Gaano Katagal ang Hospice Care?
Ang Hospice Care ay nagbibigay ng pinahusay na mga benepisyo sa pagtatapos ng buhay, ngunit ang karamihan sa mga pamilya ay pumipili ng hospice kapag ang kanilang mahal sa buhay ay mga araw o oras na lamang ang natitira sa buhay.
Kinukumpirma ng mga pag-aaral at survey ang napakalaking pisikal, emosyonal, espirituwal at pinansyal na mga benepisyo ng hospice care. Gayunpaman, ang median na habambuhay na haba ng serbisyo (MLOS) para sa hospice ay 17 (na) araw lang. Ang average na habambuhay na haba ng pananatili (LOS) para sa mga namatay na may Medicare na naka-enroll sa hospice sa 2021 ay 92.1 (na) araw.1
Gaano Katagal Maaaring Nasa Hospice ang Isang Tao?
Ayon sa kahulugan, nilalayon ng hospice na tulungan ang mga pasyente at pamilya kapag ang isang pasyente ay may prognosis na 6 (na) buwan o mas mababa kung ang sakit ay tumatakbo sa normal nitong kurso. Sumasang-ayon ang mga eksperto at nagsasaliksik ng mga dokumento na ang hospice care ay pinakakapaki-pakinabang kapag pinili ng mga pasyente na tumanggap ng hospice care sa loob ng ilang buwan, sa halip na ilang linggo o araw lamang. Sa katunayan, isang pag-aaral ang inilathala sa Journal of Pain and Symptom Management ang nagpakita na ang mga mga pasyente sa hospice ay nabubuhay ng may average na 29 araw na mas mahaba kaysa sa mga hindi pumili ng hospice2.
Bagama't puwedeng positibong maapektuhan ng hospice ang isang pasyenteng nasa krisis upang matulungan silang makamit ang mga layunin nila, mas marami itong magagawa kung matatanggap ito sa mas mahabang panahon. Kung may mas maraming oras ang hospice team para suportahan ang pasyente at pamilya, mas maganda ang quality of life ng pasyente at mas maganda ang mga alaala para sa mga mahal sa buhay kasunod ng pagkawala kabilang ang mas mababang panganib ng kumplikadong pangungulila sa pagpanaw ng tao at paglikha ng legacy.
May oras para kontrolin ang mga pisikal na sintomas at mayroon ding oras para suriin, iproseso, at pamahalaan ang sikolohikal at emosyonal na sakit.
Ang mga pasyente ay madalas na natututo na tanggapin ang mahalagang yugto ng buhay, nakikipag-ugnayan, nakikipag-ayos ng mga relasyon, muling tumutuklas ng mga simpleng kasiyahan at gumagawa ng kapayapaan. Ang hospice ay tumutulong na mabuhay ang pasyente bawat araw.
Ano ang Mangyayari kung ang isang Pasyente ay Nabuhay nang Higit sa Anim na Buwan sa Hospice?
Ang hospice ay hindi nagpapahaba ng buhay o nagpapabilis ng kamatayan. Sa halip, ginagawa nitong pinakamaayos ang quality of life ng pasyente sa kanilang mga huling buwan, linggo at araw. Walang mga pag-aaral ang nagpapakita na ang hospice ay nagpapabilis ng kamatayan, ngunit ang mga pag-aaral ay nagpapahiwatig na ang ilang pasyente ay nabubuhay nang mas matagal kapag tumatanggap ng hospice services.
Kung ang isang pasyente ay nabubuhay nang mas mahaba kaysa sa anim na buwan sa hospice, kakailanganing idokumento at patunayan ng isang doctor kasabay ng input mula sa interdisciplinary team na ang prognosis ay nananatiling anim na buwan o mas mababa.
Ano ang Mangyayari Kung Mas Bumuti ang Kalagayan ng Isang Pasyente sa Hospice?
Posible, bagaman hindi karaniwan, na bumuti ang kalagayan ng pasyente habang nasa hospice care. Ang isang klinikal na pagbuti ay hahantong sa pagsusuri ng interdisciplinary team at doctor ng hospice kung ang prognosis ng pasyente ay nananatiling anim na buwan o mas mababa pa kung ang sakit ay tumatakbo sa normal na kurso nito. Kung ang doctor ng hospice sa pakikipagtulungan sa team ay nagpasiya na ang pasyente ay wala nang pagkakasakit na walang lunas, ang pasyente ay dapat na mapalabas mula sa kanilang pangangalaga para sa pinalawig na prognosis.
