Isang Araw sa Buhay ng Isang Hospice Social Worker

Isang social worker ng hospiceWalang araw na maaaring matawag na "tipikal" sa buhay ni Judy Weisenfeld, isang hospice social worker. Oras na dumating siya sa Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa North Shore Medical Center nang 7:30 a.m., bago pa man niya maitago ang kanyang pitaka, mayroon nang mga kahirapan na kailangang harapin, mga problemang kailangang lutasin at mga pamilyang kailangang tulungan.

Isang clinical social worker nang halos 20 taon at isang hospice social worker nang mahigit nang pito, ginugugol ni Judy ang kanyang mga araw sa pakikipag-ugnayan sa mga medical staff at mga pamilya ng mga pasyente upang matiyak na nakukuha ng mga pasyente ang lahat ng kanilang kailangan at makakauwi sa bahay nang mas maginhawa at matatag ang kalusugan kaysa nang sila ay dumating.

Ang mga pasyente ng hospice na pumupunta sa inpatient unit ay nakakaranas ng mga sintomas na hindi makokontrol sa bahay; kailangan nila ng atensyong medikal- mga pagsasalin ng dugo, karagdagang oxygen, mga makabagong gamot, pain management-na maaari lang ibigay sa isang lugar para sa mga inpatient. 

Ang layunin ng hospice team ng unit ay makontrol ang mga sintomas upang makabalik ang pasyente sa isang mas angkop na lugar. Ngayon, ang 10 pasyente sa saklaw ng unit sa mga sintomas na mula sa matinding pagkabalisa hanggang sa kahirapan sa paghinga at paglunok hanggang sa hindi malunasang kirot.

Isang Team Player na Nagbibigay ng Pag-aalaga na Nakatuon sa Pasyente

Bilang isang social worker ng inpatient hospice team, inaasikaso ni Judy ang logistics habang nalalapit ang mga pasyente sa katapusan ng buhay. Habang pinagtutuunan ng inpatient na doktor at mga nurse ang estado ng kalusugan ng katawan ng pasyente at naghahandog ang chaplain ng tulong na espiritwal, nakikipagtulungan si Judy sa pasyente at kapamilya upang ihanda sila para sa kung ano ang darating.

"Ang una kong responsibilidad ay parating sa pasyente," ipinaliwanag niya. "Pinagtutuunan ko ang kung ano ang mga pangangailangan ng pasyente ngayon pati na kung saan nila kukuhanin ang pinakamahusay na posibleng pag-aalaga sa sandaling palabasin sila mula sa inpatient unit. Sinusubukan kong magbigay ng kalmadong presensya."

Habang sila ay nasa inpatient unit nagbibigay rin si Judy ng psychosocial support sa mga pasyente at pamilya-pinapayuhan sila, nakikinig sa kanilang mga kwento, hinahawakan ang kanilang mga kamay habang nagninilay sila sa kahulugan ng kanilang mga buhay. "Pinakikinggan ko silang ipahayag ang kanilang mga damdamin tungkol sa pagkawala habang sila ay nagdadalamhati," sinabi niya. "Isa itong mahalagang bahagi ng tungkulin ng isang social worker sa hospice.

Sa 8 ng umaga, sumasali si Judy sa pang-araw-araw na pagpupulong ng mga nurse. Nagre-report ang mga nurse sa night shift tungkol sa bawat pasyente, sinasabi sa day shift ang kalagayan ng pasyente at kung ano ang nangyari sa buong gabi.

Mahalaga kay Judy ang meeting. Ipinababatid niya ang anumang alalahanin na mayroon ang mga pamilya sa nursing staff at ginagamit niya ang kung ano ang natututuhan niya mula sa mga nurse upang suriin ang mga opsyon kapag inilabas ang mga pasyente pabalik sa hospice care na nakabase sa bahay-at upang ipaliwanag sa mga pamilya kung ano ang nangyayari.

