Patakaran ng Pagkapribado

Epektibong Petsa: Mayo 2024

Ang VITAS Healthcare at ang mga affiliate nito ("Vitas") ay nangangakong protektahan ang iyong pagkapribado kaya bumuo kami ng mga patakaran sa pagkapribado upang maprotektahan ang impormasyong kinokolekta namin mula sa iyo. Binuo namin ang mga Kasanayan sa Abiso ng Pagkapribado (Notice of Privacy Practices), na ibinibigay sa iyo na may kaugnayan sa aming mga serbisyo at makikita sa Site, upang ilarawan ang aming mga kasanayan sa pagkapribado tungkol sa iyong "Protektadong Impormasyon sa Kalusugan" ayon sa iniaatas sa ilalim ng Health Insurance Portability and Accountability Act ng 1996 at ng mga regulasyon nito.

Ang Patakaran ng Pagkapribado na ito ay ginawa upang makasunod sa mga naaangkop na mga batas at regulasyon at inilalapat sa Web site at mobile app ng Vitas Healthcare (na pinagsamang tinatawag na "Site") at naglalarawan ng mga uri ng impormasyong maaari naming kolektahin mula sa iyo, o na maaari mong maibigay kapag bumisita ka sa Site, gamitin ang aming mga serbisyo, o kaya ay makipag-ugnayan sa amin, at ang aming mga pagsasagawa para sa pagkolekta at paggamit ng impormasyong iyon.

Sa pamamagitan ng paggamit ng Site o ng aming mga serbisyo, o sa pamamagitan ng pagsusumite ng impormasyon sa amin, sumasang-ayon ka sa mga pagsasagawa ng data na inilalarawan dito. Nakalaan sa amin ang karapatang baguhin ang mga termino ng Patakaran sa Privacy na ito sa pamamagitan ng pag-post ng na-update na bersyon sa Site upang lagi mong alam ang aming proseso na may kaugnayan sa pagkolekta, paggamit at pagsisiwalat ng impormasyon. Hinihikayat namin kayo na balikan paminsan-minsan ang Site para sa anumang update sa Patakaran sa Privacy.

Pangangalap ng Impormasyon

Maaaring mangolekta ang Vitas ng impormasyon na personal na makapagpapakilala ("Personal na Impormasyon") mula sa iyo kapag kinumpleto mo ang mga form, pumunta sa mga web page, at may kaugnayan sa iba pang mga aktibidad, serbisyo, tampok, o mga bagay o mapagkukunan na ginawa naming maaaring magamit. Ang ibig sabihin ng Personal na Impormasyon ay ang anumang impormasyon na kaugnay o makatwirang maiuugnay sa isang nakikilala o maaaring makilalang natural na tao. Hindi kabilang sa personal na impormasyon ang impormasyong maaaring matagpuan sa publiko mula sa mga talaan ng gobyerno,impormasyong inalis ang pagkakakilanlan o pinagsama-samang impormasyon, o impormasyong hindi sakop ng naaangkop na mga batas.

Kabilang sa mga sumusunod na kategorya ng impormasyon ang mga uri ng Personal na Impormasyon na maaari naming kolektahin, gamitin, itago, at isiwalat:

Category Uri ng Impormasyon
Impormasyon ng Pakikipag-ugnayan at Pagkakakilanlan Pangalan, Apelyido, Alyas, Email, Numero ng Telepono, IP Address, Address ng Koreo, Medikal na Impormasyon, o Impormasyon tungkol sa Health Insurance.
Pananalaping Impormasyon Numero ng Credit/Debit Card, Expiration Date, Security Code
Propesyonal na Impormasyon o Impormasyong Nauugnay sa Trabaho Edukasyon, Pinagtatrabahuhan, Kasalukuyan o nakaraang kasaysayan sa trabaho o pagtatasa ng pagsasagawa.
Mga Pagkakakilanlan at Aktibidad sa Internet Browsing History, Search History, Pakikipag-ugnayan sa Site
Impormasyon ukol sa Geolocation Geolocation, lokasyon na batay sa beacon, GPS na lokasyon
  Maaari mong i-disable ang aming paggamit ng ilang tagapagpakilala at aktibidad sa internet sa pamamagitan ng iyong device o mga setting sa browser.

