Mga Kahulugan ng Hospice at Palliative Care

Ang pagkakaroon pang-unawa sa mga pakahulugan sa hospice at palliative care ay isang paraan upang maunawaan kung paano makakatulong ang VITAS sa iyo o sa iyong mahal sa buhay. Ang glossary na ito ay makakatulong na maipaliwanag ang ilan sa mga karaniwang termino at kahulugan na ginamit sa pangangalaga ng hospice at palliative.

Advance na care planning- paggawa ng mga plano tungkol sa pangangalaga na nais mo kung hindi ka na makapagsasalita para sa iyong sarili, habang maayos pa ang kalusugan mo na isaalang-alang ang mga pagpipilian, pumili at talakayin sa iyong pamilya; ang paggawa ng isang Living will at pagpapangalan ng isang kahalili sa pangangalaga sa kalusugan ay bahagi ng advance na care planning

Advance na directive-isang dokumento na naglalarawan sa pangangalagang pangkalusugan na nais at hindi mo nais kung ikaw ay may malubhang sakit at hindi makapagsalita para sa iyong sarili

Ang pagluluksa bago ang kamatayan -pagdadalamhati bago mamatay ang taong minamahal, karaniwan kapag ang pasyente ay may sakit na walang lunas

Pangungulila sa pagpanaw ng tao -pangungulila pagkamatay ng isang mahal sa buhay

Care transition-isang pagbabago sa pangangalaga ng pasyente, halimbawa, mula sa ospital naging sa bahay, o mula sa isang grupo ng mga doktor naging sa iba na, o mula sa medical care naging sa hospice care. Ang mga paglipat ay mahirap para sa pasyente at nangangailangan ng pagpaplano, komunikasyon at maingat na pagsubaybay

Caregiver burnout o sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga -depresyon, pagkapagod, galit, atbp. na nagmumula sa pakiramdam na nag-iisa at hindi suportado habang nagmamalasakit ka sa isang mahal sa buhay

Case Management o Pangangasiwa ng sitwasyon-ang propesyonal na koordinasyon ng mga serbisyo upang makinabang ang isang kliyente; sa mga pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan, ang mga tagapangasiwa ng sitwasyon (o mga nag-aasikaso ng sitwasyon) ay nag-uugnay ng mga serbisyo para sa mga pasyente na lumilipat mula sa ospital patungo sa iba pang mga setting ng pangangalaga

Chaplain o -isang pari o isang karaniwang taong nagtatrabaho sa isang sekular na samahan: isang kolehiyo, sangay ng militar, bilangguan, hospice o ospital, pulisya o departamento ng sunog, atbp. Ang chaplain ay nagmiministro sa tao anuman ang paniniwala sa relihiyon, at ng walang pinaniniwalaang relihiyon

Continuous care o Continuous na paggagamot-isa sa apat na level ng pangangalaga na ipinag-uutos ng Medicare Hospice Benefit; hanggang sa 24 na oras/araw ng pangangalagang klinikal sa bahay hanggang sa mapigilan ang mga sintomas

Culturally competent care-ang kakayahang maiangkop ang pangangalagang pangkalusugan upang matugunan ang magkakaibang pinahahalagahan, paniniwala, at mga pangangailangan sa lipunan, kultura at wika ng pasyente

Curative care o Medical care-mga paggagamot na may layuning magpagaling

Diagnosis-pag-aalam ng sakit o kalagayan na nagpapaliwanag sa mga sintomas ng isang tao

Pagkakaiba ng pangangalagang hospice at palliative -ang palliative care ay ang mas malaking payong: lahat ng pangangalaga ay may layunin na bigyan ng kaginhawahan ang pasyente, hindi pagalingin ang sakit. Ang hospice care ay isang kategorya sa ilalim ng comfort care na nakalaan para sa mga pasyenteng wala ng lunas ang sakit at ayaw nang magpagamot 

DNR-isang Do Not Resuscitate (DNR) na utos na isinulat ng isang doktor sa kahilingan ng isang pasyenteng wala ng lunas ang sakit at inilagay sa mga talaan ng pasyente. Inuutos nito sa mga kawani ng medikal na huwag subukang ibalik ang buhay ng pasyente kung hihinto ang kanilang paghinga o tibok ng puso

