Mga Serbisyo sa Pangangalaga

Sa VITAS, inaalagaan namin ang mga pasyente sa pamamagitan ng isang interdisciplinary team na binubuo ng nurse, doktor, aide, social worker at chaplain. Ang mga clinical professionals namin, mula sa music therapist hanggang sa trained volunteer, ay maaaring makipagtulungan sa team upang matugunan ang mga pangangailangang emosyonal at pang-espirituwal ng pasyente at ng kanyang pamilya. Gumagawa ang aming mga team ng personalized care plans o plano ng pangangalaga na angkop na angkop para sa pasyente upang masigurado na na kumportable siya at napapanatili ang kanyang dignidad at kalidad ng buhay.

Kadalasan, ang hospice care ay dinadala sa bahay ng pasyente dahil mas gusto ng karamihan sa mga taong malulubha na ang sakit na manatili sa bahay: sa lugar na pamilyar sa kanila kung saan pamilyar sa kanila ang mga routine o gawain at pamilyar din ang mga taong nakapaligid sa kanila. 

Maghanap ng mga Lugar ng Serbisyo

Mga Serbisyo na Inihahatid Namin

Hospice Care sa Bahay

Ang hospice care sa bahay ay ang pinaka-karaniwang uri ng hospice care. Sinusuportahan ng VITAS ang mga pasyente at pamilya na pumipili ng hospice na pangangalaga sa bahay, saanman ang itinuturing nila bilang kanilang bahay. Sa pamamagitan ng mga routine na pagbisita mula sa home hospice care team, masisiguro ang kaginhawahan at dignidad. Ibinibigay nang libre ang mga kagamitan, supply, at gamot na kaugnay sa diagnosis.

Hospice Interdisciplinary Care Team

Ang team sa pangangalaga ay binubuo ng doktor, nurse, hospice aide, social worker, chaplain, mga boluntaryo at bereavement specialist. Alamin kung ano ang maaari nilang gawin.

Inpatient Hospice Care

Kung hindi mapapamahalaan sa bahay ang mga sintomas, nagbibigay ang VITAS inpatient hospice care ng 24/7 na suporta hanggang sa puwede nang makabalik sa bahay ang pasyente. Ang aming mga kumportableng pasilidad sa inpatient hospice care ay mayroong suporta na tulad ng isang acute-care na pasilidad habang mayroon ding mga katangian na karaniwang matatagpuan sa isang tahanan.

Ano ang Palliative Care?

Sa VITAS, ang palliative care na naka-focus sa pagiging kumportable ng pasyente ay nagsisimula sa isang plano na sadyang ginawa para sa pasyente ng isang interdisciplinary team upang matugunan ang mga pangangailangan ng pasyente. Alamin kung paano ito gumagana.

Personalized Care Plans Ayon sa Kalagayan

Sa VITAS, itinutugma namin ang aming mga plano ng pangangalaga sa hospice upang matugunan ang natatanging mga sintomas at pangangailan na maaaring kasama ng bawat partikular na kalagayan o karamdaman.

Emosyonal at Espirituwal na Tulong

Nagbibigay kami sa mga pasyente at sa kanilang pamilya ng iba't ibang therapeutic services o serbisyo upang mapagaling ang karamdaman, at mga resources katulad ng music therapy, pagbisita ng alagang hayop, pastoral care, Jewish care at veteran's care.

Pangangalagang Nakabatay sa Diversity

Nagkaroon ng hospice sa paniniwalang ang bawat isa ay karapat-dapat na makatanggap ng kaginhawahan at dignidad kapag malapit na sa katapusan ng buhay.

Kalendaryo ng Kaganapan

Ang VITAS Healthcare ay regular na nabibigay ng mga klase, sumusuporta sa memorial services o paglilibing ng mga grupo at iba pang presentasyon ng impormasyon, at pati na rin mga kakaibang special events paminsan-minsan

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.