Kung kinakailangan, maaaring mangolekta ang Vitas ng mas maraming sensitibong kategorya ng Personal na Impormasyon na nagpapakita ng: mga numero ng social security, lisensiya ng pagmamaneho, ID card ng estado, pasaporte, log-in ng account, pampinansiyal na account, debit card, o credit card, tiyak na geolocation, pinagmulan ng lahi o etnikong pinagmulan, mga relihiyoso o pilosopikong paniniwala, at ang pagproseso ng genetic na data, biometric na data para sa layunin ng natatanging pagkakakiklanlan ng isang natural na tao, impormasyong kaugnay sa kalusugan o seksuwal na pamumuhay o oryentasyong seksuwal ("Sensitibong Personal na Impormasyon"). Ang anumang Sensitibong Personal na Impormasyong kinolekta ay tanging gagamitin lamang hangga't kinakailangan upang maibigay ang Site at ang aming mga serbisyo sa iyo, o kung kaya ay pinahihintulutan ng naaangkop na mga batas at regulasyong may kaugnayan sa pagkapribado ng data.

Maaari kaming mangolekta ng impormasyong inalis ang pagkakakilanlan mula sa iyo na sa kanyang sarili ay hindi makatwirang magagamit upang makilala ka bilang ang pinagmulan kapag pumunta ka sa Site, gumamit ng aming mga serbisyo, o kaya ay makipag-ugnayan sa amin ("Impormasyong Inalis ang Pagkakakilanlan"). Maaaring kabilang sa Impormasyong Inalis ang Pagkakakilanlan ang: (i) uri ng device, (ii) ang operating system ng device, (iii) ang uri ng internet browser, (iv) ang provider ng internet na serbisyo, (v) mga referring/exit page, (vi) impormasyon ukol sa petsa/oras, at (vii) clickstream na impormasyon. Magsasagawa kami ng makatwirang mga hakbang upang masiguro na ang Impormasyong Inalis ang Pagkakakilanlan​​​​​​​ na aming kinolekta ay hindi magagamit upang personal na makakilala at maaaring magamit sa kinalaunan upang makilala ka alinsunod sa naaangkop na batas.

Paano kinokolekta ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon

Ang impormasyong kinokolekta ng Vitas ay depende sa kung ano ang iyong ginagawa at kung kailan ka bumisita o gamitin ang Site, gamitin ang aming mga serbisyo, o sa anumang paraan ay makipag-ugnayan sa amin. Nangongolekta ang Vitas ng Personal na Impormasyon at Impormasyong Inalis ang Pagkakakilanlan sa iba't ibang mga paraan, kabilang ang: 

Direktang mula sa Iyo: Nangongolekta ang Vitas ng Personal na Impormasyon kapag boluntaryo kang magsumite ng Personal na Impormasyon sa amin habang kinukumpleto ang mga form sa Site at may kaugnayan sa iba pang mga aktibidad, serbisyo, tampok, o mga bagay o mapagkukunan na ginawa naming maaaring magamit. Ang Personal na Impormasyong aming kinokolekta ay depende sa kung ano ang iyong ginawa kapag bumisita ka sa Site, gumamit ng aming mga serbisyo, o kung paano mo piniling makipag-ugnayan sa amin.  

Sa Pamamagitan ng Iyong Paggamit ng Site: Maaaring mangolekta ang Vitas ng Personal na Impormasyon at Impormasyong Inalis ang Pagkakakilanlan na ipinapahayag ng iyong browser kapag bumisita ka sa Site, gamitin ang aming mga serbisyo, o kaya ay makipag-ugnayan sa amin. Maaari ding mangolekta ang Vitas ng Impormasyong Inalis ang Pagkakakilanlan​​​​​​​ tungkol sa kung paano ka nakapunta sa Site, ginagamit ang aming mga serbisyo, o sa anumang paraan ay nakikipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng paggamit ng mga teknolohiyang kusang nagta-track, tulad ng mga session cookie, mga persistent cookie, at mga web beacon.

