Medicare Hospice Benefit at Bayad sa doktor

Sakop ng Medicare Part A ang mga gastos ng pasyente ng hospice at pinangangasiwaan kung papaano maniningil ang mga doktor para sa kanilang mga serbisyo.

Para sa karamihan ng mga eligible na pasyente, nagbabayad ang Medicare para sa hospice ng 100 porsyento, kabilang ang mga pagbisita ng nurse, doctor at iba pang mga propesyonal na nangangalaga ng kalusugan, at pati na rin therapy, gamot at kagamitan-bagama't mayroong mga ilang prescription drugs at karagdagang mga serbisyo tulad ng respite care ng inpatient na maaaring mangailangan ng maliit na bayad mula sa sariling bulsa.

Sa karamihan ng mga states, nagbibigay din ang Medicaid (Medi-Cal sa California) ng sakop sa hospice at palliative care, habang ang karagdagang mga insurance plan, tulad ng mga tradisyonal na mga HMO, ay maaaring suplementohan ang mga gastos sa pangangalaga ng kalusugan na walang kaugnayan sa diagnosis na terminal ng pasyente.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.