Home Health kumpara sa Hospice Care: Ano ang Pagkakaiba?
Ang VITAS ang nangungunang provider ng mga serbisyo ng hospice care - end-of-life care na dinadala sa bawat pasyente anumang lugar na itinuturing nilang kanilang bahay. Dahil pareho itong mga serbisyo sa bahay na pinopondohan ng Medicare, madalas kaming tinatanong kung paano ikukumpara ang hospice services sa home health.
Kung ikaw man ay isang pasyente, miyembro ng pamilya o tagapag-alaga, mahalagang maintindihan kung ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa pagitan ng home health at hospice. Mahalaga ang pagpili ng tamang pangangalaga sa tamang oras.
Ano ang Pagkakaiba ng Hospice Care at Home Health Care?
Posibleng mayroong mga ilang pagkakapareho ang hospice at home health care, pero ang dalawang pamamaraan sa pangangalaga na ito ay magkaiba ang tinutugunang mga pasyente na may natatanging pangangailangan at layunin.
Nagbibigay ang hospice ng pangangalaga na naktuon sa kaginhawahan para sa isang pasyenteng may malubhang karamdaman kapag hindi na epektibo o ninanais ang mga medikal na paggamot para sa pagpapagaling. Ang home health care ay para sa pagpapagaling, at layunin nitong tulungan ang mga pasyente na makabawi mula sa isang pinsala o karamdaman, o sa proseso na patungo sa pinahusay na kakayahang makakilos at makagawa.
Matuto pa tungkol sa mga kaibahan ng home health at hospice care sa mga seksyon sa ibaba.
Ano Ang Hospice?
Ang hospice care ay comfort care para sa mga pasyenteng may prognosis ng anim na buwan o mas maikli kung ang kanilang sakit ay magpapatuloy ng natural na pagsulong nito, na sertipikado ng isang doktor.
Ano ang Dapat Asahan
Nagaganap ang karaniwang hospice care sa kahit saanmang lugar na itinuturing ng pasyente bilang ang kanilang bahay-sa isang nursing home, sa assisted living community, o sa pasilidad ng residential care para sa mga nakatatanda. Ang pang-araw-araw na pangangalaga ay ipinagkakaloob ng isang tagapag-alaga ng pamilya (o kaibigan o private duty na tagapag-alaga) at sinusuportahan ng isang interdisciplinary team ng mga eksperto sa hospice: nurse, aide, doctor, kapilyan, social worker, volunteer, at tagapayo sa pangungulila sa pagpanaw ng tao, na may karagdagang mga espesyalista na pumapasok upang tumulong kung kinakailangan. Ang lahat ng miyembro ng team ay nagpakadalubhasa sa mapagmalasakit na end-of-life care.
Bukod pa sa karaniwang hospice care sa bahay, tatlong iba pang antas ng pangangalaga ang kinakailangang mayroon ayon sa pautos ng Medicare Hospice Benefit:
- Ang continuous care (na tinatawag naming Intensive Comfort Care® sa VITAS) ay nauugnay sa dalawampu't apat na oras na pagkakaroon ng isang nurse o hospice aide sa tabing-kama ng pasyente para mapamahalaan ang mga pagsumpong ng mga matitinding sintomas alinsunod sa mga alituntunin ng Medicare.
- Ang inpatient care ay pansamantalang pangangalaga sa isang inpatient na hospice unit o hospital bed hanggang sa makontrol na ang mga sintomas at puwede na muling umuwi sa bahay ang pasyente.
- Ang respite care ay ang pansamantalang paglipat ng pasyente sa inpatient care ng isang pasilidad na sertipikado ng Medicare para makapagpahinga ang mga tagapag-alaga ng pamilya nang hanggang sa 5 araw at gabi para mapawi ang kanilang stress at maiwasan ang burnout.
