Papaano Magbabayad para sa Palliative Care sa Pamamagitan ng Medicare o Pribadong Insurance
Ang pagsaklaw para sa nakatuon sa kaginhawahan na palliative care ay nag-iiba ayon sa provider at plano ng insurance. Ang pahinang ito ay may nilalamang ilang pangkalahatang impormasyon tungkol sa insurance at palliative care. Para sa parktiular na gabay, makipag-ugnayan sa iyong carrier o planong pangkalugusan upang malaman ang mga detalye ng saklaw, kabilang ang mga copay, mga kailangang bayaran mula sa sariling bulsa, at iba pang mga gastos na kaugnay sa palliative care.
Sakop ba ng Medicare at Medicaid ang Palliative Care?
Sakop ng Medicare at Medicaid ang pagbisita ng doktor o ng advanced practice na nurse na kaugnay sa palliative care. Ang mga pagbisitang ito ay maaaring mangailangan ng mga copay.
Ang ilan sa mga Medicare Advantage at Commercial Plan ay naghahandog ng pagsakop sa mga pagbisita at serbisyong kaugnay sa palliative care, ngunit ang mga partikular na detalye ay magkakaiba depende sa plano.
Gaano Katagal Sasakupin ng Medicare ang Palliative Care?
Ang saklaw ng Medicare para sa palliative care ay maaaring magbago dapende sa partikular na mga regulasyon ng estado, ang partikular na mga pangangailangan ng pasyente, at ang kanilang plano ng pangangalaga. Ito ay karaniwang tumatagal nang hanggang sa mayroon pa ring malubhang karamdaman ang pasyente, hanggang sa sumailalim ng hospice care ang pasyente, o hanggang sa hindi na nangangailangan o tumutugon ang pasyente sa mga palliative care na serbisyo.
Ang inaasahang tagal ng buhay na anim na buwan o kulang pa ay kinakailangan upang makatanggap ng hospice care. Ang hospice care ay karaniwang magsisimula pagkatapos ng isang pormal na kahilingan o referral ng isang doktor. Ang mga pasyente ay kinakailangang muling sertipikahin bilang may malubhang sakit pagkatapos ng anim na buwan na pagtanggap ng hospice care.
Malaman ang higit pa: Sino ang Magbabayad para sa Hospice?
Sakop ba ng Medicare ang Palliative Care sa Bahay?
Maaaring masakop ng Medicare ang ilan sa mga serbisyo sa palliative care sa bahay. Ang tagal ng panahon na masasakop ng Medicare ang palliative care sa bahay ay depende sa iba't ibang mga salik. Dapat na makipag-ugnayan ang mga pasyente sa kanilang provider upang mapag-usapan ang mga detalyeng kaugnay sa kanilang partikular na sitwasyon.
Paano Mo Babayaran ang Palliative Care sa Pamamagitan ng Pribadong Insurance?
Kung ang isang pasyente ay hindi kuwalipikado para sa Medicare, maaaring sakupin ng pribadong insurance ang palliative care. Maaaring malaki ang pagkakaiba ng saklaw ng bawat isa base sa plano ng pasyente. Mahalagang makipag-ugnayan sa kumpanya ng insurance para sa mga detalye tungkol sa kung ano ang sakop at alin naman ang hindi. Huwag kalilimutang tanungin ang tungkol sa mga copay at deductible na maaaring naaangkop.