Kinakailangan Ba ng Hospice na Mag-sign Ka ng DNR?
Ang mga advance na directive ay mga legal na dokumentong pinagbabatayan ng mga medikal propesyonal tungkol sa mga kagustuhan sa pangangalaga ng isang pasyente kung sakaling hindi siya makapagsalita para sa kanyang sarili. Ang mga Do Not Resuscitate (DNR) order ay kabilang sa pinakakaraniwan sa mga ganitong direktiba.
Posibleng may mga tanong ang mga pasyente at ang kanilang mga mahal sa buhay tungkol sa mga tanong na ito kapag isinasaalang-alang na nila ang hospice services.
Isang karaniwang alalahanin para sa mga naghahanap ng end-of-life care ay kung hinihiling ba ng isang hospice provider na magsumite ng DNR ang isang pasyente para makatanggap ng pangangalaga.
Para matulungan kang gumawa ng mas may kabatirang pasya tungkol sa hospice, isaalang-alang ang mga sumusunod:
- Kung paano gumagana ang isang DNR
- Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon nito
- Kung naaayon ba ang DNR sa mga layunin ng pangangalaga mo at ng iyong mahal sa buhay
Ano ang isang DNR O DNI Order?
Do Not Resuscitate, huwag subukang ibalik sa buhay ang tao. Isa itong order na isinulat ng isang doktor at inilalagay sa medikal na chart na nagtatagubilin sa lahat ng medikal na staff na huwag subukang i-revive ang isang pasyenteng may malubhang karamdaman kung huminto ang paghinga o pagtibok ng puso niya. Nangangahulugan ito na ang mga doktor, nurse, at iba pa, kabilang ang mga emergency medical technician, ay hindi magsisimula ng anumang mga pamamaraan na pang-emergency na pagligtas ng buhay.
Sa pangkalahatan, ang isang utos ng DNR ay inilalagay sa tsart ng may malubhang sakit ng pasyente bago magkaroon ng problema sa medikal.
Ang Do Not Intubate (DNI) order ay katulad ng DNR ngunit may mga karagdagang kaluwagan. Kapag nilagdaan ang isang DNI, pinapahintulutan ang mga medikal na staff na sumubukang i-revive ang isang pasyente sa pamamagitan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) na pamamaraan, kasama ang mga chest compression at cardiac drug, pero ipinagbabawal dito ang paglalagay ng breathing tube. Maraming tao ang pumipili ng DNI para maiwasan ang mga potensyal na kumplikasyong posibleng idulot ng breathing tube, kabilang ang pagiging dependent sa ventilator.
Nangangailangan ba ang Hospice ng DNR Order?
Sa VITAS, hindi kailangan ng isang order ng DNR bago ma-admit ang isang pasyente. Hindi kailangan ng mga Medicare-certified na hospice ng DNR na order, dahil nauunawaan na ng pasyente at pamilya na tatanggap ang pasyente ng palliative care, at hindi ng curative care.
Ang VITAS at Mga DNR Order: Hindi Kinakailangan
Walang tamang sagot sa kung ang pasyenteng may isang malubhang sakit ay dapat i-revive kung ang kanilang puso o baga ay tumigil.
Maraming tao ang posibleng hindi pa handa na isantabi ang CPR, at ipapatala nila ang kagustuhang ito sa kanilang mga medikal na talaan. Para sa iba, ang isang DNR order sa kanilang chart ay kasiguraduhang mamamatay sila sa natural na paraan kapag dumating na ang oras. May iba na hindi gumagawa ng anumang desisyon, kaya ang resulta nito ay naiiwan ang madalas na tuliro o walang kabatirang miyembro ng pamilya na magpapasya sa sitwasyon ng krisis.
Habang ang ilang mga hospice ay nagre-require ng isang DNR bago i-admit ang pasyente, ang VITAS ay hindi.
Ano ang Isang Full-Code na Pasyente sa Hospice?
Ang isang full-code na pasyente sa hospice ay isang pasyenteng isinaad sa pamamagitan ng advance na directive o tagubilin sa kanyang provider na dapat gawin ang lahat ng resuscitative na pamamaraan kung sakaling tumigil ang kanyang paghinga o pagtibok ng kanyang puso. Katulad sa mga DNR at DNI, posibleng piliin ng mga pasyente sa hospice ang full-code na status para sa iba't ibang personal na dahilan.
Para sa ilan, nagbibigay ang full-code na status ng paraan para mapanatili ang pagkakaroon ng kontrol sa kanilang sarili at kontrol sa kanilang karanasan sa katapusan ng buhay. Ang mga pumipili ng full code ay karaniwang napapanatag sa ideyang mayroon silang huling "safety net." Anuman ang dahilan ng pasyente, ipinapangako ng VITAS ang pagrespeto sa personal na opsyon at sa pamamahala ng pananakit at mga simtomas ayon sa kagustuhan ng pasyente.
