Ang hospice ay isang Buong Saklaw ng Pag-aalaga
Tulong Sa Panahon ng Paghihirap
"Ang hospice care ay nagbibigay ng maraming uri mga serbisyo na tumutulong sa mga tao sa panahon ng paghihirap sa kanilang buhay," sabi ni Susan Acocella, isang general manager para sa VITAS Healthcare.
Nagbibigay ang VITAS ng coordinated care at nag-aalok ng suporta sa mga pasyente at kanilang mga pamilya na may isang maraming saklaw na mga pagpipilian na naaayon sa kanilang partikular na pangangailangan. Pinangunahan ng isang individualized care plan, ang hospice care ay madalas na nagsisimula sa routine home care at ilang ginawang espesyal na serbisyo.
"Nagbibigay kami sa mga pasyente at kanilang mga pamilya ng mga pagpipilian tungkol sa kung paano maihahatid ang kanilang pangangalaga, kung ano ang kanilang mga layunin ng pangangalaga, at ang lebel ng emosyonal, sosyal at klinikal na suporta na nais nila," sabi ni Acocella.
Apat na Uri ng Pangangalaga
Nag-aalok ang VITAS ng apat na level ng pangangalaga alinsunod sa Medicare Hospice Benefit:
- Pang-araw-araw na pag-aalaga sa bahay Karamihan sa hospice care ay ibinibigay sa bahay, kung saan mang lugar na tinatawag ng pasyenteng bahay: pribadong tirahan, pasilidad ng pag-aalaga o pasilidad ng assisted living.
- Continuous o tuluy-tuloy na home care (Intensive Comfort Care®). Kung kinakailangan sa medikal, ang pangangasiwa ng matinding sintomas ay ibinibigay saan man naninirahan ang pasyente ng mga kawani ng hospice sa shift hanggang 24 oras/araw upang maiwasang maospital ang pasyente.
- Pangangalaga ng inpatient Kung ang mga pangangailangan ng isang pasyente ay hindi mapangasiwaan sa bahay, ang general inpatient beds sa mga lokal na pasilidad at, sa ilang mga kaso, sa pagmamay-ari ng VITAS na mga inpatient hospice unit, ay nagbibigay ng 24-oras na hospice care upang pangasiwaan ang di makontrol na mga sintomas hanggang makabalik sa bahay ang pasyente.
- Respite care. Limitado hanggang sa limang magkakasunod na araw at gabi, ang respite care ay nagbibigay ng isang maikling "pahinga" sa pangunahing tagapag-alaga ng pasyente sa pamamagitan ng pagpasok ng pasyente ng hospice sa isang inpatient setting nang hindi tutugunan ang "inpatient" na sakit at symptom management criteria.
Espesyal na Pangangalaga
Sa VITAS, nagsusumikap kami na maibigay ang maaaring pinakamahusay na pag-aalaga sa aming mga pasyente at pamilya. Kaya, nag-aalok kami ng mga specialized na serbisyo sa pangangalaga, kabilang ang ngunit hindi limitado sa:
- Pangangalaga sa mga Beteraano. Ang mga beterano ay may kakaibang pangangailangan sa katapusan ng buhay, at ang mga miyembro ng kawani ng VITAS ay sumasailalim sa pagsasanay upang maunawaan at asikasuhin ang mga pangangailangang iyon. Marami sa aming mga programa ay sertipikadong We Honor Veterans provider.
- Therapy sa Musika. Ang musika, sa maraming mga anyo, ay maaaring matugunan ang emosyonal, kaisipan at panlipunang mga pangangailangan ng pasyente.
- Mga Pagbisita ng mga Alagang Hayop Marami sa aming mga lokasyon ng hospice ay may mga boluntaryong nag-aalaga ng hayop na ang ini-screen, palakaibigan na bumibisita sa mga pasyente at nagbibigay ng kaginhawahan. Pinapayagan din ng aming mga yunit ng inpatient hospice ang pagbisita sa mga alagang hayop ng pamilya.