Mula sa mga Serbisyo ng Ikatlong Partido: Maaaring mangolekta ang Vitas ng Personal na Impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga ikatlong partido na kung saan ang mga patakaran ng pagkapribado ay kakaiba sa mga pagsasagawang inilalarawan sa Patakaran ng Pagkapribadong ito. Ang Vitas ay hindi gumagawa ng anumang representasyon o garantiya tungkol sa, at hindi mananagutan para sa, anumang pang-impormasyon na nilalaman, mga produkto, serbisyo, software, o iba pang mga materyales na nanggagaling mula sa mga ikatlong partido. Ang iyong paggamit ng mga serbisyo ng mga ikatlong partido at/o mga website ng ikatlong partido ay pinamamahalaan ng at sumasailalim sa mga tuntunin at kundisyon ng mga ikatlong partidong iyon at/o mga website ng ikatlong partido. Hinihikayat ng Vitas na iyong maingat na pag-aralan ang mga patakaran ng pagkapribado at mga pagpapahayag ng naturang mga ikatlong partido at/o mga website ng ikatlong partido.

Paggamit ng iyong Personal na Impormasyon

Kinokolekta at ginagamit ng Vitas ang iyong personal na impormasyon upang mapatakbo ang Site, makapagpadala ng mga serbisyo​​​​​​​ng iyong hiniling, at matulungan kaming mas mabuting makatugon sa iyong mga pagsisiyasat, pagtatanong, kahilingan, at pangangailangan ng suporta. Ginagamit din ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon upang maipaalam sa iyo ang tungkol sa iba pang mga produkto o serbisyong maaaring makuha mula sa Vitas at sa kanyang mga kaakibat na organisasyon. Maaari ring makipag-ugnay sa iyo ang Vitas sa pamamagitan ng mga survey para magsagawa ng pananaliksik tungkol sa iyong opinyon sa kasalukuyang mga serbisyo o sa mga posibleng serbisyo na maaaring ialok. Kung ibinigay ito sa VITAS, puwede naming gamitin ang iyong pangalan, address sa email, mailing address, numero ng telepono, o iba pang data para makipag-ugnayan sa iyo. Kung pinadalhan ka ng VITAS ng marketing e-mail, kasama sa e-mail ang isang link na nagbibigay sa iyo ng kakayahan na makapag-opt out sa pagtatanggap ng mga marketing e-mail mula sa VITAS sa hinaharap. Maaari din naming gamitin ang iyong mga pagpuna upang mapabuti ang Site at ang aming mga serbisyo. Lahat ng ito ay ginagawa upang gawing mas kapani-pakinabang ang Site at ang aming mga serbisyo para sa iyo. 

Maaaring gamitin ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon at serbisyo​​​​​​​ sa pinagsama-samang anyo upang mapag-aralan ang iyong mga aktibidad at pamamaraan ng pag-browseg at paggamit upang maintindihan ang iyong mga interes at mas ninanais kung ang pag-uusapan ay ang Site at ang aming mga serbisyo. Makatutulong ito na mapabuti ang iyong karanasan sa Site at ang aming mga serbisyo.

Maaaring gamitin ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon at Impormasyong Inalis ang Pagkakakilanlan upang maitaguyod ang kaligtasan at seguridad ng serbisyo, ng aming mga user, at ng iba pang mga partido. Halimbawa, maaari naming gamitin ang impormasyon upang mapatunayan ang mga user, makapagsagawa ng mga protektadong proseso ng pagbabayad, maprotektahan laban sa mga pandaraya at pang-aabuso, makatugon sa isang legal na kahilingan o paghahabol, magsagawa ng mga audit, at maipatupad ang aming mga tuntunin at patakaran.

Maaaring ibahagi ng Vitas ang data sa pinagkakatiwalaang mga ka-partner para matulungan kaming magsagawa ng mga istatistikal na pagsusuri, magpadala sa iyo ng email o liham, magbigay ng suporta sa customer, o mag-ayos ng mga delivery. Ang lahat ng naturang mga ikatlong partido ay pinagbabawalang gamitin ang iyong Personal na Impormasyon maliban na lamang upang makapagbigay ng mga serbisyong ito sa Vitas, at kinakailangan nilang panatilihing lihim ang iyong impormasyon.

Hindi ginagamit o isinisiwalat ng Vitas ang sensitibong Personal na Impormasyon, tulad ng lahi, relihiyon, o mga kaanib sa pulitika, nang walang malinaw na pagpapahintulot mula sa iyo.

