Inpatient na Hospice o Hospice Care sa Bahay?

Ipinakita ng mga survey na kapag nahaharap sa karamdamang walang lunas, sinasabi ng karamihan na mas gusto nilang manatili sa kanilang mga tahanan para sa pangangalaga1, ipagpatuloy ang mga nakagawiang nagbibigay ginhawa sa kanila. Ang Hospice ay naggagamot ng mga pasyente kung saan pinakamainam na bigyan sila ng pangangalaga: sa bahay. Ngunit para sa mga kumplikadong pasyente na nangangailangan ng mas masinsinang pamamaraan ng pag-aalaga, maaaring itaas ng VITAS ang antas ng pangangalaga upang matugunan ang mga pangangailangan ng pasyente.

Ang Hospice ay Isang Philosophy ng Care

Maraming nag-iisip na ang kahulugan ng hospice ay pagpunta sa-o ang kahihinatnan ay isang lugar. Ang hospice ay hindi isang lugar. Ang hospice ay isang kakaibang philosophy ng pag-aalaga na nakatuon sa pagpapahusay ng kaginhawahan at pangkalahatang kalidad ng buhay sa mga huling buwan, linggo at araw ng buhay.

Ginagamot ng VITAS ang mga pisikal na sintomas, nagbibigay ng pain management at tinutugunan ang mga emosyonal at espirituwal na mga alalahanin. Ginagawa ng VITAS na mas makabuluhan para sa kanila at sa kanilang mga mahal sa buhay ang oras ng pasyente

Kung Saan Mang Lugar na ang Tawag Mo ay Bahay

Ang hospice care ay umaabot saan mang lugar na tinatawag na bahay ng pasyenteng may malubhang sakit -isang pribadong tirahan, assisted living community o nursing home. Ang isang interdisciplinary team-doktor, nars, hospice aide, kapilyan, social worker at boluntaryo-ay nagdadala ng klinikal, mapagmahal na hospice services sa mga pasyente saan man sila nakatira.

Kapag ang pasyente ay nasa isang pribadong tirahan, ang grupo ay pumupunta sa bahay upang magbigay ng pangangasiwa ng sakit at kontrol ng sintomas pati na rin ang personal care. Nagbibigay din ang grupo ng edukasyon ng caregiver kasama ang emosyonal at espirituwal na suporta sa pasyente at kanilang mga mahal sa buhay.

Para sa mga pasyente na nakatira sa isang assisted living community o nursing home, ang grupo ng hospice ay nagbibigay ng pangangalaga na umaakma sa pangangalaga na natatanggap na ng pasyente. Ang kawani ng pasilidad ay itinuturing bilang isang karugtong ng pamilya ng pasyente at tumatanggap ng parehong emosyonal na suporta, kabilang ang mga serbisyo sa pangungulila sa pagpanaw ng tao pagkamatay ng mahal sa buhay.

Pagtugon sa mga Lumalalang Kondisyon

Kung ang mga sintomas ng pasyente-sakit, pagduduwal o pagkalito, halimbawa-lumala o naging mahirap kontrolin, patuloy na tinutulungan ng VITAS ang pasyente na manatili saanmang lugar na kung tawagin nila ay bahay. Ang mga hospice na sertipikado ng Medicare ay dapat magbigay ng mga maayos na shift ng continuous care sa tabi ng pasyente kung ang mga sintomas ay lumubha, upang hindi na pumunta pa ng ospital.

Mga Inpatient Unit

Habang ang karamihan sa hospice care ay ibinibigay sa bahay, sa ilang mga sitwasyon-madalas kapag ang mga sintomas ay naging napakahirap na pangasiwaan sa bahay-ang pasyente ay kailangang ilipat sa isang lugar para sa mga inpatient. Iyon ay maaaring maging isang nakontratang kama ng hospice sa isang malapit na pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan o isang yunit ng inpatient ng VITAS. Anuman ang hitsura ng lugar, ang layunin ng inpatient hospice care ay matugunan ang mga sintomas upang ang pasyente ay makabalik sa nakagawiang lebel ng homecare ng hospice sa lalong madaling panahon.

Maraming mga hospice patient ang hindi kailanman kailangan ang pagpasok sa isang lugar para sa mga inpatient at nananatili sa bahay na maginhawa hangga't tumatanggap sila ng mga hospice service.

1Kaiser Family Foundation/The Economist Four-Country Survey of Aging and End-of-Life Medical Care (2017). Isinasagawa tuwing Marso 30-Mayo 29, 2016.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.