Karaniwang mga Hospice Services
- Paghahatid ng mga gamot, kagamitan, at supply na kinakailangan para sa pamamahala ng hospice na diagnosis ng pasyente-nang libre sa pasyente o pamilya
- 24/7/365 na access sa telepono sa mga eksperto sa hospice na makakasagot sa mga tanong, makakatugon sa mga krisis, at makakapagpadala ng mga clinician sa pasyente, kapag kinakailangan
- Espirituwal at psychosocial na suporta para sa pasyente at pamilya, kasama ang tulong sa mga serbisyo sa paglilibing, bereavement counseling, mga benepisyo mula sa Department of Veterans Affairs, at marami pang iba
Ano ang Home Health?
Nagbibigay ng mga serbisyo ang home health na pangangalaga na inihahatid sa mga pasyenteng nangangailangan ng mga paminsan-minsang skilled nursing na pangangalaga, physical therapy, speech-language pathology, o patuloy na occupational service, gaya ng itinagubilin ng kanilang doktor. Dapat isa-dokumento ang progreso ng pasyente.
Ano ang Dapat Asahan
Ang home health na pangangalaga ay karaniwang ibinibigay para sa paggamot ng pabalik-balik na kundisyon o para matulungan ang isang pasenteng gumaling mula sa isang operasyon o sa isang pinsala. Kakaiba sa hospice, ang isang pasyente ay dapat hindi kayang makaalis ng bahay para makatanggap ng mga benepisyo ng Medicare para sa mga serbisyo ng home health. Nakadepende ang tagal ng mga serbisyo ng home health sa plano sa pangangalaga at mga layunin ng pasyente.
Bagama't halos lahat ng mga pasyente sa hospice ay walang gastos mula sa sariling bulsa na nauugnay sa kanilang terminal na diagnosis, posibleng atasan ang mga pasyente ng home health na pangangalaga na magbayad sila para sa mga gamot, supply, at kagamitan. Hindi sakop ng mga serbisyo ng home health ang mga pagpapanatili bilang isang inpatient kung lulubha ang mga sintomas at hindi na mapamamahalaan ang mga ito sa bahay. Tumatanggap ng pagsasanay at edukasyon ang mga pamilyang tagapag-alaga ng mga pasyente ng home health, pero hindi sila makakakuha ng mga karagdagang antas ng psychosocial na suporta na natatanggap ng mga tagapag-alaga sa hospice.
Kailan Dapat Maging Hospice ang Home Health?
Maaaring maging kwalipikado para sa hospice ang isang pasyente ng home health kapag lumubha ang kanyang karamdaman. Kung mapapansin mo ang mga sumusunod na palatandaan sa iyong sarili o sa iyong mahal sa buhay habang tumatanggap ng home health na pangangalaga, tanungin ang iyong doktor tungkol sa pagiging kwalipikado sa hospice para maibsan ang mga problema na dulot ng mga sintomas at mapabuti ang quality of life:
- Hindi sinasadyang pagbaba ng timbang nang mahigit sa 10% ng iyong karaniwang timbang ng katawan
- Ang score na 50 sa Palliative Performance Scale o mas mababa pa batay sa sumusunod na pagtatasa ng bago o nagbabagong kawalan ng kakayahan: hindi makagawa ng anumang pisikal na aktibidad, gumugugol ng karamihan o lahat ng iyong oras sa upuan o kama, kailangan ng malaki o panlahatang tulong para sa karamihan ng iyong pangangalaga, mas kakaunti ang kinakain o iniinom kung ikukumpara sa karaniwan, at tumitindi ang pagkahilo, pagkalito, o comatose
- Pag-asa sa ibang tao para sa tulong sa tatlo o higit pang mga aktibidad sa pang-araw-araw na buhay, tulad ng paliligo, pagbibihis, pagkontrol ng ihi o dumi, paglipat mula sa isang lugar papunta sa iba, paglalakad, at pakain
- Malaking paghina ng pagiging alerto ng kaisipan, memorya, at pag-iisip
- Nahihirapang huminga o pangangapos ng hininga habang walang ginagawa o may kaunting ginagawa
- Patuloy na paglubha ng pagkawala ng kakayahang makakilos o makagawa habang may dementia/Alzheimer's disease
Mga Pagkakapareho sa Pagitan ng Hospice at Home Health
Magkatulad ang home health at hospice. Maaaring mapadali ang pag-intindi sa mahahalagang pagkakaiba ng mga ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kaalaman sa mga pagkakatulad ng mga ito. Ang parehong uri ng pangangalaga ay:- Maaaring ibigay saanmang lugar na itinuturing ng pasyente bilang kanyang bahay
- Dapat ibigay bilang isang resulta ng utos ng doktor batay sa pagiging karapat-dapat
- Sakop ng Medicare, Medicaid, ng Veterans Administration, at ng maraming pribadong kumpanya ng insurance
- Tumutulong sa pang-araw-araw na mga gawain sa buhay gaya ng paliligo, pagbibihis, pag-aayos, atbp.