Sinusubaybayan ng VITAS ang mga web site at page na binibisita ng aming mga customer sa VITAS, para matukoy kung anong mga serbisyo ng Vitas ang pinaka-popular. Ang data na ito ay ginagamit para makapaghatid ng naka-customize na content at advertising sa loob ng VITAS sa mga customer na nagpapahiwatig na interesado sila sa isang partikular na paksa.

Paano isinisiwalat ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon

Maaaring isiwalat ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon sa mga ikatlong partido para sa pangangalakal na layunin ayon sa inilarawan sa ibaba:

Sa Aming mga Kaakibat na Organisasyon: Maaaring isiwalat ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon sa mga kaakibat na organisasyon, kabilang ang mga kumpanyang bahagi ng Vitas na grupo.

Sa mga Nagbibigay ng Serbisyo: Maaaring isiwalat ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon sa mga ikatlong partidong nagbibigay ng serbisyo na tumutulong sa aming makapagbigay ng suporta sa user, makipag-ugnayan sa mga user, at maisulong ang aming mga serbisyo, at pati na rin ang mga ikatlong partidong nagbibigay ng serbisyo na nagbibigay ng ibang mga serbisyo sa amin na may kaugnayan sa aming mga serbisyo at/o sa Site.

Pagpapatupad ng Batas, Kaligtasan, at mga Legal Proseso: Maaaring isiwalat ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon sa mga nagpapatupad ng batas o iba pang mga opisyal ng pamahalaan kung ito ay nauugnay sa isang imbestigasyon ng krimen o ipinaparatang na kriminal na aktibidad. Maaari din naming isiwalat ang iyong Personal na Impormasyon: (i) kung kinakailangan o pinahihintulutan ng batas; (ii) upang maprotektahan laban sa mga pandaraya at para sa layunin ng pagpapabawas ng panganib sa kredito; (iii) sa kabutihan ng loob na paniniwala na ang naturang pagkilos ay kinakailangan upang maprotektahan ang aming mga karapatan, interes, o ari-arian; (iv) sa kabutihan ng loob na paniniwala na ang naturang pagkilos ay kinakailangan upang maprotektahan ang iyong kaligtasan o ang kaligtasan ng iba; o (v) upang makasunod sa isang paglilitis ng husgado, kautusan ng korte, subpoena, o iba pang katumbas na legal o pang-administratibong proseso. Pagbebenta o Pag-angkin ng mga Ari-arian: Kung ang Vitas ay maging bahagi ng isang transaksyon na kaugnay ang pagbebenta ng aming mga ari-arian, tulad ng pagsasama-sama o pagtatamo ng kumpanya, o kung ang Vitas ay inilipat sa iba pang kumpanya, maaaring isiwalat at/o ilipat ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon bilang bahagi ng transaksyon. Kung ang natitirang kumpanya sa transaksyong iyon ay hindi kami, maaaring gamitin ng natitirang kumpanya ang iyong Personal na Impormasyon alinsunod sa sarili nitong mga patakaran sa pagkapribado, at yung mga patakarang iyon ay maaaring kakaiba sa Patakaran ng Pagkapribadong ito.

Ang Personal na Impormasyong isinisiwalat ng Vitas

Sa nakaraang labindalawang (12) buwan, isiniwalat namin ang sumusunod na mga kategorya ng Personal na Impormasyon sa mga ikatlong partido para sa pangangalakal na layunin: 

  • Impormasyon ng Pakikipag-ugnayan at Pagkakakilanlan
  • Propesyonal na Impormasyon o Impormasyong Nauugnay sa Trabaho
  • Mga Pagkakakilanlan at Aktibidad sa Internet
  • Impormasyon ukol sa Geolocation
  • Pananalaping Impormasyon

Personal na Impormasyong ibinabahagi ng Vitas

Maaaring ipamahagi ng VITAS ang iyong Personal na Impormasyon sa mga ikatlong partido para sa layunin ng negosyo, kabilang ang pangpapatakbo ng vitas.com na site at pagpapadala ng mga serbisyong iyong hiniling, alinsunod sa iyong karapatan na mag-opt-out sa naturang pagbabahagi. Sa nakaraang 12 buwan, ipinamahagi ng VITAS ang iyong Personal na Impormasyon sa mga sumusunod na categorya ng mga ikatlong partido: 

  • Mga provider ng data analytics
  • Mga nag-a-advertise at mga network ng mga nag-a-advertise
  • Mga kumpanya ng social media
  • Mga tumatanggap ng impormasyon ng internet cookie
  • Mga kaakibat na organisasyon
  • Mga Kasosyo

