilis ng tibok ng puso, bilis ng paghinga, mga blood/platelet count, pagsusuri ng biomarker, at iba pang mga culture/pagsusuri.
Sino-sino ang mga Taong Sumasailalim ng Lubos na Panganib sa Pagkakaroon ng Sepsis o Septic Shock?
Kabilang sa mga pasyente na maaaring mas madaling magkaroon ng sespis kung ikukumpara sa iba ay ang mga sumusunod:
- Napakabata o sobrang gulang
- Nagdurusa sa chronic na sakit o bacterial na impeksyon na drug-resistant
- Nanghinang immune systems mula sa HIV, paggamot sa cancer, mga gamot sa transplant, diabetes o major trauma
- May napapailalim na mga sakit (40% ng mga na-ospital na pasyente) na magpapasya sa kanila para sa pangangalaga sa ospital, kabilang ang advanced cancer, heart failure, advanced lunch disease (kawalan ng hininga sa paghiga o may kaunting exertion, may o walang oxygen) , at dementia na sinamahan ng anumang kahirapan sa mga gawain ng pang-araw-araw na pamumuhay (pagkain, paliligo, pagbibihis, banyo, personal na kalinisan, atbp.)
- Umaasa sa mga invasive na aparato, kabilang ang mga intravenous catheter, breathing tube o ventricular assist na aparato para sa puso
Kailan Kuwalipikado ang Pasyenteng may Sepsis para sa Hospice Care?
Kuwalipikado para sa hospice care ang mga pasyenteng may sepsis kapag ang doctor ay gumagawa ng klinikal na pagpapasya na ang inaasahang tagal ng buhay ay anim na buwan o mas maiksi pa kung ang kalagayan o sakit ay magpapatuloy sa kanyang natural na kinahihinatnan.
Maraming mga impeksyong sepsis, gayunpaman, nangyayari ito sa mga pasyenteng dati nang may malubhang sakit, na-ospital, sa intensive care unit (ICU) o nagpapagaling mula sa isang hospital procedure. Gayunpaman, maaaring matagumpay na mapamahalaan ang mga nakatatanda o mahihinang pasyente at mai-discharge sila patungo sa outpatient care, ngunit pagkatapos ay makaranas sila ng patuloy at progresibong pagbaba sa katayuan ng kanilang kalagayan dulot ng mga nakatagong epekto ng mapanirang sakit na ito. Ang mga pasyenteng nagkakaroon ng sepsis at nakaligtas sa paunang hospitalization sa sepsis, ngunit ngayon ay nakakaranas ng panghihina, ay dapat masuri para sa pakikilahok sa mga pag-uusap na mga layunin ng pag-aalaga. Ang mga pag-uusap na ito ay nagsisilbi upang matukoy ang kanilang mga kagustuhan para sa end-of-life care. Kung karapat-dapat, ang hospice care ay ang pinaka pag-aalaga na matatanggap ng mga indibidwal na ito sa bahay.
Ang mga hospice admission ay dapat makipag-ugnay kaagad kapag ang malubhang progresibong sepsis ay nasuri, dahil mahalaga ang oras kung ang isang potensyal na mabilis at progresibong impeksyon ay nangyayari na nang late sa pagroseso ng sakit o sa mga pasyenteng ang kalusugan ay hindi matatag o nakompromiso. Kung ang sepsis ay hindi nagreresulta sa pagkamatay ng pasyente, ang hospice care ay maaaring ang pinakamahusay na pagpipilian upang pamahalaan ang mga pangmatagalang sintomas, tugunan ang sakit at suportahan ang pasyente at pamilya.
Paano Makatutulong ang Hospice sa mga Pasyenteng may Sepsis?
