Mga Bagay na Madalas Itanong (FAQs) tungkol sa Hospice Services
Ang aming mga serbisyo sa hospice care ay para sa mga bata at mga pasyenteng may sapat na gulang na may mga life-limiting illnesses. Nasa ibaba ang ilan sa mga pinakakaraniwang katanungan na tinatanong sa amin tungkol sa aming mga Hospice Services.
- Ano ang hospice? Ang hospice ay isang paraan upang mapangalagaan ang mga taong may sakit na walang lunas sa pamamagitan ng pagtuon sa pain relief at pangangasiwa ng sintomas.
- Ano ang ibig sabihin kapag oras na upang tawagan ang hospice? Ang pagtawag sa hospice ay nangangahulugang pagpapasya na ang pasyente at pamilya ay hindi na nais ituloy ang medical care.
- Ano ang unang hakbang upang makapagsimula sa Hospice Care? Kahit sino ay maaaring humiling ng pagsusuri sa hospice nang walang gastos. Minsan ang doktor ang gumagawa ng referral o nagbibigay ng maraming pagpipilian at hinahayaan ang pasyente/pamilya ang magpasya.
- Sino ang nasa pangkat ng hospice? Sino ang may pananagutan sa pangangalaga? Ang mga pasyente sa hospice ay tumatanggap ng mga serbisyo mula sa isang pangkat na "interdisciplinary", nangangahulugang ang mga miyembro nito ay nagmula sa iba't ibang disiplina o larangan.
- Saan tumatanggap ng hospice services ang mga pasyente? Ang Hospice Services ay karaniwang dinadala sa lugar na kung tawagin ng pasyente ay bahay.
- Ano ang mga level ng pangangalaga ng hospice? Ang mga level ng pangangalaga ay mga partikular na uri ng Hospice Care upang matugunan ang iba't ibang mga pangangailangan ng mga pasyente at pamilya.
- Kung ang hospice ay para sa namamatay, ang pagpili ba ng isang hospice ay nangangahulugang isinusuko ko na ang aking mahal sa buhay? Hindi. Kapag ang mga pagpipilian sa paggamot para sa isang sakit ay naubos o hindi na gumagana, ang hospice ay nagbibigay ng paraan para mabuhay ang mga tao sa kaginhawahan, kapayapaan at dangal nang walang medical care.
- Kailan ang oras para sa hospice? Maaaring magsimula ang mga hospice service kapag natukoy ng doktor na ang life expectancy ng pasyente ay anim na buwan o kulang pa.
- Ano ang pagkakaiba ng diagnosis at Prognosis? Ang isang diagnosis ay kapag ang sanhi ng sakit ay nalaman (hal., ang karaniwang sipon, pulmonya, kanser sa baga, atbp.). Ang isang prognosis ay isang hula tungkol sa kung paano susulong ang sakit.
- Mayroon bang mga palatandaan na ang isang pasyente ay maaaring maging handa na para sa Hospice Services? Kapag ang bigat ng paggamot ay higit sa mga benepisyo at/o ang pasyente ay nagkaroon ng maraming beses na pagpunta o pagka-confine sa ospital sa nakaraang ilang buwan, maaaring handa na siya sa hospice.
- Ano ang mga kwalipikasyon para sa hospice care? Ang pasyente ay karapat-dapat na makatanggap ng mga hospice services kapag ang kanilang karamdaman ay wala nang lunas, nangangahulugang napagpasyahan na ng doktor na maaari silang mamatay sa loob ng anim na buwan kung ang sakit ay magpapatuloy tulad ng inaasahan.
- Gaano kadalas ang pagbisita ng nurse o doktor ng hospice? Ang nurse ng hospice ay gumagawa ng isang plano ng pangangalaga na may mga pagmumungkahi ng pasyente at pamilya, na idinisenyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng pasyente.
- Maaari pa bang maging doktor ko ang aking doktor kung magpunta ako sa hospice? Oo.
- Maaari bang magdesisyon ang aking pamilya tungkol sa pangangalaga ng aming ina kung nasa hospice siya? Oo.
- Paano kung ang pasyente ng hospice ay may mga espesyal na pangangailangan? May kanya-kanyang plano ng pangangalaga ang bawat pasyente ng hospice upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa sa kanila.
- Paano kung ang miyembro ng pamilya ay nangangailangan ng mga espesyal na kagamitan? Maaaring ibigay ng hospice ang kinakailangang kagamitan para sa plano ng pangangalaga ng pasyente.
- Sino ang makikipag-usap sa akin tungkol sa aking mahal sa buhay sa sandaling mayroon na kaming hospice? Sino ang mag-u-update sa amin? Palagi kang i-u-update sa kalagayan ng iyong minamahal.
- Kung mayroon akong home health, bakit kailangan ko ng hospice care? Ang hospice ay nag-aalok ng maraming mga serbisyo, ang home health care ay hindi, tulad ng mga reseta, kagamitang medikal at mga pagbisita mula sa tauhan ng pangangalaga sa kalusugan ng interdisiplinary.
- Nasa isang nursing home na ang aking ina. Bakit kailangan niya ng mga hospice services doon? Ang hospice ay maaaring magbigay ng karagdagang suporta.
- Bakit ko ilalagay ang aking anak sa hospice? Hindi ba ang hospice ay para sa matatanda? Ang hospice ay para sa sinumang may sakit na wala ng lunas.
- Aalagaan ba ng hospice ang aking ama 24/7? Kailangan ko pa ba siyang alagaan? Oo, lagi kang magiging pangunahing tagapag-alaga niya.
- Ano ang end-of-life care? Ang pangangalaga na malapit na sa end of life ay nakatuon sa kaginhawahan sa halip na sa paggamot.
- Ano ang "comfort care?" Ang comfort care ay nakatuon sa kaginhawahan at kaluwagan mula sa mga sintomas kumpara sa paggamot o pagpapagaling ng sakit
- Ano ang palliative care? Ang palliative care ay suportang pangangalaga na nagbibigay ng kaluwagan mula sa mga sintomas, pisikal na pagkapagod at mental na pagkapagod ng isang malubha o sakit na nagdudulot ng maagang pagkamatay sa anumang yugto ng sakit.
- Ano ang respite care? Ang respite care ay nagbibigay ng pahinga, o "pamamahinga," ng mga miyembro ng pamilya at tagapangalaga na nagmamalasakit sa isang mahal sa buhay na tumatanggap ng hospice services.
- Maaari ka bang pumunta upang makipag-usap sa aking kapatid na babae tungkol sa hospice ngunit huwag babanggitin ang cancer, kamatayan o namamatay? Hindi niya alam. Ang mga propesyonal sa hospice ay espesyal na sinanay upang talakayin ang mga sensitibong bagay sa mga pasyente at kanilang mga mahal sa buhay.
- Paano kung ang kalusugan ng isang pasyente ay napapabuti habang nasa hospice care? Dapat nang palabasin ng hospice ang pasyenteng hindi na itinuturing na terminal ang sakit o kalagayan.
- Ano ang advance na directive? Ang isang advance na directive ay isang ligal na dokumento na nagbibigay-daan sa iyo na idirekta nang maaga ang pangangalaga na iyong matatanggap sa hinaharap.
- Ano ang mangyayari pagkamatay ng aking mahal sa buhay? Sasagutin ng isang miyembro ng iyong pangkat ng hospice ang mga katanungan at tutulong na mag-ayos.
- Paano naman ang pangungulila at iba pang emosyon? Tinutugunan ba ng hospice ang mga iyon? Ang mga hospice ay may mga espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng mahal sa buhay upang matugunan ang lahat ng aspeto ng pangungulila.