Hindi Pagsuko ang Hospice. Puno ng Pag-asa ang Hospice.
Suporta para sa Pasyente at Pamilya
May karaniwang maling paniniwala na ang pagpili sa hospice ay nangangahulugan sa pagsuko sa pag-asa. Gayunpaman, ang mga katotohanan tungkol sa hospice ay nagpapatunay ng kabaligtaran. Sa ganitong pagkakataon, talagang nakakagaan ng pagdurusa ang hospice, nagtataguyod ng karangalan, at nagdudulot ng closure para sa mga pasyente at pamilya. Ito ang mga benepisyo ng hospice care.
Ang pangkat ng hospice ay espesyal na sinanay sa end-of-life care, na maaaring ibigay saan mang lugar na tinatawag ng pasyente na bahay, maging ito man ay assisted living, isang nursing home o isang pribadong tirahan.. Ang Hospice Care ay maaari ring ibigay sa mga ospital at pasilidad na eksklusibong tumutugon sa pangangailangan ng mga pasyente sa hospice.
Bilang karagdagan sa pangangasiwa ng sintomas, ang mga benepisyo sa hospice care ay may kasamang iba't ibang mga serbisyo ng suporta para sa mga pasyente at sa kanilang pamilya: edukasyon, emosyonal at espirituwal na suporta, tulong sa mga pinansiyal na suliranin, tulong sa personal care at kalinisan ng pasyente, at respite care upang magbigyan ang isang tagapag-alaga ng pamilya ng pahinga nang hanggang sa 5 araw.
Ano ang Hospice Care at Ano ang mga Layunin Nito?
Ang hospice care ay isang espesyalisadong palliative care para sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman na malapit na sa katapusan ng buhay. Ang pangangalagang ito na nakatuon sa kaginhawahan ay naglalayon na pahusayin ang kalidad ng buhay ng pasyente kapag pinili nilang huwag nang humingi ng paggagamot.
Integratibo ang hospice. Tinutugunan nito ang klinikal, emosyonal, at espirituwal na mga pangangailangan ng pasyente, at tinutupad nito ang kanilang mga layunin at kahilingan para sa end-of-life care. Sa pamamagitan nito, ang mga hospice patient ay kalimitang mas kumportable sa kanilang natitirang mga araw, linggo, at buwan-at sa karamihan ng mga kaso, sa mas matagal pang panahon-kaysa kung sila ay nagpatuloy na humanap ng paggagamot hanggang sa punto ng pagkamatay.
Bagama't nakatuon ang hospice care sa pasyenteng may malubhang karamdaman, sinusuportahan din nito ang mga miyembro ng pamilya at tagapag-alaga ng pasyente sa pamamagitan ng:
- edukasyon
- tulong sa pang-araw-araw na pangangalaga
- mga oportunidad para sa respite care
- emosyonal, espirituwal, at pangamatagalang suporta sa pangungulila
Puno ng Pag-asa ang Hospice.
May mga ilang pasyente ng hospice na nakakaranas ng pagbuti ng kanilang kalusugan, kadalasang resulta ng pagpapakita ng interes at pagmamalasakit; at may iba pa na pinipiling bawiin ang kanilang benepisyo sa Medicare hospice benefit nang sandali.
Kahit na ang sakit ay nagpapatuloy ng kanyang kurso tulad nang inaasahan, ipinakikita ng mga pagsusuri na ang mga pasyente na may sakit na wala nang lunas na tumatanggap ng hospice care ay maaaring mabuhay nang mas mahaba kaysa sa mga pasyenteng hindi tumatanggap ng hospice.
Ang mga pasyente sa hospice ay nagkakaroon ng pakiramdam ng kaluwagan at kontrol. Ang mga regular na pagbisita mula sa kanilang nars at hospice aide ay nagbibigay ng pagkontrol ng sakit at iba pang mga sintomas o kaya't makakaiwas sa pagbisita sa emerhensiyang ng ospital. Ang pagiging nasa bahay, napapaligiran ng pamilya at mga kaibigan, ay maaaring mapabuti ang kalidad ng buhay. Ang mga pakikipag-usap sa grupo ng mga social worker o chaplain ay tumutugon sa emosyonal na sakit. Dahan-dahan, isang pasyente ng hospisyo-at ang kanilang pamilya-ay magsisimulang magkaroon ng pag-asa.
Ang mga benepisyo ng hospice care ay nagbibigay lakas sa mga pasyente at sa kanilang mga tagapag-alaga. Maaaring kontrolin ng mga pasyente kung paano nila gustong mabuhay sa mga huling buwan ng kanilang buhay; ang mga tagapag-alaga ay maaaring makinabang mula sa pisikal at emotional support habang ginugugol ang masasayang oras kasama kanilang mga mahal sa buhay.