Ipinakikita ng kamakailang pananaliksik na humigit-kumulang sa 40% ng mga pasyenteng pumasok sa ospital na may sepsis at namatay ay kuwalipikado para sa hospice care bago pa man tanggapin sa ospital. Karaniwang maling palagay na ang mga pasyenteng ginagamot sa sepsis ay dapat manatili sa isang ospital, bagama't sa karamihang oras sila ay kuwalipikadong makatanggap ng mapagmahal na pag-aalaga na naghahandog ng:
- Pain management at pagkontrol ng sintomas: Nagpapakadalubhasa ang hospice upang masiguro na ang mga pasyente ay kumportable sa pamamagitan ng pagbawas ng pananakit at binibigyan sila ng pagkakataon na makapag-enjoy ng buhay, habang nananatiling may kontrol sa mga pang-araw-araw na mga desisyon hangga't maaari. Kapag ang mga sintomas ay naging malubha, ang continuous na paggagamot ay maaaring gamitin, na may mga kasamang iba't ibang shift ng mga kawani na nagbibigay ng 24-oras na pag-aalaga hanggang sa makontrol ang mga sintomas.
- Emosyonal at espirituwal na tulong: Makapagbibigay ang hospice sa mga pasyente ng mga resource na kinakailangan upang mapanatili ang kanilang emosyonal at espirituwal na estado ng kalusugan.
- Mga serbisyong ibinibigay sa kahit saanmang lugar na itinuturing na tahanan ng pasyente: Naghahandog ng pangangalaga ang VITAS sa mga pasyente sa kahit saang lugar na itinutuing nila bilang ang kanilang tahanan-ito man ay ang kanilang bahay, mga pasilidad ng pangangalaga na pangmatagalan, o mga assisted living community. Kung ang mga sintomas ay maging napakahirap na mapamahalaan sa bahay, ang mga inpatient na serbisyo ay maaaring makapagbigay ng walang tigil na pangangalaga hanggang sa maaari na muling makauwi sa bahay ang pasyente.
Paano Mapagsimulan ang mga Pag-uusap Tungkol sa Hospice
Ang pagsisimula ng usapan tungkol sa hospice care ay maaaring magresulta sa pangangamba kapag ang mga taong kasangkot ay walang kaalaman tungkol sa mga nauugnay na resource. Ang mga umaasa na magkaroon ng usapan tungkol sa mga layunin ng pangangalaga ay dapat isaalang-alang ang isang paraan na kasama ang:
- Paglilinaw sa kalagayan ng kalusugan ng pasyente at ang paglala ng sakit
- Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa lahat ng maaaring magagamit na mga opsyon
- Pagkilala ng mga ninanais na makamit sa hinaharap ng pasyente at pati na rin ng kanyang pamilya
- Pagiging handa sa pakikipag-usap at pananatiling bukas sa pakikinig
- Pagiging aktibo sa panahon ng pag-uusap
Naririto ang mga ilang karagdagang payo para sa mga pamilya at pasyente na nasa kalagitnaan ng pagdanas ng malubhang karamdaman, pagpapa-ospital, o ang maraming mga pamamaraan na maaaring magdulot sa kanila ng panganib na magkaroon ng sepsis:
- Basahin at ibahagi "Isinasaalang-alang ang Hospice: Isang Gabay sa Talakayan para sa Mga Pamilya."
- Sabihin ang iyong mga kagustuhan ngayon: Pag-usapan ang tungkol sa mga ito, isulat ito, ibahagi ang mga ito. Kung ikaw ay isang pasyenteng nasa peligro sepsis, siguraduhing idokumento ang iyong mga kagustuhan at hiling para sa end-of-life care ngayon, bago pa man lumitaw ang isang krisis. Magpasya kung anong mga interbensyon ang nais mo at hindi nais kung nahaharap ka sa isang diagnosis na naglilimita sa buhay o isang potensyal na nakamamatay na impeksyon tulad ng sepsis. Kapag nakumpleto mo na ang mga advance na directive, tulad ng living will o durable power of attorney para sa mga desisyong pangkalusugan, ang iyong pamilya, proxy ng healthcare at healthcare team ay maaaring gumawa ng mga pagpapasya tungkol sa end-of-life care nang walang pagsang-ayon o pagkakasala.
1 Rhee C., et al. "Prevalence, Underlying Causes and Preventability of Sepsis-Associated Mortality in US Acute Care Hospitals." JAMA Network Open. 2019;2(2):e187571