Sa 2021, 17.2% ng lahat ng mga pinalabas sa Medicare hospice ay live discharge na may 6.3% na para sa pinalawig na prognosis.1 Puwedeng kabilang sa iba pang mga dahilan para sa live discharge ang pasyente na binabawi ang benepisyo sa hospice, lumilipat sa iba pang lugar o hospice provider, o ang kawalan ng kakayahan ng hospice na ibigay ang mga tungkulin nito sa pasyente batay sa patakaran ng hospice.
Ang isang pasyente na pinalabas o na-discharge para sa pinalawig na prognosis ay puwedeng muling suriin kapag ang kanilang kalagayan ay humina sa pagpapatuloy ng hospice care kung ang doctor ay nagpasiya na ang prognosis ng pasyente ay muling 6 (na) buwan o mas mababa kung ang sakit ay tumatakbo sa normal na kurso nito.
Kailan ang Tamang Panahon para sa Hospice?
Kung ang isang pasyente ay may malubhang karamdaman, at itinuring ng kanilang doctor na sila ay kwalipikado sa hospice, mas maaga ay mas mabuti para sa hospice care. Maaaring matanggap ng pasyente ang buong hospice services na karapat-dapat sa kanila, kabilang ang pangangasiwa ng sintomas at sakit, at psychosocial care mula sa isang team ng mga eksperto. Ang hospice services ay tumutulong din sa pagsuporta sa mga tagapag-alaga sa tulong ng isang hospice aide, social worker, espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao, kapilyan (chaplain), at mga boluntaryo bilang karagdagan sa klinikal na pangangalaga.
Karaniwan, natutukoy ng isang doctor na ang isang pasyente ay kwalipikado sa hospice batay sa isang terminal na prognosis na anim na buwan o mas maigsi pa, na may humihinang katayuan sa paggana sa pang-araw-araw na pamumuhay. Maaaring kabilang din sa mga alituntunin ang 10% o higit pang pagbaba ng timbang sa nakalipas na 4-6 (na) buwan, dalawa o higit pang pagkakaospital o pagka-confine sa ospital o pagbisita sa ED, pagbaba sa pisikal na aktibidad at/o kakayahang mag-isip , at/o iba pang comorbid condition | pagkakaroon ng higit pa sa isang malubhang sakit. Ang Palliative Performance Scale (PPS) ay isang tool na magagamit ng doctor upang masuri ang katayuan ng paggana.
Ano ang Kalarawan ng End-of-Life- sa Hospice Care?
Ang hospice care ay nakatuon sa comfort at dignidad ng pasyente. Kapag ang isang pasyente ay nasa yugto ng nalalapit na kamatayan, kasama sa mga tipikal na sintomas ang hindi pagtugon at malaking pagbaba sa presyon ng dugo. Sa huling dalawang araw o mas maikling panahon bago ang kamatayan, ang mga klinikal na palatandaan ay kinabibilangan ng:
- Pag-aagaw buhay
- Apnea
- Mga pagbabago sa mga pattern ng paghinga
- Nabawasan o mas kakaunti ang dami ng ihi
- Kawalan ng pulso ng radial artery
- Hindi kayang isara ang mga talukap ng mata
- Pag-ungol ng vocal cords
- Lagnat
Para sa higit pang klinikal na palatandaan ayon sa yugto, bisitahin ang aming End-of-Life timeline blog. Para malaman kung ano ang gagawin kapag tumigil nang kumain o uminom ang pasyente sa hospice, i-click dito.
Nagbibigay ang Hospice ng Mataas na Kalidad na End-of-Life Care
Ang hospice ay hindi tungkol sa pagsuko. Kapag ang mga opsyon sa paggamot para sa isang sakit ay naubos na o hindi na gumagana, ang hospice ay nagbibigay ng paraan upang mamuhay sa comfort at kapayapaan nang walang medical care. Pinapabuti ng hospice services ang kalidad ng buhay ng pasyente sa pamamagitan ng pamamahala sa pananakit at mga sintomas, na nagbibigay-daan sa kanila na manatili sa comfort ng kanilang bahay, habang napapalibutan ng pamilya.
Maraming miyembro ng pamilya ang nagsasabi sa amin: "Sana nalaman namin nang mas maaga ang tungkol sa hospice."
1NHPCO Facts and Figures: Hospice Care in America. Alexandria, VA: National Hospice and Palliative Care Organization, Binagong Edisyon Disyembre 2023.
2Original Number: 0Connor, Stephen R., et. al. Comparing hospice and nonhospice patient survival among patients who die within a three-year window. Journal of Pain and Symptom Management. 33(3):238-46.