"Kadalasan," paliwanag niya, "kailangan ko silang turuan tungkol sa kung nasaan ang kanilang mahal sa buhay sa pagsulong ng katapusan ng buhay at tinutulungan silang maintindihan kung ano ang maaari nilang asahan."

Tinutulungan ang Pasyente na Makabalik sa Bahay

Ngayon ay mayroong dalawang pasyente si Judy na handa nang ilabas pabalik sa kanilang mga pangunahing tagapag-alaga at mga team ng hospice. Mula sa sandaling ipinasok ang isang pasyente sa inpatient unit, nagsisimula na si Judy na magplano ng kanilang paglabas. Gamit ang mga tala mula sa team sa bahay ng pasyente, sinusuri niya ang sitwasyon sa bahay, inaalam kung sino ang pangunahing tagapag-alaga at "ibinabalik sa normal ang kanilang buhay" upang magawa ang pinakamahusay na pagpapasya tungkol sa pag-aalaga sa pasyente sa sandaling makaalis sila sa unit.

"Sinusubukan kong maintindihan kung ano ang kailangang gawin sa sandaling nasa bahay na sila at kung kayang gawin ito ng tagapag-alaga," sabi niya. Sisiguraduhin ni Judy na ang tagapag-alaga ay mayroon ng lahat ng gamot o reseta at supply na kinakailangan bago ilabas ang pasyente.

Para sa ilang pasyente kapaki-pakinabang ito sa paglipat sa isang skilled nursing facility kaysa sa bahay. Nakikipagtulungang mabuti si Judy sa doktor ng hospice at mga nurse bago gawin ang rekomendasyong ito sa pamilya. May mga mapagkukunan si Judy na kailangan ng pamilya upang makagawa ng may kabatirang pagpapasya. Kung sumasang-ayon sila, inaasikaso niya ang mga papeles upang maging kwalipikado ang pasyente.

Ang Bawat Araw ay Kakaiba

Araw-araw patuloy na nag-a-adjust si Judy sa pabagu-bagong katangian ng hospice inpatient unit. Nabibigyan ng akomodasyon ng unit ang hanggang sa 14 na mga pasyente, at karaniwang mayroong 10 hanggang 12 mga pasyente araw-araw. Maaaring manatili ang mga pasyente nang ilang araw o ilang buwan, depende sa kung gaano kabilis makontrol ang kanilang mga sintomas. Kasama sa mga pasyente ngayon ang isang beterano na may wala nang lunas na pinsala sa utak at mga pasyente na may iba't ibang sakit na walang lunas, kabilang ang cancer, congestive heart failure at chronic obstructive pulmonary disease (COPD).

Kaninang umaga, sinabi kay Judy ng nurse na nag-aasikaso sa isa sa kanyang mga pasyente na namatay na ang pasyente.  Nasa tabi ng kama ng pasyente ang nurse nang mangyari ito.
Sinusubukan na ni Judy na matawagan sa telepono ang pamilya ng 96 taong gulang na babae upang ibalita sa kanila at makuha ang kanilang binigkas na pahintulot upang mailabas ang katawan sa pag-aalaga ng punerarya. Hindi mabibigla ang pamilya sa kamatayan, dahil inihanda na sila ni Judy at tinulungan sila sa pagpaplano ng libing. Aabisuhan niya ang punerarya at kakalapin ang lahat na kailangang form.

Matapos makipag-usap sa pamilya ng namatay na pasyente, ibinaling ni Judy ang kanyang atensyon sa anak na lalaki ng pasyenteng may COPD. Matangkad siyang lalaki na palaging nakangiti at may mainit na yakap para kay Judy. Pumunta sila sa silid ng kanyang ina. Tahimik siyang natutulog, ang kanyang paghinga ay tinutulungan ng isang makina ng oxygen.

Nakikipagtulungang mabuti si Judy sa nursing home kung saan pupunta ang pasyenteng ito kapag siya ay matatag na. Ipinaliliwanag ni Judy na tatanggapin ang kanyang ina sa nursing home kung mababawasan nila ang dami ng oxygen na kailangan niya. Naniniwala ang doktor ng inpatient hospice na magagawa ito sa susunod na ilang araw.