Ang ibig sabihin ng "pamamahagi" ay ang pagsisiwalat ng impormasyon na personal na makapagpapakilala para sa magkakaibang kontekstong pag-uugali ng advertising. Gagamitin din namin ang iyong Personal na Impormasyon upang maipaalam sa iyo ang tungkol sa iba pang mga produkto o serbisyong maaaring makuha mula sa Vitas at sa kanyang mga kaakibat na organisasyon. Maaari din kaming makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng mga survey upang magsagawa ng mga pananaliksik tungkol sa iyong opinyon sa mga kasalukuyang serbisyo o sa potensyal na mga bagong serbisyo na maaaring ihandog. Kung ibinigay ito sa VITAS, maaari naming gamitin ang iyong pangalan, address sa email, address sa koreo, numero ng telepono, o iba pang data upang makipag-ugnayan sa iyo.

Sinusubaybayan namin ang mga website at mga page na binibisita ng aming mga customer sa Vitas, upang malaman kung anong mga serbisyo ng Vitas ang pinakasikat. Ang data na ito ay ginagamit upang makapaghatid ng pinasadyang nilalaman at advertising ng VITAS sa mga customer na nagpapahiwatig base sa kanilang gawi na interesado sila sa isang partikular na paksa.

Ipinapakita ng talahanayan sa ibaba kung aling mga kategorya ng Personal na Impormasyon ang isiniwalat ng VITAS sa mga ikatlong partido para sa layunin ng negosyo sa nakaraang 12 buwan:

  • Mga Vendor ng Pagtatasa ng Karanasan (Background Check)
  • Mga pinansiyal na institusyon
  • Mga Vendor ng mga Benepisyo
  • Mga Vendor ng Suweldo/Buwis
  • Mga Ahensiya ng Pamahalaan
  • Mga Vendor ng Pagbeberipika ng Pinagtatrabahuhan
  • Mga nag-a-advertise at mga network ng mga nag-a-advertise
  • Mga kumpanya ng Social Media
  • Mga tumatanggap ng impormasyon ng Internet Cookie
  • Mga kaakibat na organisasyon
  • Mga Kasosyo

Paggamit ng Cookies

Ginagamit ng Site ang mga "cookies" para matulungan kang i-personalize ang iyong online na karanasan. Ang cookie ay isang text file na inilagay ng isang server ng web page sa iyong hard disk. Hindi magagamit ang mga cookies sa pagpapatakbo ng mga program o sa pagpapadala ng mga virus sa iyong computer. Natatanging nakatakda sa iyo ang mga cookies, at tanging ang web server lamang sa domain na nagbigay sa iyo ng cookie ang makakabasa nito.

Ang isa sa mga pangunahing layunin ng cookies ay magbigay ng kaginhawaan upang makatipid ka ng oras. Layunin ng cookie na sabihin sa web server na bumalik ka sa isang partikular na page. Halimbawa, kung nag-personalize ka ng mga page ng Site, o nag-register ka sa Site o mga serbisyo, tinutulungan ng cookie ang VITAS na kunin ulit ang iyong partikular na impormasyon sa mga susunod pagbisita. Pinapadali nito ang proseso ng pagtala ng iyong personal na impormasyon, tulad ng mga address kung saan ipapadala ang mga paniningil, mga address na pagpapadalhan ng koreo, at iba pa. Kapag bumalik ka sa Site, ang impormasyong dati mo ibinigay ay puwedeng makuha, para madali mong magamit ang anumang mga feature ng Site na na-customize mo.

May kakayahan kang tanggapin o tanggihan ang mga cookies. Mangyaring pagmasdan na ang iyong kakayahang tanggapin o tanggihan ang mga cookie ay hindi ilalapat sa ilang mga cookie na kinakailangan upang mapatakbo ang Site. Kusang tinatanggap ng karamihan ng mga web browser ang mga cookie, ngunit sa kalimitan ay maaari mong baguhin ang setting ng iyong browser upang tanggihan ang mga cookie kung ito ang iyong ninanais. Kung pinili mong tanggihan ang mga cookies, posibleng hindi mo ganap na maranasan ang mga interactive na feature ng Site.

