Nagbibigay ang VITAS ng Dalubhasang Hospice Care para sa Iyong mga Beteranong Pasyente
Makakatiyak ang mga doktor at propersyonal sa pangangalagang pangkalusugan na ang kanilang mga pasyenteng beterano ng militar ay makakatanggap ng hospice care mula sa VITAS na nakakatugon sa kanilang mga natatanging medikal o psychosocial na pangangailangan, sumusuporta sa kanilang mga pamilya, at pinararangalan ang kanilang serbisyo sa katapusan ng buhay.
Sa VITAS, ang aming dedikasyon sa mga beteranong pasyente at pamilya ay makikita sa isang simple ngunit makapangyarihang konsepto: Araw-araw ay Araw para sa mga Beterano sa VITAS®.
Ang lahat ng mga miyembro ng team ng VITAS-mula sa mga doktor hanggang sa mga boluntaryo-ay sinanay na magtanong sa panahon ng admission tungkol sa serbisyo at mga karanasan sa militar ng isang pasyente.
Tinitiyak naming makakatanggap ang mga beterano ng:
- Espesyalisadong medikal na pangangalaga
- Emotional support
- Espirituwal na suporta
- Mga therapy na nakadirekta sa sakit, kasama ang respiratory therapy, massage therapy, at iba pa
- Mga pag-saludo sa tabing-kama at pag-saludo sa harapang balkonahe
- Mga seremonya na pagkakabit ng pin
Naniniwala kaming pangunahin sa plano sa pangangalaga ang mga pamilya ng mga beterano. Makakatanggap sila ng tulong sa:
- Pangungulila bago at pagkatapos ng pagkamatay
- Pagpaplano ng libing at mga memorial
- Pagsasaliksik at pagkamit ng karapat-dapat na mga benepisyo mula sa militar
Pagpapahusay ng Access sa End-of-Life Care para sa mga Beterano
Ayon sa pananaliksik, ang mga beterano ay mas hindi malamang na humiling ng agresibong medical care kapag nalalapit na ang katapusan ng buhay,1 at ang mga tumatanggap ng pangangalaga sa mga ospital ng US Department of Veterans Affairs (VA) ay partikular na mas hindi malamang na makatanggap ng ganitong uri ng pangangalaga.2
Ang paggamit ng hospice sa mga beterano ay mas mababa kung ikukumpara sa pangkalahatang populasyon, at kung ikukumpara sa mga hindi beterano na tumatanggap ng Medicare. Ang apat na taong inisyatiba ng Komprehensibong End-of-Life Care ng VA ay nakatakda para pahusayin ang pagpapatala sa hospice sa populasyong ito. Ang malaking pamumuhunan ng VA sa palliative care ay napapansing nagresulta sa mas madalas na paggamit ng hospice ng mga mas matatandang lalaking beterano na naka-enroll sa VA, isang mahalagang hakbang patungo sa pangangalaga para sa mga beteranong may malubhang karamdaman.3
Ipinapakita sa mga kinalabasag ito na maraming beterano ang nakaayon na sa mga layunin at adhikain ng hospice, at nananatili ang VITAS na nakahandang magbigay ng pangangalagang hinihiling nila.
I-download ang Aming Pangako sa Mga Beterano para sa mga paraan kung paano namin sinusuportahan ang iyong mga beteranong pasyente at ang kanilang mga pamilya.
Paano Namin Tinutulungan ang mga Beterano Kapag Malapit na Sila sa Katapusan ng Buhay
Malalim na Karanasan at mga Pangunahing Pakikipag-partner sa mga Organisasyong para sa mga Beterano
Ang mga beterano at ang kanilang mga pamilya ay nakakatanggap ng karagdagang mga antas ng pangangalaga sa pamamagitan ng aming pagkaeksperto at pakikipag-partner sa iba.
- Ang mga sanay at may karanasang mga miyembro ng team ay may malawak na kaalaman tungkol sa mga benepisyo ng VA na maaaring matanggap ng mga beterano, batay sa sangay at mga taon/lokasyon ng serbisyo.
- Maipapaliwanag ng mga VITAS team ang maaaring matanggap na mga benepisyo, muling mabawi ang mga matagal nang nawalang medalya, at ang pagsasaayos para sa mga paglibing/pagburol sa mga pambansang sementeryo.