Dysphagia-hirap sa paglunok

Dyspnea-hirap sa paghinga

Edema o pamamanas-labis na likido sa mga bitak ng katawan o sa ilalim ng balat. Nagdudulot ito ng pamamaga at sobrang sakit

Election of hospice o Pagpili ng hospice-pinipiling ma-admit sa hospice at lagdaan ang kinakailangang papeles

End-of-life care o Pangangalaga sa taong malapit ng pumanaw-tingnan ang hospice care

Family caregiver o tagapag-alaga sa Pamilya-sinumang nagbibigay ng pisikal at/o emosyonal na pangangalaga sa isang may sakit o may kapansanang mahal sa buhay sa bahay

Apat na level ng pangangalaga-inuutos ng Medicare Hospice Benefit na ialok ng hospice ang apat na level ng pangangalaga upang maging kwalipikado para sa pagsasauli ng Medicare sa naibayad na. Ang mga level na iyon ay: pang-araw-araw na pag-aalaga sa bahay, continuous na paggagamot, pangangalaga sa inpatient at respite care

Pasilidad para sa hospice-tingnan ang hospice house

GIP-general na inpatient (GIP) na care, isa sa apat na level ng pangangalaga na ipinag-uutos ng Medicare Hospice Benefit; kung ang mga sintomas ay labis na malubhang mapangasiwaan sa bahay, ang pasyente ng hospisyo ay inaalagaan sa isang kama na general inpatient (GIP) sa isang pasilidad ng pangangalaga sa kalusugan hanggang sa mapigil ang mga sintomas

Grief o pangungulila-sobrang kalungkutan na naranasan matapos ang pagkamatay ng isang taong mahal mo

Holistic services o mga pangkabuuang serbisyo-mga espesyal na paggamot (music therapy, masahe, mga pagbisita sa alagang hayop, reiki, acupuncture) na tumutugon sa kabuuan ng pasyente, hindi lamang sa sakit

Home hospice care-tingnan ang routine Home Care

Home medical equipment -mga supply at kagamitan (kama sa ospital, wheelchair, lift equipment ng pasyente, oxygen at mga sistema ng paghahatid nito, upuang arinola) na sumusuporta sa mga natatanging pangangailangan ng isang pasyente sa bahay

Homelike setting- isang setting ng pangangalaga sa kalusugan, tulad ng sa isang ospital o Nursing home, na nagbibigay diin sa sining sa mga dingding, makukulay na comforter ng kama at kurtina sa mga bintana, halimbawa, sa halip na mga kagamitang pangklinikal, sa pagkilos at kalinisan ng isang tipikal na silid ng ospital

Hospice-isang organisasyon ng pangangalagang pangkalusugan na ang mga pasyente ay may sakit na wala ng lunas, at nakatuon sa kaginhawahan at kalidad ng buhay kaysa sa pagalingin ang sakit na wala ng lunas

Hospice aide-isang sertipikadong katulong na nurse na nagbibigay ng personal o "custodial" na pangangalaga (tulong sa pagpapakain, pagligo, pagbibihis, pagkilos, paggamit ng banyo) kapag malapit na ang katapusan ng buhay

Hospice care team-Propesyonal na tagapag-alaga (RN, doktor, social worker, kapilyan, hospice aide, espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao at nagboboluntaryo) na nagtutulungan upang alagaan ang pasyente kapag malapit na ang katapusan ng buhay. Tingnan ang IDT

Hospice care-comfort care(kabaligtaran ng curative o medical care) na pinangangasiwaan ang sakit at sintomas upang ang isang may karamdamang walang lunas ay maaaring mabuhay ng lubusan bawat araw.

Hospice eligibility o pagiging karapat-dapat sa hospice -mga panuntunan na tumutukoy kung ang isang pasyente ay kwalipikado para sa benepisyo ng Medicare Hospice Benefit; dapat patunayan ng dalawang doktor na ang pasyente ay may mas maikli na lang sa anim na buwan na mabuhay kung ang sakit ay papunta sa karaniwang nangyayari

Hospice house-isang gusali, karaniwang freestanding, na itinalaga para sa pangangalaga ng mga pasyenteng malapit na sa katapusan ng buhay at ng kanilang mga pamilya. Tingnan ang inpatient yunit