Digital Advertising Alliance

Ang Vitas ay kalahok sa Digital Advertising Alliance (DAA) at sa mga programang nangangasiwa ng sarili at sumusunod sa mga Prinsipyo ng DAA para sa Pag-uuagali sa Online na Pagpapatalastas (DAA Principles for Online Behavioral Advertising). Mag-click dito upang malaman ang higit pa tugnkol sa DAA.

Proteksyon ng iyong Personal na Impormasyon

Nagsasagawa ang Vitas ng makatwirang mga pag-iingat na umaayon sa pamantayan ng industriya upang mapanatiling protektado ang Site, ang mga sistema nito, at ang aming mga serbisyo at upang mapigilan na makuha ang Personal na Impormasyon ng hindi awtorisadong mga tao o entidad. Kapag may Personal na Impormasyon (tulad ng pangalan, email at numero ng telepono) na ipinadala sa Vitas, ito ay protektado sa pamamagitan ng paggamit ng encryption, tulad ng Secure Socket Layer (SSL) na protocol. Kahit na nagtatag kami ng mga pamantayang ito, hindi kami makapagbibigay ng lubos na katiyakan na ang mga nilalaman ng mga mensahe at anumang kumpidensyal na impormasyong pinili mong ipadala sa amin ay magiging protektado.

Pagkapribado ng mga Bata

Ang Site na ito ay hindi nilalayon para sa mga batang mas mababa pa sa 13 taong gulang. Hindi namin kailanman o may kaalamang mangongolekta ng impormasyon mula sa mga bata at walang bahagi ng Site ay nilalayon na umakit ng sinumang mas mababa pa sa edad na 18. Kung sa iyong palagay ay posibleng nakakolekta kami ng impormasyon mula sa isang bata sa pamamagitan ng Site o sa paggamit ng aming mga serbisyo, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa webmaster@vitas.com upang kaagad naming mabura ang naturang impormasyon.

Mga Karapatan sa Pagkapribado ng California

Kung ikaw ay naninirahan sa California, ang Batas ng Pagkapribado ng Consumer sa California (California Consumer Privacy Act, o "CCPA") (na siyang binago ng Batas ng mga Karapatan sa Pagkapribado sa California (California Privacy Rights Act, o "CPRA")) ay nagbibigay sa iyo ng mga ilang karapatan sa pagkapribado ng data. Kabilang sa iyong mga karapatan ang:

  • Kakayahang makita, hilingin, at matanggap ang anumang Personal na Impormasyon na aming kinolekta sa nakaraang labindalawang (12) buwan sa isang nadadalang pamamaraan;  
  • Pagwawasto ng anumang maling Personal na Impormasyon tungkol sa iyo na pinananatili namin;
  • Ang karapatang hindi sumailalim ng diskriminasyon mula sa amin dahil isinakatuparan mo ang iyong mga karapatan sa ilalim ng CCPA;
  • Sabihan kami na limitahan namin ang aming paggamit ng iyong sensitibong Personal na Impormasyon doon sa mga tanging kinakailangan lamang upang maisagawa ang mga serbisyo;
  • Hilingin na burahin namin ang iyong Personal na Impormasyon (alinsunod sa ilang partikular na pagbubukod); at
  • Mag-opt out sa pagbebenta o pagbabahagi ng iyong personal na impormasyon.

Alinsunod sa California Civil Code Section 1798.83, ang mga user na naninirahan sa California ay maaaring humiling ng partikular na impormasyon tungkol sa pagbabahagi ng kanilang impormasyon sa mga ikatlong partido para sa mga layunin ng direct marketing sa nakalipas na taon. Kasama sa impormasyong may karapatan kang matanggap ay ang mga kategorya ng personal na impormasyong ibinunyag namin para sa mga layunin ng direct marketing sa nakalipas na taon ng kalendaryo at ang pangalan ng mga kumpanyang nakatanggap ng nasabing impormasyon. May karapatan kang makatanggap ng kopya ng impormasyon na ito sa isang pamantayan na format, at ang impormasyon ay hindi nagtutukoy sa iyo bilang isang indibidwal. Ang mga naninirahan sa California ay maaaring humiling ng pagsisiwalat na ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng kahilingan sa amin sa pamamagitan ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan na makikita sa ibaba o sa paggamit ng "Hilingin ang Iyong Data" (Request Your Data) na form na matatagpuan sa Site. Mangyaring magbigay ng sapat na impormasyon upang mabigyan kami ng kakayahang makilala ka sa aming mga talaan.

