Paano Magbayad para sa Hospice Care (Medicare at Iba Pang Pagpipilian)

Sakop ba ng Medicare ang Hospice?

Ang karamihan ng mga hospice patients ay karapat-dapat para sa Medicare Hospice Benefit, na sumasaklaw ng hanggang sa 100% ng mga hospice services.

Walang dahilan para ipagpaliban ang hospice care dahil sa pinansiyal na mga alalahanin. Ang Medicare Hospice Benefit ay isang inklusibong benepisyo, na kung saan ang lahat ng mga serbisyo na kaugnay sa mga karamdamang walang lunas ay sakop nang hanggang sa 100 porsiyento ng Medicare Part A. Ang pangangalagang hindi kaugnay sa karamdamang walang lunas ay patuloy na sasakupin ng Medicare Part A at B, na kung saan ang lahat ng mga normal na tuntunin ay naaangkop (hal., mga co-payment, mga patnubay sa coverage, at mga deductible). 

Ano ang Sakop sa Ilalim ng Medicare Hospice Benefit?

Kabilang sa coverage ng Medicare Hospice Benefit​​​​​​​ ang lahat na may kaugnayan sa hospice care, mula sa mga pagbisita ng nurse, doctor, at iba pang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan hanggang sa therapy, paggagamot at mga supply. Narito ang kumpletong listahan ng mga serbisyo:

Isang pie chart na nagpapakita kung sino ang nagbabayad para sa hospice

Ano ang Hindi Sakop sa Ilalim ng Medicare Hospice Benefit?

Habang ang karamihan sa pangangalaga sa hospice care ay sakop sa ilalim ng Medicare Hospice Benefit, hindi kasama dito ang mga sumusunod na bagay:

  • Paggagamot upang makapagbigay-lunas (curative treatment), kabilang ang anumang mga iniresetang gamot na kaugnay sa paggagamot upang makapagbigay-lunas.
  • Pangangalaga ng emergency department na hindi kaugnay sa terminal na diagnosis ng pasyente o kaya hindi isinaayos ng kanilang hospice provider.
  • Mga gastos na kaugnay sa mga singilin sa paggamit o sa pag-upa ng silid sa mga assisted living facility at nursing home at pati na rin ng mga pagkain. Kabilang dito ang mga mortgage o upa at pagkain para sa mga pasyenteng nakatira sa bahay. (Ang mga bagay na ito ay sakop para sa mga pasyente ng hospice na nakararanas ng medikal na krisis dahil sa paglala ng sintomas at ay panandaliang nakatira sa isang inpatient unit (IPU).)

Gaano Katagal Babayaran ng Medicare ang Hospice Care?

Upang maging karapat-dapat sa hospice, ang pasyente ay dapat na makatanggap ng diagnosis ng karamdamang walang lunas mula sa isang doctor, na may life expectancy na 6 na buwan o kulang pa kung ang sakit ay hahayaang magpatuloy sa kanyang normal na pagdaloy. Gayunpaman, minsan ay may mga pasyenteng nabubuhay nang mas mahaba pa sa 6 na buwang panahon na ito.

Kung natukoy ng direktor ng medisina/doktor ng hospice na ang pasyente ay hindi na dumaranas ng pagkakasakit na walang lunas na may kasamang prognosis na anim na buwan o kulang pa, dapat nilang i-discharge ang pasyente mula sa kanilang pangangalaga patungo sa komunidad.

Kung magpatuloy ang karamdamang walang lunas ng pasyente, maaari silang muling masertipika para sa hospice. Sakop ng Medicare Hospice Benefit ang walang limitasyong dami ng 90-90-60-araw na mga muling pagsesertipika hangga't nananatiling kuwalipikado para sa hospice ang pasyente.

Ang mga doktor ng pasyente ay kaungay sa proseso ng muling pagsesertipika ng pasyente habang kanilang patuloy na sinusubaybayan ang kalagayan at prognosis ng pasyente.

Binabayaran ba ng Medicare ang Hospice Care sa Bahay?

Sinasaklaw ng Medicare Hospice Benefit ang mga serbisyo sa katapusan ng buhay na may kaugnayan sa terminal na diagnosis ng isang pasyente sa anumang lugar na itinuturing ng pasyente bilang kanilang bahay, maging ito man ay isang tradisyonal na tirahan, isang pasilidad ng assisted living, o nursing home. Saanman isasagawa ang hospice, ang lahat ng mga serbisyo na nauugnay sa terminal na diagnosis ay nasasaklawan ng Medicare Part A nang hanggang sa 100%.

Kung hindi mapapamahalaan ang mga sintomas ng pasyente ng pangkaraniwang antas ng pangangalaga sa hospice, babayaran din sa pamamagitan ng Medicare Part A ang mga karagdagang antas ng serbisyo, gaya ng 24/7 na continuous na paggagamot o inpatient hospice care, nang walang karagdagang gastos sa pasyente o pamilya.

Nagbabayad ba ang Medicare para sa Hospice sa isang Skilled Nursing Facility?

Oo, ang mga hospice services na ibinibigay sa isang nursing facility ay sakop ng Medicare. Sa isang nursing home na kinalalagyan, tumutulong ang hospice sa mga pasyente, pamilya, at nursing home staff sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga resource at suporta sa katapusan ng buhay. Sakop ng Medicare Hospice Benefit ang mga serbisyo, gamot, supply, at kagamitan na nauugnay sa mga sakit na nakapag-lilimita ng buhay. Gayunpaman, hindi nito sakop ang mga gastos na nauugnay sa pagbayad para sa kwarto at pagkain. Ang mga gastos na ito sa skilled nursing facility para sa kwarto at pagkain ay madalas na sakop ng Medicaid kapag natutugunan ng pasyente ang mga pangangailangan na pinansyal ng estado upang maging kwalipikado.

Kasama rin sa benepisyo ng Medicare at Medicaid Hospice ang isang probisyon para sa respite care at inpatient care, na posible ring ibigay sa isang nursing facility para sa mga maiksing pagtigil doon. Kapag tinukoy ng hospice team ang pangangailangan para sa respite o inpatient hospice care, ang kabuuang halaga na nauugnay sa pangangalaga ay sakop alinsunod sa benepisyo sa hospice.

Paano Ka Magbabayad para sa Hospice Care Nang Walang Medicare?

Para doon sa mga hindi kwalipikado sa Medicare o Medicaid, ang bayad para sa hospice ay maaaring manggaling sa pribadong insurance o sa isang HMO, dahil kabilang din sa mga ito ang benepisyo ng hospice.

May mga pinansyal na espesyalistang nagtatrabaho sa mga hospice upang matulungan ang mga pamilya na hindi kwalipikado para sa pederal na tulong at walang insurance na makahanap ng mga resources na maaaring magamit. Kabilang sa mga opsyon sa pagbabayad para doon sa mga pamilya na ito ay sila mismo ang magbabayad at mga charitable organization.

Maraming mga alalahaning kasama kapag ang kaharap ay isang karamdamang walang lunas. Ang pagbabayad para sa end-of-life care ay hindi dapat isa sa mga ito.

Pinagmulan: NHPCO's Facts and Figures: Hospice Care in America

Mahanap ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan, mga mada-download tungkol sa hospice care, at impormasyon sa pagsingil ng VITAS.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.