- Mas mura kaysa sa ospital o sa pasilidad ng pangangalaga
- Maaaring magpatuloy hangga't sinusuportahan ng doktor at natutugunan ang pagiging karapat-dapat
Mga FAQ ng Home Health kumpara sa Hospice Care
Madalas naming matanggap ang mga sumusunod na tanong mula sa mga magulang, miyembro ng pamilya, at propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na naghahanap ng higit pang impormasyon tungkol sa mga pagkakaiba sa pagitan ng hospice at home health care. Kung karapat-dapat makatanggap ang isang pasyente ng mga benepisyo ng Medicare at ikaw o ang iyong tagapag-alaga ay hindi sigurado tungkol sa uri ng pangangalaga na pinaka-angkop, alamin ang higit pa ang tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng mga hospice services at home health care sa ibaba.
Kung mayroon kang iba pang mga tanong, makipag-ugnayan sa VITAS 24/7 sa pamamagitan ng pagtawag sa 800.582.9533.
- Sino ang nagbibigay ng pangangalaga? Ang bawat uri ng pangangalaga ay may isang grupo na angkop sa mga pangangailangan ng pasyente at diagnosis.
- Gaano katagal ang ibinibigay na pangangalaga? Ang haba ay nag-iiba ayon sa uri ng pangangalaga at mga pangangailangan ng pasyente.
- Gaano kadalas pwedeng ma-recertify ang mga pasyente upang magpatuloy ng mga serbisyo? Mula sa 60 araw hanggang anim na buwan.
- Kailangan mo bang nakaratay sa bahay upang makatanggap ng pangangalaga? Ang hospice patients ay hindi kailangang maging homebound. Kakaiba ito para sa mga pasyente ng home health care.
- 24 oras ba ang pangangalaga? Ang Hospice ay maaaring magbigay ng pangangalaga ng hanggang 24 na oras/araw ng bihasang pangangalaga at serbisyo ng mga hospice aide para sa ilang mga pasyente.
- Paano kung ang mga sintomas ng pasyente ay hindi makokontrol sa bahay? Maaaring magbigay ng hospice care sa isang lugar para sa mga inpatient nang maikling pananatili doon.
- Maaari bang maibigay ang pangangalaga sa mga pasilidad na long-term care? Ang pangangalaga ay hindi maibibigay sa mga pasyente na nasa pasilidad ng long-term care.
- Saklaw ba ng Medicare na mga resetang gamot? Sa hospice, ang benepisyo ng Medicare Hospice Benefit ay sumasaklaw sa lahat ng mga reseta at hindi resetang gamot na nauugnay sa diagnosis na terminal ng pasyente.
- Binabayaran ba ng Medicare ang mga home medical equipment at mga supply? Ang mga supply ay saklaw ng Medicare sa iba't ibang halaga depende sa uri ng pangangalaga.
- Binabayaran ba ng Medicare ang "personal care" ng pasyente? Para sa mga pasyente ng home health, ang mga serbisyo ng personal care ay hindi saklaw ng medicare.
- Maaari ka bang tumanggap ng home health at hospice nang sabay? Ang mga pasyente ng Medicare ay maaaring tumanggap ng pareho kung natugunan nila ang pamantayan ng home health.
- Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng home health care at palliative care? Nilalayon ng mga serbisyong home health na tulungan ang mga pasyente na gumaling mula sa isang malubhang karamdaman o pinsala.