Ang "Isinag ang Liwanag" (Shine the Light) na batas ay nagbibigay ng kakayahan sa mga user ng aming mga serbisyong naninirahan sa California na humiling ng ilang impormason tungkol sa aming pagsisiwalat ng Personal na Impormasyon sa mga ikatlong partido para sa kanilang mga layunin ng direktang marketing. Upang makagawa ng naturang kahilingan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa Impormasyon ng Pakikipag-ugnayang ibinigay sa ibaba.

Upang gamitin ang alinman sa mga karapatang ito, mangyaring magsumite ng isang Maaaring Mapatunayang Kahilingan ng Consumer sa amin sa pamamagitan ng:

  • Pagtawag sa 1-833-908-0225;
  • Pagpapadala ng email sa consumer.privacy@vitas.com; o 
  • Paggamit ng "Hilingin ang Iyong Data" na form na matatagpuan sa aming website.

Tanging ikaw lamang o ang isang taong itinalagang kumilos para sa iyo ang maaaring magsagawa ng Maaaring Mapatunayang Kahilingan ng Consumer na kaugnay ng iyong Personal na Impormasyon. Maaari ka ring magsagawa ng isang Maaaring Mapatunayang​​​​​​​ Kahilingan ng Consumer sa ngalan ng iyong menor de edad. May karapatan kang humiling na makuha ang mga ito nang dalawang beses lamang sa anumang 12 buwang panahon, ngunit maaari kang mag-opt out sa pagbebenta ng iyong personal na impormasyon sa anumang panahon. Ang Maaaring Mapatunayang Kahilingan ng Consumer ay dapat na (1) nagbibigay ng sapat na impormayon upang aming makatwirang maberipika na ikaw ang tao na pinagkokolektahan namin ng Personal na Impormasyon o isang pinahihintulutang kinatawan, at (2) inilalarawan ang iyong kahilingan ng may sapat na detalye upang maayos namin itong maintindihan, mapag-aralan, at matugunan. Hindi namin masasagot ang iyong kahilingan o makakapagbigay sa iyo ng Personal na Impormasyon kung hindi namin mapatunyan ang iyong pagkakakilanlan o awtoridad na makagawa ng kahilingan at kumpirmahin na ang Personal na Impormasyon ay nauugnay sa iyo. Gagamitin lamang namin ang Personal na Impormasyong matatagpuan sa isang Maaaring Mapatunayang Kahilingan ng Consumer upang maberipika ang pagkakakilanlan ng humihiling o ang awtoridad na makagawa ng kahilingan.

Kukumpirmahin namin ang pagkatanggap ng isang Maaaring Mapatunayang Kahilingan ng Consumer sa loob ng sampung (10) araw. Sisikapin naming matugunan ang mga Maaaring Mapatunayang Kahilingan ng Consumer sa loob ng apatnapu't limang (45) araw ng aming pagkatanggap nito. Kung mangangailangan kami ng higit pang panahon (nang hanggang sa siyamnapung (90) araw), ipapaalam namin sa iyo ang dahilan kung bakit at ang panahon ng pagpapalugit sa nakasulat na pamamaraan. Ang anumang pagsisiwalat na aming ibinigay ay sasakupin lamang ang 12 buwang panahon bago natanggap ang Maaaring Mapatunayang Kahilingan ng Consumer. Ang sagot na aming ibibigay ay magpapaliwanag din ng mga dahilan kung bakit hindi namin masusunod ang isang naturang kahilingan, kung naaangkop.

Hindi kami maniningil ng bayad upang maproseso o tumugon sa isang Maaaring Mapatunayang Kahilingan ng Consumer, maliban na lamang kung ito ay sobra-sobra, paulit-ulit, o halata namang walang basehan. Kung napagpasiyahan namin na ang kahilingan ay mangangailangan ng bayad, sasabihin namin sa iyo kung paano namin narating ang desisyong iyon at magbibigay kami sa iyo ng tinatantiyang halaga bago kumpletohin ang iyong kahilingan.