Habang marahang hinahaplos ng anak ang binti ng kanyang ina, makikitang kalmado siya. Nakatira siya sa ibang estado at dapat na bumalik sa lalong madaling panahon. Makababalik na siya ngayon sa trabaho batid na inaalagaan ang kanyang ina.

Dumarating ang bawat pasyente sa isang inpatient hospice unit na may pamilya at mga kaibigan na puno ng mga takot at alalahanin. Hindi kagaya ng kanyang mga kauri-mga social worker sa hospice na tumutulong sa mga pasyente at pamilya sa mga pribadong bahay, mga assisted living community o nursing home-walang pagkakataon si Judy na makilala ang pasyente at pamilya sa isang mas kalmadong mga pangyayari. Bawat pasyente at pamilya na dumarating sa inpatient unit ay nasa krisis.

Pagpapakita sa mga Pasyente na Mahalaga Tayo Kahit Tayo ay Naghihingalo

Kasama sa listahan ng mga gagawin ni Judy ngayong araw ang paglilipat sa beteranong may pinsala sa utak sa malapit na ospital ng VA. Naglingkod siya sa US Army, at nais ng kanyang kapatid na babae na mailipat siya. Nakikipag-ugnayan si Judy para sa paglipat.

Samantala, naisaayos niya sa veteran liaison ng hospice na magdaos ng maikling serbisyo upang parangalan ang sundalo. Sa seremonya, habang tahimik na natutulog ang beterano, pinasalamatan siya ng liaison para sa kanyang serbisyo sa kanyang bansa. Binalabalan niya ng pula, puti at asul na kumot na ginantsilyo ng isang hospice volunteer, ang kanyang mga binti. Naglagay siya ng sertipiko at flag lapel pin sa mesang katabi ng kanyang kama. Sumaludo sa naghihingalong sundalo ang lahat nang naroon-ang liaison, mga nurse, chaplain, unit secretary at si Judy.

Alam ni Judy na ang paglalaan ng oras upang ihandog itong seremonya ng parangal ay mahalaga sa pamilya ng pasyente. Alam niya na bahagi ng kanyang trabaho ay nangangahulugan ng pagtulong sa kanyang mga pasyente na mabuhay nang may dignidad hanggang sa sila ay mamatay. "Kahit na tayo ay naghihingalo," sabi niya, "mahalaga tayo."

Pagbawas sa Pasanin ng mga Pamilya

Bago ang tanghalian, nang dumating ang doktor ng inpatient hospice upang mag-round, sumama si Judy sa kanya. Dinala niya ang kanyang listahan at mga tala mula sa meeting ng mga nurse. Sinabi ni Dr. Alvarez, isang doktor ng hospice mula 1984, "Pakiramdam ko ay napakahalagang makipagtulungang mabuti sa social worker. Alam niya mula sa simula ang tungkol sa pamilya, ang sitwasyon sa bahay, ang plano ng paglabas. Matutulungan niya ang mga pamilya na naghihirap."

Dumating sina Judy at Dr. Alvarez sa silid ng 93 taong gulang na babae na may congestive heart failure, na inaalagaan ng kanyang 93 taong gulang na kapatid na babae. Naging maliwanag kay Judy na ang kapatid ay hindi na kayang alagaan ang pasyente. Isinaayos niya ang isang meeting ng pamilya upang talakayin ang paglilipat ng pasyente sa isang nursing home kapag inilabas siya mula sa inpatient unit.

"Mahalaga sa isang meeting ng pamilya na maging malinaw tungkol sa kung ano ang mga pangangailangan ng pasyente, habang hindi binabawasan ang pag-aalaga na nakukuha na nila," pagpapaliwanag ni Judy. "Bawat pasyente ay may kasaysayan, at may mga problema. Trabaho kong asikasuhin ang mga problemang iyon.

