Isang Araw sa Buhay ng Isang Doktor sa Hospice

Dr. Kanner, doktor ng VITAS hospiceGinugol ni Steven P. Kanner, MD, ang 38 taon bilang isang oncologist, tumutulong sa kanyang mga pasyente na labanan ang mga nakamamatay na cancer; ngayon tinutulungan niya ang mga pasyente ng cancer at iba pang may life-limiting illness na harapin ang nalalapit na kamatayan. Bilang isang doktor ng hospice sa VITAS Healthcare, hindi trabaho ni Dr. Kanner na gamutin ang kanyang mga pasyente kundi upang siguruhin na ginugugol nila ang kanilang mga huling araw, buwan o taon nang maginhawa.

Pagtawa: Ang Pinakamahusay na Gamot

Upang makilala si Dr. Kanner ay ang tumawa na kasama siya. Lagi siyang may nakahandang biro o isang panunuksong puna. Kapag pumasok si Dr. Kanner sa bahay ng isang pasyente, kasama niya ang ngiti na hindi nawawala at ningning sa kanyang mga mata. Napapanatag ang mga pasyente at miyembro ng pamilya sa kanyang asal na palakaibigan. At hindi mahirap makita na nasisiyahan ang mga nurse, aide, social worker, chaplain at iba pa sa kanyang team sa masayang panunukso na kanyang hinihikayat.

Ngunit kapag sinisiguro niya na kumportable ang kanyang mga pasyente at na nakukuha ng kanilang mga tagapag-alaga ang suportang kanilang kailangan, siya ay seryoso.

Nakakaangkop ang mga doktor ng hospice upang gugulin nang mas marami ang oras sa bawat pasyente na kailangan nila.

"Nagagawa kong tingnan ang aking mga pasyente sa kanilang bahay, na siyang mas gusto ko," sabi niya. "Nagagawa kong makita sila sa kanilang sariling kapaligiran-sa bahay, sa kama, kasama ang kanilang pamilya. Kumbinsido ako na walang magandang dahilan para ilagay ang isang taong may malubhang karamdaman sa kapaligiran ng ospital kung hindi nila kailangan. Palaging mas mainam para sa mga pasyenteng ito na maging nasa bahay."

Pakikipagtulungan sa mga Tagapag-alaga

Karaniwang may 60 pasyente si Dr. Kanner sa ilalim ng kanyang pag-aalaga. Binibisita niya nang buwanan ang mga pasyente maliban kung sila ay nasa continuous na paggagamot, na kung saan tinitingnan niya sila nang mas madalas. Sa isang tipikal na araw, binibisita ni Dr. Kanner ang pito hanggang sampung pasyente.

Sa araw na ito, ang kanyang unang pagbisita ay sa 86 taong gulang na si Diane (binago ang mga pangalan ng mga pasyente para sa pagkapribado), na may malubhang COPD. Matapos hugasan ang kanyang mga kamay, pumunta siya sa tabi ng kama at binati si Diane, na natutulog. Naka-oxygen siya; maingat niyang inilagay ang dulo ng stethoscope sa kanyang dibdib at nakinig. Tinanong niya ang tagapag-alaga, "Kumusta siya ngayon?"

Habang nag-uulat ang tagapag-alaga tungkol sa dalas ng pagtulog, pagkain at pagdumi, kinuha ni Dr. Kanner ang isang portable na makina ng blood pressure mula sa kanyang traveling medical case. Habang marahan niyang ibinalot ang cuff sa braso ni Diane, ipinaliliwanag niya kung ano ang ginagawa niya. Tinitingnan niya kung may mga pressure ulcer sa kanyang mga balakang at sakong. Tinutulungan siya ng tagapag-alaga na iangat si Diane nang bahagya para mailagay niya ang stethoscope sa kanyang likod upang pakinggan. Tumuon siya sa kanyang paghinga, dahil ang mga nagbabagong pattern ng paghinga ay mga palatandaan kung ano ang kalagayan ng pasyente.

Gagawin niya itong rutinang checkup sa bawat pasyente na kanyang titingnan ngayong araw. Pagkatapos, uupo siya sa bawat tagapag-alaga nila at susuriin ang mga gamot ng pasyente. Taimtim siyang makikinig habang sinasabi sa kanya ng mga tagapag-alaga kung ano sa palagay nila ang mga pangangailangan ng pasyente, at malalaman niya kung paanong ang mga tagapag-alagang iyon ay nakatatagal.

"Mahalaga ang pagtingin sa tsart ng pasyente, pero sinasabi talaga ng mga tagapag-alaga kung ano ang nangyayari," sabi ni Dr. Kanner.

Pangangasiwa ng Di-makatotohanang mga Pangyayari

Sa loob ng maginhawa at napapaligiran ng aklat na tulugan ng bahay ng kasunod na pasyente ay isang kamang pang-ospital, kung saan tahimik na nakahiga ang 68 taong gulang na si Frank. Naging paralisado sa kanang bahagi si Frank dahil sa brain cancer, at nakakaranas siya ng nagbabagong katayuan ng pag-iisip. Dahil nakakaramdam siya ng pananakit at nangangailangan ng mga iniksyon, si Frank ay nasa continuous na paggagamot ng mga nurse ng hospice sa buong araw at gabi. Bagama't pansamantala lang ang continuous na paggagamot at dumating si Dr. Kanner upang tukuyin kung kailan dapat magsimula si Frank ng routine home care-kapag magiging pangunahing tagapag-alaga ang asawa ni Frank, na maghahandog ang mga miyembro ng hospice team ng pag-aalaga at suporta sa buong linggo.

