Papaano Pumili ng Hospice Provider
Kuhanin ang Checklist: Ang Pagpili ng Hospice Provider
Ang pagpili ng hospice provider ay isa sa pinakamahalagang desisyon na gagawin mo para sa sarili mo, sa isang mahal sa buhay at iyong pamilya. Ayon sa batas, dapat maghandog ang bawat hospice program ng parehong pangunahing serbisyo sa mga pasyente at kanilang mga pamilya. Kaya paano ka makasisiguro na pinipili mo ang pinakamahusay na hospice program?
Tandaan itong mga dahilan at tanong kapag pumipili ng hospice provider upang matiyak na natatanggap mo ang propesyunal at mapagmahal na end-of-life care na nararapat sa iyo at sa iyong pamilya.
Suriin ang kasaysayan at reputasyon ng provider. Gaano na katagal sa negosyo ang provider? May sarili ba itong mga empleyado upang magbigay ng pag-aalaga o nakikipagkontrata ba ito sa ibang mga ahensya? Ano ang sinasabi ng ibang mga pasyente/pamilya tungkol sa kanilang mga karanasan sa provider na ito?
Tingnan ang sertipikasyon, lisensya at patakaran sa pagbabayad ng provider. Ang hospice ba ay sertipikado ng Medicare, lisensyado at kinikilala sa inyong estado? Sertipikado ba ito ng Department of Veterans Affairs (VA) bilang isang We Honor Veterans program? Tumatanggap ba ito ng Medicare, Medicaid, mga benepisyo ng VA at karamihang pribadong insurance coverage para sa hospice care? Nagbibigay ba ito ng charity care sa mga pasyente na may kaunti o walang medical insurance o mapagkukunang pananalapi?
Kumuha ng mga detalye tungkol sa lalim at lawak ng pag-aalaga na matatanggap mo at ng iyong pamilya. Gumagawa ba ang programa ng isang individualized care plan? Nagtatalaga ba ang hospice ng isang interdisciplinary team sa bawat pasyente: nurse, doktor, aide, social worker, chaplain, espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao at volunteer? Gaano kadalas bumibisita ang mga miyembro ng team? Tinuturuan ba nila ang mga miyembro ng pamilya at mga tagapag-alaga tungkol sa kung paano alagaan ang pasyente ng hospice sa bahay?
Tiyakin na nagbibigay ang programa ng lahat ng apat na antas ng kailangang hospice care. Kasama rito ang hospice care sa bahay (saan man ang itinuturing mong bahay, kabilang ang pribadong bahay, nursing home o assisted living facility); continuous na paggagamot hanggang sa 24 oras bawat araw (kapag medically necessary); inpatient hospice care (kapag hindi na mapangasiwaan ang mga sintomas at pananakit sa bahay); at respite care (hanggang sa 24 araw) para sa mga tagapag-alaga. Inihahatid ba ng provider ang lahat ng medical equipment, gamot at supply na may kaugnayan sa diagnosis na walang lunas sa pasyente nang walang bayad?
Magtanong ng mga partikular na tanong tungkol sa timing, mga emergency at ang kakayahan ng programa na magbigay ng specialty care. Gaano kabilis makakapagsimula ang hospice care? Tinatanggap ba ang mga pasyente nang 24/7, kabilang ang mga oras pagkatapos ng trabaho, Sabado at Linggo, mga holiday? Nagbibigay ba ang programa ng isang 24-oras na hotline na may kawaning mga sinanay na hospice clinician upang sumagot sa iyong mga tanong at tumugon sa mga emergency o krisis? May isang tao ba na sasama sa iyo o sa iyong mahal sa buhay sa oras ng kamatayan?
Suriin ang kakayahan ng provider na matugunan ang mga pangangailangan ng may malubhang sakit o kumplikadong pasyente. Maaalagaan ba nito ang mga pasyenteng nangangailangan ng complex modalities o may higit sa isang chronic disease? Sertipikado ba ang mga miyembro ng team sa specialized comfort care para sa mga cardiac patient, sakit sa baga, sakit na Alzheimer, atbp.? Nagbibigay ba ang mga miyembro ng team ng pag-aalaga na iginagalang ang mga kultura, tradisyon, paniniwala at pangangailangan ng mga partikular na populasyon (hal. mga beterano, LGBTQ, African American, Latino, Haitian, Asian, Jewish, atbp.)? Nagbibigay ba it ng palliative care sa mga pasyenteng hindi pa karapat-dapat para sa hospice?
Tuklasin ang mga suportang serbisyo. Tinuturuan ba ang mga pamilya na gumamit ng medical equipment sa bahay? Nagbibigay ba ang programa ng magkakasamang serbisyo gaya ng music therapy, massage therapy, mga pagbisita ng alagang hayop, atbp.? Anu-anong serbisyo ang inihahandog ng mga volunteer, at paano sila sinanay? Handa ba ang mga miyembro ng team na pag-usapan ang tungkol sa mga advance na directive at advance na care planning? Pagkatapos ng isang kamatayan, gaano katagal magpapatuloy ang serbisyo sa pangungulila sa pagpanaw ng tao?
Sa sandaling makaugnayan mo ang isang hospice program at makausap ang mga miyembro ng staff, bigyang-pansin ang iyong mga impresyon. May simpatya ba ang mga kinatawan na nakausap mo? Mahusay ba silang makipag-usap? Nasagot ba nila ang lahat ng tanong sa iyong kasiyahan?
Mababago ng pagkatuto tungkol sa mga pagpipilian sa end-of-life care ang isang mahirap na panahon sa isang "mabuting kamatayan." Kumalap ng impormasyon at magtanong nang tama upang matiyak na pinipili mo ang pinakamahusay na hospice provider para sa iyong pamilya, ang iyong natatanging sitwasyon. Tiyakin na ang mga pakikipag-usap, karanasan at alaala ay magiging positibo at makabagbag-damdamin para sa mga taong darating.