Mas Malamang Ba Na Magkaroon ng Mas Mahabang Buhay ang Mga Full-Code na Pasyente sa Hospice?
Tinatanggap ng mga pasyente ang hospice services sa pamamagitan ng prognosis ng doktor na 6 buwan o mas maikli pa at sa pag-unawa na makakatanggap sila ng pagpapahupa (palliative), sa halip na pagpapagaling (curative) na pangangalaga. Dahil sa mga salik na ito, marami sa mga pasyente ay pumipili na huwag papasailalim ng full code. Sa isang 2017 na pag-aaral na may mahigit sa 25,000 na mga pasyente sa hospice, napag-alaman na 12.9% lang ang pumipili ng full-code na status.
Napag-alaman din sa parehong pag-aaral na ang mga full-code na pasyente sa hospice ay halos dalawang beses na malamang, kung ikukumpara sa mga DNR/DNI na pasyente, na ma-discharge nang buhay mula sa hospice care sa loob ng dalawang linggo mula sa pagkaka-admit. Bagama't hindi tinalakay ng pag-aaral ang dahilan ng istatistikang ito, posibleng ang mga pasyenteng may full-code na status ay mas malamang na makaramdam ng kawalan ng katiyakan tungkol sa pag-enroll sa hospice, at samakatuwid ay mas malamang na tumanggi sa mga serbisyo pagkatapos ng maikling panahon.
Ang full-code na status ay hindi malamang na magpataas nang husto sa haba ng buhay ng sinumang pasyente sa hospice, pero hindi ito dapat maging hadlang sa pagtanggap ng pangangalaga na gusto mo o ng iyong mahal sa buhay. Sa katunayan, makikita sa pag-aaral na ang mga pasyenteng nakakatanggap ng hospice care kapag malapit na sa katapusan ng buhay ay nabubuhay nang mas matagal, sa karaniwan, at may mas mataas na kalidad, kung ikukumpara sa mga hindi nakakatanggap nito. Ang mga buhay ng mga pasyente sa pag-aaral na ito ay napahaba hindi dahil sa mga pagsisikap sa resuscitation.
DNR kumpara sa CPR: Ano ang Dapat Isaalang-alang
Ngayon kasama sa CPR ang higit pa sa karaniwang kilalang mouth-to-mouth resuscitation at external chest compression noon. Nagbibigay-daan ang mga bagong-tuklas sa medisina sa mga mas agresibong opsyon sa pagsasagip ng buhay, kasama ang electric shock gamit ang mga paddle na inilalagay sa dibdib (defibrillation), open-chest heart massage, mekanikal na tulong mula sa isang ventilator, at direktang pagtuturok ng gamot sa puso. Bilang karagdagan, hindi ginagarantiyahan na ang CPR ay magiging matagumpay at kung minsan ay iniiwan ang pasyente sa mas masamang kalagayan.1
Ang kalamangan at kahinaan ng CPR
Ang numero unong kalamangan ng CPR ay maililigtas nito ang iyong buhay. Para sa mga indibidwal na nabubulunan, nalulunod, inaatake sa puso, o nakakaranas ng pagbabara ng dugo papunta sa utak para sa anumang dahilan, mahalaga ang bawat minuto. Maaaring maiwasan ang permanenteng pinsala sa utak sa pamamagitan ng agarang CPR Kapag matagumpay ang CPR, posible nitong makontrol ang pinsala sa pamamagitan ng mabilis na pagpapatibok ulit ng puso para mapadaloy ulit ang dugo. Ang CPR ay pinaka-matagumpay sa mga indibidwal na maayos ang kalusugan, na ang mga katawan ay hindi naaapektuhan ng katandaan, karamdaman, o sakit.
Sa kabilang banda, ang CPR ay maaaring maging mahirap para sa katawan na matagalan. Ang external chest compression ay maaaring maging sanhi ng mga pagkabasag o pakabali ng tadyang. Ang mga contusion sa mga baga mula sa puwersa ng CPR ay maaaring maging sanhi ng pag-ventilator sa pasyente. Ang huli na o hindi wastong CPR ay maaaring maging sanhi ng pinsala o pagpalya ng utak ng pasyente. Kahit ang mouth-to-mouth resuscitation ay maaaring magdulot ng pagkalat ng sakit, lalo na kung ang pasyente ay may mahinang immune system.
Pinakamainam na makipag-usap sa iyong pamilya at doktor tungkol sa kung ano ang iyong kagustuhan bago mo pa man kailanganing pumili o magpasya. Pinapagaan ng pagkakaroon ng mga advance na directive ang paggawa ng mahahalagang pasya sa katupusan ng buhay para sa lahat ng tao na nauugnay dito.