Mga Hospice volunteer-mga miyembro ng pamayanan na nagbibigay ng kanilang oras at lakas upang maisagawa ang mga gawain para sa isang hospice, mula sa pagbisita sa isang pasyente hanggang sa paggawa ng trabahong clerical sa opisina. Ipinag-uutos ng Medicare na 5 porsyento ng pangangalaga ng pasyente ay dapat gawin ng isang lokal na boluntaryo; ang mga hospice na kumpanya ay nagre-recruit ng mga boluntaryo at nagbibigay ng libreng pagsasanay

IDT-tingnan ang interdisciplinary team

Inpatient care-isa sa apat na level ng pangangalaga na iniutos ng Medicare Hospice Benefit; 24 oras na pangangalaga na ibinibigay sa isang pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan kapag ang mga sintomas ng pasyente ay hindi mapangasiwaan sa bahay. Ang layunin ay upang patatagin ang pasyente upang makabalik sila sa pang-araw-araw na pag-aalaga sa bahay

Inpatient unit-isang lugar sa pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan, madalas na isang palapag o wing, na eksklusibong inilaan sa pangangalaga ng mga pasyenteng malapit na ang katapusan ng buhay at sa kanilang mga pamilya. Tingnan ang hospice house

Interdisciplinary team-isang grupo ng mga propesyonal na tagapag-alaga na may iba't ibang mga pinagdalubhasaan (panlipunang gawain, espirituwalidad, medikal, personal) na nagtutulungan upang alagaan ang pasyente

LGBTQ-acronym para sa mga lesbian (tomboy), gay (bakla), bi-sexual, transsexual o queer/pagtatanong

Living will o testamento habang nabubuhay pa -isang dokumento na tumutukoy kung anong uri ng medikal na paggamot ang nais mo kung mayroon kang isang karamdamang walang lunas. Ito ay tinatawag na "living" will dahil ito ay nagbibigay ng tagubilin kung ano ang mangyayari sa iyo habang ikaw ay buhay

Medicare Hospice Benefit -mula 1982, ang Medicare ay nagbibigay ng libreng serbisyong medikal at psycho-social sa sinumang may utos ang doktor na nagsasabi na mayroon na lamang silang anim na buwan o mas maikli pa na mabuhay kung ang kanilang sakit ay papunta sa inaasahang manyayari

Palliative care-pangangalagang ginagawang hindi gaanong malubha o hindi kasiya-siya ang isang sakit o mga sintomas nito nang hindi inaalis ang sanhi;comfort care

POC -plan of care; isang dokumento na ginawa ng iyong grupo ng hospice na naglilista ng mga serbisyong kailangan mo, ang miyembro ng grupo na magbibigay ng serbisyo, gaano kadalas at kung anong mga resulta ang inaasahan

Power of attorney (POA) para sa pangangalagang pangkalusugan-isang dokumentong nagpapakilala kung sino ang gagawa ng mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan mo kung hindi mo na magawang magsalita para sa iyong sarili dahil sa sakit, pinsala o panghihina

Primary care physician- (PCP) ang personal na doktor na nag-aalaga sa iyo at inire-refer ka sa mga espesyalista kung kinakailangan

PRN-ang utos na uminom ng gamot kung kinakailangan

Prognosis-ang posibleng papuntahan ng isang sakit o karamdaman

Recertification-isang dokumento na nagsasaad na ang pasyente na tumatanggap ng hospice services ay patuloy na karapat-dapat sa lampas pa na oras na inilaan noong huling sertipikasyon

Referral-mungkahi na ang isang pasyente ay maaaring maging karapat-dapat sa hospice, na karaniwang ginagawa ng isang healthcare professional. Maaari itong magsimula sa isang pagsusuri at talakayan na nagtatapos sa pagpasok sa hospice.

Respite care-isa sa apat na level ng pangangalaga na ipinag-uutos ng Medicare Hospice Benefit; pag-aalaga sa bahay sa isang pasyente ng hospice sa isang pasilidad ng inpatient upang magbigay ng hanggang limang araw na pahinga sa tagapag-alaga ng pamilya

Routine Home Care-isa sa apat na level ng pangangalaga na ipinag-uutos ng Medicare Hospice Benefit; pangunahing hospice services na dinadala sa pasyente saan man sila nakatira

Terminally ill-pagkakaroon ng isang sakit o karamdaman na hindi mapagaling, at inaasahan na magreresulta ito sa kamatayan sa maikling panahon

Veterans benefits -benepisyo o pagbabayad sa mga beterano ng militar sa pamamagitan ng gobyerno ng US

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.