"Ang pamantayan para sa continuous na paggagamot ay pananakit, pangangapos ng paghinga o mga hindi kontroladong sintomas, na nangangailangan ang pasyente ng isang tao upang gumawa ng mga bagay na hindi kayang gawin ng isang may kakayahang miyembro ng pamilya o aide," ipinapaliwanag ni Dr. Kanner. "Isa sa mga pinakamalaking paghamon ng aking trabaho ay ang pakikitungo sa mga di-makatotohanang inaasahan, karamihang mula sa pamilya.

"Kapag tumatanggap ang pasyente ng continuous na paggagamot, maaaring isipin ng pamilya na magpapatuloy ito habambuhay ng pasyente-ngunit hindi ito ganoon."

Ganito ang kaso sa asawa ni Frank, si Cassandra. Isa siyang maliit na babae na nagtatanong sa doktor, "Bakit kailangang magtapos ang continuous na paggagamot?" Nag-aalala siya na hindi niya magagawang iangat ang kanyang asawa-isang malaking lalaki-ibiling siya o palitan ang kanyang mga adult diaper. Ipinapaliwanag ni Dr. Kanner na sa lalong madaling panahon ay hindi na kakailanganin ni Frank ang continuous na paggagamot dahil makokontrol na ang kanyang pananakit at mga sintomas.

Iminumungkahi niyang umupa ng isang tao upang tulungan siya, lalo na sa gabi upang makatulog nang marami si Cassandra, ngunit nababahala siya sa gastusin. Sinasabi ni Dr. Kanner na patutulungin niya ang social worker ng hospice team na humanap ng isang tao na makakaya niyang bayaran. "Kailangan mo ring alagaan ang sarili mong kalusugan," sabi niya.

Inuuna ang mga Pasyente at Pamilya

Matapos punan ang isang case sheet at ipasok ito sa tsart ni Frank, umalis na si Dr. Kanner. Habang nagbibiyahe siya patungo at paalis ng mga bahay ng kanyang mga pasyente, hindi karaniwan na makatanggap ng mga tawag mula sa mga nurse sa kanyang team. Isa sa mga naturang tawag ang pumapasok ngayon. Ipinaalam ng nurse ng hospice na ang kanyang pasyente ay nag-aagaw-buhay at nais na dumaan ang doktor.

Sa loob ng mataas na assisted living facility, binati ni Dr. Kanner ang nurse at pumunta upang suriin ang 96 taong gulang na si Thelma, natutulog sa kamang pang-ospital sa salas.  Siya ay naka-oxygen at humihinga nang mabilis. "Maikling oras ang tinitingnan natin dito," sabi niya matapos kuhanin ang kanyang blood pressure at pakinggan ang kanyang puso at paghinga.

Nababahala ang nurse na nakakaranas si Thelma ng pananakit, kaya nagreseta si Dr. Kanner ng pinakamaliit na posibleng dami ng morphine upang matiyak sa siya ay kumportable. Dahil hindi niya gustong mapag-isa si Thelma at nag-aalala na hindi ihahatid nang mabilis ng parmasya ang gamot, sinabi niya sa nurse na siya ang kukuha nito at dadalhin sa pasyente.

"Hindi maraming doktor ang pupunta para kuhanin ang gamot ng pasyente," sabi ng nurse.

Matapos bumalik dala ang gamot, nagbiro si Dr. Kanner sa nurse sa kanyang katutubong French. Nagsasalita siya ng walong wika: Spanish, Italian, Portuguese, French, Russian, German at Haitian/Creole. Ito ay kapaki-pakinabang bilang isang doktor sa hospice sa maraming kultura na Miami, Florida.

Pagtiyak sa isang "Mabuting" Kamatayan

Nagtapos si Dr. Kanner mula sa Howard University sa Washington, DC. Natamo niya ang kanyang medical degree mula sa Franklin & Marshall College sa Lancaster, PA. Natapos niya ang kanyang residency at internship sa Jackson Memorial Hospital sa pamamagitan ng University of Miami. Matapos gugulin ang dalawang taon sa National Cancer Institute sa Maryland, binuksan niya ang isang pribadong oncology practice noong 1972.

Noong 1987, habang nasa pribadong practice pa, sumali siya sa VITAS bilang part-time. Matapos magretiro mula sa pribadong practice noong 2011, naging full-time na hospice doctor si Dr. Kanner sa VITAS Hollywood, FL, office. Siya rin ang Florida medical director ng Palliative Medical Associates, isang division ng VITAS Healthcare.

Nag-aaral ang mga doktor nang mahabang oras at gumugugol ng mga taon sa pagsasanay upang matuto kung paano gamutin ang mga karamdaman at lunasan ang mga sakit. Marami ang likas na nag-iisip ayon sa paglunas sa isang pasyente, anuman ang kinakailangan. Kaya bakit pipiliin ng isang doktor na maging isang doctor sa hospice, na ang pinagtutuunan nito ay comfort sa halip na paglunas?

"Ang hospice ay natural na extension ng oncology para sa akin," paliwanag ni Dr. Kanner. "Palagi kong naiisip na ang pinakamahalagang bagay ay magbigay ng palliative care sa aking mga pasyente, upang gawing mas kumportable ang kanilang mga buhay. Sasabihin ko sa sinumang interesadong maging isang doktor sa hospice na kailangan nilang magkaroon ng tamang mindset. Ito ay pag-aalaga nang maginhawa, hindi agresibong pag-aalaga.

"Ang trabaho ko ay gawing kumportable ang wakas ng buhay ng isang tao sa parehong espirituwal at pisikal na aspeto. Ang kamatayan ay isang proseso na kailangang danasin ng lahat ng tao sa mundo. Lahat ay nararapat na mamatay nang mabuti. Trabaho ko na tiyakin na nangyayari iyon."

Naghahanap ka ba ng karera bilang isang Doktor sa Hospice? Tingnan ang aming mga bukas na posisyon ngayon.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.