Hindi namin tatanggihan ang iyong paggamit ng aming mga serbisyo o hindi ka namin bibigyan ng ibang antas ng kalidad o serbisyo dahil sa iyong paggamit ng alinman sa iyong mga karapatan sa CCPA.

Pagpapanatili ng Impormasyon

Pananatilihin ng Vitas ang iyong Personal na Impormasyon (kabilang ang Sensitibong Personal na Impormasyon, kung saan naaangkop) hangga't pinananatili mo ang iyong account sa amin o hangga't maaari upang makapagbigay ng mga serbisyo. Pagkatapos, pananatilihin namin ang iyong Personal no Impormasyon hangga't makatwirang kinakailangan: (i) upang matugunan ang anumang mga katanungan mula sa iyo; (ii) upang maipakita na patas ang pagtrato namin sa iyo; (iii) para sa ordinaryong pagpapatuloy ng pamamalakad ng negosyo; o (iv) upang masundan ang anumang naaangkop na batas. Buburahin ang Personal na Impormasyon sa loob ng makatwirang panahon pagkatapos na hindi na namin kailangan ang impormasyon para sa mga layuning itinakda sa Patakaran ng Pakabribadong ito.

Pagsisiwalat ng Do Not Track

May ilan sa mga browser ng internet na maaaring nagpapahayag ng "do-not-track" (huwag susubaybayan) na mga senyales sa mga website na nakikipag-ugnayan sa browser. Ang Site na ito ay kasalukuyang hindi tumutugon sa mga "do-not-track" na senyales na ito.

SPAM

Hindi nakikibahagi ang Vitas sa mga pang-maramihang pagpapadala ng mga nag-a-advertise na email na hindi ka sumang-ayon na tanggapin (iyon ay, "Spam").  Hindi namin ibinibenta o isinisiwalat ang mga listahan ng customer o ang mga listahan ng email address sa mga hindi kaugnay na ikatlong partido. Maliban na lamang kung sinasabi dito, hindi namin ipinamamahagi ang Personal na Impormasyon sa anumang mga ikatlong partidong nag-a-advertise.

Mga Link sa Ikatlong Partido

Ang Site at ang aming mga serbisyo ay maaaring may nilalamang mga link na pumupunta sa iba pang mga website o app ("Mga Linked Site") na hindi pag-aari ng Vitas. Wala kaming kontrol sa pagkolekta o paggamit ng anumang impormasyon, kabilang ang Personal na Impormasyon, na nagaganap habang binibisita mo ang mga Linked Site. Samakatuwid, hindi kami gumagawa ng anumang representasyon o garantiya para sa -at hindi sa anumang paraan ay mananagutan para sa-anumang nilalaman, mga produkto, serbisyo, software, o iba pang mga materyales na matatagpuan sa mga Linked Site, kahit na ang isa o mahigit pang mga page ng Linked Site ay nakalarawan sa page ng Site. 

Bilang karagdagan pa, hindi kami gumagawa ng anumang representasyon o garantiya tungkol sa mga patakaran ng pagkapribado o mga pagsasagawa ng mga Linked Site, at ang Vitas ay walang pananagutan para sa mga pagsasagawang kaugnay sa pagkapribado ng mga Linked Site na iyon. Hinihikayat ka namin na mapansin kapag umalis ka sa Site at basahin ang mga patakaran ng pagkapribado ng mga Linked Site.

Mga Pagbabago sa Patakaran sa Privacy na ito

Paminsan-minsan ay babaguhin ng Vitas ang Patakaran sa Pagkapribado na ito upang mailarawan ang mga pagpuna ng kumpanya at customer. Hinihikayat ka ng Vitas na regular na pag-aralan ang Patakaran ng Pagkapribado na ito upang malaman kung paano ginagamit ng Vitas ang iyong impormasyon.

Impormasyon Para Makipag-ugnayan

Malugod na tinatangap ng Vitas ang iyong mga nasasaisip tungkol sa Patakaran ng Pagkapribado na ito. Kung naniniwala kang hindi sinunod ng Vitas ang Patakaran ng Pagkapribado na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa VITAS Healthcare o sa pamamagitan ng koreo sa: Corporate Marketing, VITAS Healthcare, 201 S. Biscayne Blvd, Ste. 400, Miami, FL 33131. Gagamit kami ng mga komersyal na makatuwirang pagsisikap para matukoy at malutas kaagad ang problema.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.