- Maraming mga programa ng VITAS ang direktang nakikipagtulungan sa mga lokal na pasilidad ng VA bilang mga ka-partner sa pangangalaga.
- Nakikipagtulungan kami sa mga beterano at sa kanilang mga pamilya/survivor para matiyak na ang kanilang mga benepisyo sa hospice at VA ay parehong nagagamit para maibigay ang pinakamahusay na sakop at pangangalaga sa hospice.
- Nagbibigay kami ng nakaangkop na edukasyon para sa aming mga ka-partner sa komunidad na (mga nursing home, mga pasilidad sa assisted living, mga doktor, mga organisasyon sa nursing, at mga hospital) tungkol sa natatanging medikal na pangangalaga sa katapusan ng buhay at emosyonal na pangangailangan ng mga beterano, nang sa gayon ay makapagbigay din sila ng mataas na antas ng pangangalaga para sa mga beteranong pasyente.
- Nagbibigay kami ng kaalaman sa mga miyembro ng pamilya tungkol sa kung paano mapangangalagaan ang kanilang beterano kapag nalalapit na ang katapusan ng buhay.
Pagkaeksperto at mga Nakabahaging Karanasan para sa mga Pasyenteng Beterano
Isang pangunahing dahilan kung bakit namumukod-tangi ang VITAS ay ang aming malaking team sa pag-aalaga. Kinikilala namin na tanging ang isang beterano lang ang ganap na makakaunawa sa mga karanasan ng isa pang beterano, kaya kumukuha kami ng mga beterano bilang mga full-time na empleyado at nagre-recruit kami ng mga beterano bilang mga boluntaryo sa hospice.
"Talagang pinasasalamatan ko ang atensyong ibinigay ng VITAS sa mga beterano. Napakadalas, nakakaligtaan ang mga beterano at ang kanilang mga espesyal na pangangailangan. Sa aking palagay lalo na sa katapusan ng buhay, kailangan nila ng dalubhasang pangangalaga."-Dr. Faith Protsman, regional medical director ng VITAS
Ganap na nauunawaan ng aming mga propesyonal sa hospice ang pisikal at emosyonal na pagsubok na nauugnay sa militar na serbisyo, pagka-deploy, pinsala, at pakikipaglaban. Pamilyar sila sa mga pisikal, emosyonal, at espirituwal na pagsubok na karaniwang lumalabas kapag binabalikan ng mga beterano ang kanilang mga buhay para maghanap ng closure, pagkilala, at kahulugan sa kanilang serbisyo.
May mga ilang beterano na nakakaranas ng post-traumatic stress disorder, survivor's guilt, o emosyonal na pananakit. Hinihikayat at nangangasiwa ang VITAS ng mga pakikipag-uusap sa pagitan ng mga beterano para matulungan ang mga beteranong pasyente na makapag-bahagi ng mga karanasan at matugunan ang mga alalahaning nauugnay sa kanilang serbisyo. Nakahanda ang aming mga team para tulungan ang mga beteranong ito na matugunan at mabigyan ng kalutasan ang mga karanasan, alaala, at emosyong nauugnay sa serbisyo o sa pakikipaglaban.
Madalas na nakararanas ang mga beterano ng Vietnam ng mga partikular na epekto ng sikolohikal at moral na kapinsalaan dahil sa mga pangyayaring nakapalibot sa kanilang pagseserbisyo. Dahil 6,258,000 na mga beterano ng Vietnam ay bumubuo ng malaking bahagi ng mga nabubuhay na beterano sa 2020, nananatiling may kadalubhasaan ang VITAS upang matulungan sila na malabanan ang kanilang natatanging trauma.
"Noong sampung taon na nakalipas, walang sinuman ang nakarinig ng pariralang 'moral injury,'" sabi ng Admissions Nurse na si Nancy Auster. "Ngayon, alam na alam natin kung ano ang moral injury at nagbigay kami ng pagsasanay sa aming mga tauhan upang matulungan silang makilala, tukuyin, alagaan, at makapagbigay ng mga pamamagitan para sa natatanging hadlang na ito na nararanasan ng isang tao dahil sa isang bagay na pinagdaanan niya sa militar."
