Inpatient Hospice Care
Kapag Hindi Mapangasiwaan ang mga Sintomas ng Sakit sa Bahay
Kadalasan, ang hospice care ay dinadala sa bahay ng pasyente dahil mas gusto ng karamihan sa mga taong may malubhang sakit na manatili sa bahay: sa lugar na pamilyar sa kanila, na may pamilyar na kinaugaliang gawain at mga pamilyar na mukha.
Ang lahat ng mga hospice ay nararapat ding maghandog ng inpatient care para makatulong sa pagtatasa at pangangalaga ng matindi, kumplikado, o hindi makontrol na mga sintomas tulad ng pananakit o pangangapos ng paghinga na hindi maaaring maibigay sa bahay o sa iba pang mga kinalalagyan.
Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS
Team Manager
Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.Doktor
Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.Hospice Nurse
Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.Social Worker
Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.Chaplain
Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao
Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.Volunteer
Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.Ano ang Kwalipikado para sa Inpatient Hospice Care?
Maaaring kabilang ang mga sumusunod na palatandaan upang malaman kung kailan kailangan ang inpatient hospice care:
- Biglaang paglalala ng kalagayan ng pasyente na nangangailangan ng intensive o matinding nursing intervention o tulong
- Kirot o sakit na hindi makontrol
- Pagkahilo at pagduduwal na hindi makontrol
- Mga pathological fractures o pagkabali ng buto sanhi ng sakit
- Problema sa paghinga na hindi na mapangasiwaan
- Paggamot sa sintomas sa pamamagitan ng intravenous medication na nangangailangan ng masinsinang pagsusubaybay
- Pangangalaga sa sugat na nangangailangan ng kumplikado at/o madalas na pagpapalit ng benda na hindi maaaring magawa sa bahay ng pasyente
- Hindi mapangasiwaang pagkabagabag o pagkabalisa na nangangailangan ng matinding pamamagitan
- Hindi makontrol na pangingisay
- Minor procedures o operasyon upang tulungan ang pasyente na mapaginhawa ang pakiramdam nito, katulad ng pagtatanggal ng tubig sa tiyan (paracentesis) o paglalagay ng permanenteng drain o tubo
Saan Ibinibigay ang Inpatient Hospice Care?
Ang inpatient care ay ibinibigay sa isang pasilidad-kadalasan sa isang ospital, ngunit maaari rin itong gawin sa mga nursing facilities at free-standing hospice houses-na maaaring magbigay ng pangangalagang pang-klinika sa lahat ng oras.
Ang atmosphere sa lugar kung saan ibinibigay ang inpatient hospice ay ibang-iba sa isang acute-care facility o pasilidad kung saan ibinibigay ang matinding paraan ng pangangalaga. Sa inpatient hospice unit, mas kalmado at mas nahahawig sa bahay ang atmosphere. Hindi nagmamadali ang mga miyembro ng staff, at kadalasan, tumitigil sila upang makipag-usap sa pasyente, bumibisita sa pasyente kasama ang pamilya ng pasyente, at sumasagot sa mga tanong.
Ang mga kapamilya at kaibigan ng pasyente, anuman ang edad nila, ay maaaring bumisita umaga at gabi, at maaaring pagkasunduan na tumigil sila doon sa buong magdamag.
Ngunit huwag kayong malito: ang matinding pangangasiwa ng sintomas at pananakit ay isinasakatuparan dito, na siyang may layunin na patatagin ang pasyente upang sila ay makabalik sa bahay at sa routine hospice care.
Ang inpatient hospice care team ay:
- Tinatasa ang mga sintomas
- Nagbibigay ng matinding pangangasiwa ng sintomas
- Pinapanatili ang pangangalaga at regular na mga pagbisita sa lahat ng oras
Bilang resulta nito, sa pangkalahatan ay kaya ng team na mapamahalaan at kontrolin ang sintomas ng pasyente sa isang maikukumparang maiksing panahon, karaniwan sa loob ng mga ilang araw, at ang pasyente ay maaaari nang makabalik sa bahay.
Ang mga VITAS Inpatient Hospice Unit at VITAS Suite
Maraming mga inpatient hospice unit at VITAS Suite ang VITAS. Ang ilan ay mga freestanding o may sariling building; ang iba naman ay matatagpuan sa wing o seksyon o palapag ng ibang pasilidad. Lahat ng mga VITAS inpatient hospice unit at VITAS Suite ay magkakaiba. Ang mga ito ay ginawa at dinekorasyunan nang isinaalang-alang ang mga pasyente at pamilya. Ginawa ang mga ito para maging 'home away from home' o bahay na malayo sa bahay para sa isang pasyente ng hospice. Nakafocus ito sa pagbibigay ng comfort o kaginhawaan at mapanatili ang dignidad ng pasyente, kahit na kailangan ang intensive care o matinding pangangalaga.
Ang mga tauhan ng VITAS inpatient hospice unit at VITAS Suite ay mula sa VITAS inpatient team. May doktor ng VITAS na araw-araw naglilibot sa mga pasyente. Ang mga nurse ang nangangalaga sa mga pasyente at ang mga miyembro ng integrated staff-mula sa social worker at chaplain hanggang sa music therapist-ay bumibisita sa mga pasyenteng naka-assign sa kanila. Kasama rin ang mga pamilya sa aming serbisyo ng pangangalaga. Nakikilala ng mga staff ang pamilya ng pasyente. Maaari silang tumulong sa mga kapamilyang dayo ng pasyente na maging pamilyar sa lugar o kaya ay tanggapin ang pagbisita ng mahal na alagang hayop ng pasyente. Pinagbubuti nila ang kalidad ng buhay ng mga pasyente at pamilya nila.