"Sa sandaling malaman ko na mayroong nakalaang sistema ng suporta para sa pasyente, tinintingnan ko ang pamilya upang makita kung paano ko mababawasan ang kanilang pasanin," paliwanag ni Judy. Bilang isang social worker, kailangan kong magawang maunawaaan ang kinalalagyan nila," sabi niya. "Mahalaga ang suporta para sa tagapag-alaga, maging ito man ay pagkuha ng isang volunteer sa bahay o pakikipagtulungan sa team sa bahay upang kumuha ng tulong na pananalapi o karagdagang pag-aalaga. Maaari din itong mangahulugan ng pagkakaroon ng tahimik na pag-inom ng kape at pakikinig.

"Kung minsan hindi ang pag-aagaw-buhay ang pinakakumplikadong bagay na nangyayari," sabi niya. "Nakikitungo sa kamatayan ang mga pamilyang ito habang nakikitungo rin sa pang-araw-araw na buhay, at maaaring kailangan nila ang tulong sa napakaraming iba pang bagay-mga bayarin sa pagpapagamot, pag-aalaga sa mga anak, pananatiling mayroong kuryente at pagkain sa mesa, pagpasok sa trabaho habang nag-aalaga ng mahal sa buhay na may malubhang sakit. Nakikipagtulungan ako sa mga pamilya upang makahanap ng magagandang solusyon."

Pagsuporta sa Staff

Umaabot ang mga responsibilidad ni Judy maging sa staff ng unit.  "Kung minsan, kapag mayroon kang ilang pagkamatay nang sabay-sabay, maaari itong maging medyo hindi makayanan," sabi niya. "Ang mga nurse ang mga taong nasa front-line at maaari itong maging napakahirap sa kanila."

Hindi karaniwan para kay Judy na tawagan ang espesyalista ng hospice sa pangungulila sa pagpanaw ng tao upang sumali sa isang meeting ng support group kapag nakaranas ang staff ng maraming pagkamatay o napakatitinding kaso, tulad ng 6 taong gulang na batang lalaki na may brain stem cancer. "Sa kasong iyon, narito siya sa hospice inpatient unit nang isang buwan at kalahati. Marami sa mga nurse ay mga nanay ng maliliit na mga bata. Naramdaman naming lahat na lubhang konektado sa kanya at sa kanyang ina."

Sa paglipas ng mga taon naging mental health advocate si Judy para sa hospice inpatient team. Sinisiguro niya na ipinagdiriwang ang mga kaarawan, anibersaryo, holiday at iba pang mga espesyal na okasyon ng pasyente at staff. Pinanatili niyang puno ang candy jar at palaging may ngiti at salitang nagpapalakas ng loob para sa lahat.

Ang Hospice Ay Hindi Parating Tungkol Sa Kalungkutan

Bihirang nagtatapos ang araw ni Judy nang alas- 5; kadalasan siyang nananatili upang tapusin ang mga papeles, gumawa ng mga follow-up na tawag o upang tingnan ang kanyang mga pasyente at ang kanilang mga miyembro ng pamilya. "Natagpuan ko ang kagalakan sa aking trabaho bilang isang social worker sa hospice," sabi ni Judy. "Sa katotohanan, noong unang linggo ko sa trabaho, nangasiwa ako ng isang kasal sa unit. Isinaayos ko ang mga dekorasyon at ang chaplain upang mamuno sa seremonya sa tabi ng kama ng isang matandang mag-asawa na napakatagal nang magkasama. Ang lalaking ikakasal ay nasa hospice. Napakasaya ng mag-asawa na ikakasal.

"Nakatulong sa akin mula sa simula na maunawaan na maaaring magkaroon ng galak. Mula noon, nakita ko ang galak sa unit. Binigyan ako ng trabahong ito ng bagong pagpapahalaga sa mga tao at bagay sa aking buhay na mahahalaga."

Naghahanap ka ba ng karera bilang isang Social Worker sa Hospice?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.