Makabuluhang Pagkilala para sa mga Beterano at Suporta ng Komunidad
Tinitiyak din ng VITAS na ang lahat ng mga beterano ay nakakatanggap ng pagkilala at pasasalamat na nararapat para sa kanila sa kanilang paglilingkod sa ating bansa. Kasama sa mga pagsisikap ang:
- Paglalagay ng mga Veterans Honor Wall sa mga pasilidad ng pangangalaga, para pampublikong makilala at maparangalan ng buong komunidad ang kanilang mga beteranong residente/pasyente.
- Ikinalulugod naming maging ka-partner ng We Honor Veterans, isang programa ng National Hospice and Palliative Care Organization at sa pakikipagtulungan ng Department of Veterans Affairs.
- Pag-sponsor ng mga Honor Flight na pagbibiyahe sa kapital ng bansa.
- Para sa mga beteranong hindi nagnanais o hindi kayang makapag-biyahe, nagsasaayos kami ng mga "walang biyaheng" Honor Flight na kaganapan sa kanilang mga komunidad o "virtual reality" (VR) na Honor Flight na mga karanasan sa pamamagitan ng mga VR na headset para sa mga pasyenteng nakaratay sa kama .
- Mga nakakaantig na pagkilala sa tabing-kama kung saan nakakatanggap ang mga beterano ng mga katibayan ng pasasalamat, mga pin, mga bandera, at mga pag-saludo ng team para sa kanilang serbisyo at sakripisyo.
- Kultural na sensitibong pangangalaga para sa mga Itim na beterano na nauugnay sa panahon ng kanilang serbisyo, na isinasagawa sa pamamagitan ng mga pakikipag-partner sa Tuskeegee Airmen International, sa Montford Point Marine Association, at mga iba pa.
Pinasadyang Suporta para sa mga Beterano at sa Kanilang mga Pamilya
- Ang mga miyembro ng staff at boluntaryo ng VITAS ay nagbibigay ng mga karagdagang suporta.
- Ang mga ka-partner na pasilidad ay nagho-host ng mga sesyon ng pag-uusap sa pagitan ng mga beterano, na humihimok ng magandang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga beterano.
- Ang mga admission liaison na espesyalisado para sa ugnayan ng beterano at komunidad ay nagsasayos ng mga seremonya ng pagkilala at memorial sa panahon ng mga espesyal na paggunita.
- Nagtatahi ang mga boluntaryo ng Mga Memory Bear, na gawa sa mga materyales, bahagi ng pananamit, o uniporme na ipinagkaloob ng mga miyembro ng pamilya bilang pangmatagalang alaala ng isang namayapang mahal sa buhay na beterano.
- Ang mga boluntaryo ay gumagawa o naggagantsilyo ng mga kumot at afghan na may temang militar para magbigay ng init, kaginhawahan, at alaala para sa kanilang mga pamilya.
- Ang aming mga dalubhasa sa mga bereavement service ay nangunguna sa pagbibigay ng suporta sa pamamagitan ng telepono o virtual na pamamaraan para sa mga partikular na pangangailangan at kahirapan ng mga beterano kapag nalalapit na ang katapusan ng buhay.*
Ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ay mapapanatag ang loob na ang kanilang mga beteranong pasyente ay mapupunta sa mga taong mapag-alaga at may lubos na kaalaman kapag ini-refer nila sila sa VITAS para sa hospice care.
1Duffy, S.A., et al. (2006). Differences in veterans’ and nonveterans’ end-of-life preferences: A pilot study. J Palliat Med. 9:1099–1105.
2Keating, N.L., et al. (2010). End-of-life care for older cancer patients in the Veterans Health Administration versus the private sector. Cancer, 116, 3732–3739.
3Miller, S.C., et al. (2017). Increasing veterans’ hospice use: The Veterans Health Administration’s focus on improving end-of-life care. Health Affairs, 36(7). https://doi.org/10.1377/hlthaff.2017.0173
*Posibleng magkakaiba ang mga ito depende sa programa, pakitanong ito sa iyong lokal na kinatawan sa VITAS.