Medicare at ang Halaga ng Hospice
Kumuha ng Gabay: Ang Medicare Hospice Benefit
Nagbabayad ba ang Medicare para sa Hospice?
Kung ang isang lunas ay hindi isang opsyon, karamihan sa mga pasyente ay pinipili ang kaginhawaan sa bahay, kasama ng mga pamilyar na bagay at pamilyar na tao. Ang Medicare Hospice Benefit ay nagbibigay ng pag-access sa mga serbisyo na tumutugon sa pisikal, emosyonal at espirituwal na mga pangangailangan na sinasamahan ang karamdamang walang lunas.
Kwalipikado ka para sa Medicare Hospice Benefit kung Matutugunan Mo ang mga Kondisyong Ito
- Ikaw ay karapat-dapat para sa Medicare Part A (insurance ng ospital). Alamin kung kwalipikado ka sa Medicare.gov
- Ang iyong doktor at ang doktor ng hospice ay nagpatunay na ang life expectancy mo ay anim na buwan o mas maikli pa.
- Nais mong matanggap ang palliative care para sa kaginhawahan, hindi mga paggamot na naglalayong pagalingin ka.
Maaari mong itigil ang hospice care anumang oras. Hangga't natutugunan mo ang mga panuntunan ng pagiging karapat-dapat, maaari kang bumalik sa hospice care. Ang mga indibidwal na lumampas sa life expectancy ay maaaring makatanggap ng Hospice Services nang higit sa anim na buwan. Walang multa para sa mga pinahabang benepisyong ito. Sa ilang mga panahon, ang isang doktor ng hospice ay kailangang patunayan muli na ang prognosis ay nananatiling anim na buwan o mas maikli.
Paano Ginagamit ang Hospice
Magtatalaga ang VITAS ng isang natatanging-sinanay na pangkat upang matulungan kang makayanan ang iyong sakit. Kabilang sa pangkat:
- Isang doktor ng hospice na may kadalubhasaan sa sakit at pangangasiwa ng sintomas
- Isang nurse upang pangasiwaan ang plano sa pangangalaga, magbigay ng hands-on na pangangalaga, at sanayin ang mga pasyente at mga mahal sa buhay sa nararapat na pag-aalaga
- Isang hospice aide para sa personal na tulong
- Isang Chaplain upang magbigay ng tulong at pastoral care
- Isang Social Worker upang matugunan ang problemang pang-emosyonal, pampinansyal at panlipunan
Ang Papel ng Iyong Personal na Doktor
Bagaman ang isang doktor ay bahagi ng pangkat ng hospice ng VITAS, ang iyong personal na doktor ay maaaring magpatuloy sa pamamahala ng iyong pangangalaga. Inaanyayahan ng VITAS ang pakikilahok ng mga personal na doktor sa pamamahala ng pangangalaga ng isang pasyente.
Ano ang Sakop ng Medicare Hospice Benefits
Sinasaklawan ng Medicare Hospice Benefit ang hanggang sa 100 porsyento ng mga serbisyo ng VITAS, nang walang deductible o copayment para sa mga serbisyo na ibinibigay na nauugnay sa karamdamang walang lunas ng pasyente. Kasama sa mga produkto at serbisyo na nasa plan of care ng hospice ang:
- Lahat ng mga prescription drugs, over-the-counter na gamot, medikal na kagamitan, at supply na nauugnay sa karamdamang walang lunas at kinakailangan para sa kaginhawahan, ayon sa nakalaan sa plan of care
- Kung inirerekomenda para sa mga palliative na layunin, physical therapy, occupational therapy, speech therapy, at pagpapayo tungkol sa diyeta
- Laboratory at iba pang mga diagnostic test na kinakailangan upang makamit ang pinakamabuting palliative care
- Pangangalaga sa inpatient para sa sakit at iba pang mga sintomas na hindi kayang malutas sa bahay
- Serbisyo sa pamilya para sa pangungulila sa pagpanaw ng tao na hindi bababa sa isang taon pagkatapos ng pagkawala
Ang Medicare ay patuloy na magbabayad para sa saklaw na mga benepisyo para sa anumang problema sa kalusugan na hindi direktang nauugnay sa karamdamang walang lunas. Ang pangkat ng medikal na hospice ang magpapasya kung ano ang pangangalagang direkta o hindi direktang may kinalaman sa terminal illness. Para matiyak na ikaw ay may saklaw, makipag-ugnayan sa iyong hospice team bago tumanggap o magpa-schedule ng mga bagong medikal na serbisyo o pamamaraan.
Paghahambing ng mga Hospice Providers
Ang lahat ng mga organisasyong hospice ay isinasauli ang nagasta sa iisang paraan, upang hindi sila magkumpitensya sa gastos. Sa kalidad ng serbisyo makikita ang pagkakaiba ng bawat hospice. Isaalang-alang ang mga tanong na ito kapag pumipili ng isang hospice:
- Mayroon bang mapagkukunan at pasilidad ang hospice provider na magbibigay ng pinakanararapat na uri ng pangangalaga?
- Gumagamit ba ang hospice ng mga full-time na doktor na maaaring maglaan ng lahat ng kanilang oras sa pag-aalaga sa mga pasyente sa hospice at mga pamilya?
- Mayroon bang mga sistema ang pangkat ng hospice upang maging tumutugon sa oras ng iyong pangangailangan?
Narito Kami para sa Iyo
Kapag ang isang tao ay may malubhang sakit, maaaring mahirap malaman kung sino ang matatakbuhan.
Makakatulong ang VITAS.
I-download ang aming libreng hospice discussion guide.
Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa 800.723.3233.