Ang aming mga unit ay may mga tampok na bagay na tulad ng mga silid na pampamilya, kusina at mga lugar na palaruan para sa mga bata. May mga lugar din para tahimik na makapagnilay-nilay o magdasal, at mga lugar para matugunan ang mga pangangailangan ng iba't ibang henerasyon. Lagi ring may available na kape at kagamitan upang iinit ang mga pagkaing niluto sa bahay.
Makipag-ugnayan sa Team sa pag-aalaga ng VITAS na pinakamalapit sa iyo.
Hospice Care sa mga Ospital at Nursing Home
May ilang mga eligible na pasyente para sa hospice na na-admit na sa ospital o nursing home para sa matinding pangangalaga ay hindi maaaring ligtas na mailipat sa bahay o sa inpatient care. Sa mga kasong ito, nakikipagtulungan ang VITAS sa pasilidad ng pasyente at sa attending staff upang makipag-ugnayan ang pangangalagang nakatuon sa kaginhawahan, mapamahalaan ang mga sintomas, at-kung maaari-isaayos ang isang mahusay na paglipat sa isang kinalalagyan na mas ninanais ng pasyente.
Kahit man nasa isang ospital o sa skilled nursing na pasilidad, sinusuportahan ng VITAS care team ang staff sa pagbibigay ng intensive care para sa mga pasyenteng mayroong mahirap-na-mapangasiwaang mga sintomas, na siyang nagbibigay ng pagkakataon sa staff para magawa nila ang iba pang mga tungkulin. Maaari ring ng umasa sa VITAS ang staff ng pasilidad para sa klinikal na gabay at edukasyon tungkol sa end-of-life care, at pati na rin sa tulong sa pamamahala ng paggagamot.
Inpatient Care: Isa sa mga Apat na Levels ng Pangangalaga
Ano man ang sitwasyon, ang 24-oras na inpatient care ay isa sa mga kinakailangang antas ng hospice care, na nakahandang gamitin kapag ang mga sintomas ay hindi makontrol ayon sa patnubay ng Medicare. Para sa ilang mga pasyente, kailangan nila ang inpatient na level ng pangangalaga upang matulungan sila sa paglipat nila mula sa paggagamot sa ospital papunta sa hospice care. Ang iba naman na tumatanggap ng routine home care, maaaring makaranas sila lumala ang sintomas na nararamdaman nila.
Sa alinmang kaso, karaniwang tumatanggap ang pasyente ng inpatient care para sa isang maiksing panahon (3-5 araw) hanggang sa ang mga sintomas ay muling nakokontrol, at pagkatapos ay ibabalik siya sa bahay para sa karaniwang antas ng hospice care.
Ang VITAS ay may apat na uri o level ng pangangalaga ayon sa depinisyon ng hospice benefit ng Medicare:
- Routine home care: Sa kalimitan ng panahon, ang kinalalagyan ng pangangalagang ibinibigay ay sa bahay, kahit man ang iyong bahay ay isang pribadong tirahan/bahay, isang nursing home o isang assisted living community. Regular na bumibisita ang mga miyembro ng VITAS staff, at ang VITAS ang nagbibigay ng lahat ng mga medikal na kagamitan, mga supply at mga gamot na may kaugnayan sa iyong diagnosis.
- Patuloy na pangangalaga sa bahay (Intensive Comfort Care®): Kapag ang iyong mga sintomas ay hindi mapamahalaan sa isang karaniwang antas ng pangangalaga, may kakayahan ang VITAS na makapagbigay ng matinding pangangasiwa ng sintomas sa lugar na kung saan ikaw ay kasalukuyan nang tumatanggap ng pangangalaga, hanggang sa ang mga sintomas na ito ay ma-kontrol ayon sa mga patnubay ng Medicare. Ang mga nurse at aide ay nagbibigay ng mga shift nang hanggang sa 24 oras ng patuloy na pangangalaga sa iyong ninanais na kinalalagyan ng pangangalaga, at nabibigyan ka ng pagkakataon na manatili doon hangga't ang pangangalaga ay ligtas at epektibong naibibigay.
- General inpatient care: Kapag ang iyong mga sintomas o pananakit ay hindi na mapamahalaan sa kinalalagyan na pangangalaga sa bahay, at hindi mo ninanais na tumanggap ng Intensive Comfort Care® sa bahay, maaaring makapagbigay ang VITAS ng mas mataas na antas ng dalubhasang pangangalaga sa isang inpatient na kinalalagyan hanggang sa ang mga sintomas na iyon ay muli nang ma-kontrol ayon sa mga patnubay ng Medicare. Ang General Inpatient Care ay maaaring maibigay sa iba't-ibang mga uri ng lokasyon, tulad ng sa isang VITAS inpatient hospice unit o sa isang ka-partner na inpatient care na kinalalagyan, tulad ng sa isang ospital o sa nursing home.
- Respite care: Kung kinakailangan, pangangalagaan ka ng VITAS sa isang lugar para sa mga inpatient nang hanggang sa limang magkakasunod na araw upang mabigyan ang iyong tagapag-alaga o miyembro ng pamilya ng isang kinakailangang "ginhawa" o pahinga.