Kailan ang Oras para sa Hospice?
"Sana ay pinili ko ang hospice care nang mas maaga" ay isang karaniwang damdaming ipinapahayag ng mga pasyente sa hospisyo, kanilang mga pamilya, mga tagapag-alaga at maging ng mga doctor at nurse practitioner na nagsasangguni ng mga pasyente sa VITAS. Kung tinatanong mo ang sarili mo kung tama na ang panahong ito para piliin ang hospice care, malamang na ang sagot ay oo.
Napag-alaman ng isang pag-aaral na yaong mga nakatanggap ng espesyal na hospice care nang maaga sa proseso ng sakit na nagdudulot ng maagang pagkamatay ay kadalasang bumubuti nang pansamantala, nararanasan ang mga benepisyo ng pain relief, pangangasiwa ng sintomas at comfort care para maibsan ang pagkabalisa, depresyon at pagkapagod.
Isinasaalang-alang ang Hospice Care? I-download ang aming Libreng Hospice Discussion Guide Para sa Mga Pamilya.
Kapag ang isang tao ay may pagkakasakit na walang lunas, ang mga miyembro ng pamilya at mga mahal sa buhay ay kailangang makipag-usap sa bawat isa upang makagawa ng pinakamahusay na mga desisyon sa end-of-life care.
Upang matulungan kang simulan ang pag-uusap na iyon, ginawa namin ang gabay na ito, na puno ng mga katanungan, mga paksa ng pag-uusap at mga isyu na makatutulong sa iyong pamilya na malaman kung ano ang aasahan.
I-download ang Guide (PDF)