Mga Mitolohiya sa Pag-aalaga sa Hospice
Talaga bang ang hospice ay isang lugar na kung saan pumupunta ang mga may sakit na tao at hindi na bumabalik? Oras na pumasok na ang isang tao sa hospice, ang ibig bang sabihin ay hindi na siya kahit kailanman makikita ng kanyang pamilya? Hindi ba ang hospice ay parang isang uri ng relihiyosong aktibidad?
Ang mga sagot sa mga sabi-sabi na ito tungkol sa hospice ay hindi, hindi, at hindi. Naririto ang mga katotohanan:
- Ang Hospice ay hindi isang lugar. Ang mga tao na pinili ang mga hospice service kapag malapit na ang katapusan ng buhay ay hindi "pumupunta sa" hospice, ngunit tumatanggap ng mga serbisyo sa kung saanmang lugar sila nakatira. Ito ay maaaring isang pribadong tirahan, assisted living community o nursing home. Ang ilan sa mga ospital ay mayroong mga kama para sa hospice; gayunpaman, ang layunin ng hospice ay upang makapagbigay ng mga hospice service sa pasyente sa kahit saanmang lugar na kanyang itinuturing na bahay.
- Ang mga minamahal at kamag-anak ay hindi hinahadlangan na sumali sa pangangalaga ng pasyente ng hospice. Sa katotohanan, sila ay isang bahagi ng grupo. Ang bawat isang pasyente ay may interdisciplinary team na nagsisimula sa pasyente at pamilya: pasyente, pamilyang tagapag-alaga, doctor, nurse, social worker, kapilyan, hospice aid, espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao, at boluntaryo. Ang isang plan of care ay binubuo na siyang isinasakatuparan ng pamilya at mga minamahal sa bahay hangga't sila ay pumapayag at kayang gawin ang mga ito.
- Ang hospice ay hindi isang pinakahuling paraan. Kapag ang medikal na mga paggagamot ay hindi na kayang gamutin ang isang sakit, ang mga propesyonal sa hospice ay maaaring makagawa ng maraming mga bagay upang ma-kontrol ang pananakit, mabawasan ang pagkabalisa, maghandog ng tulong na espirituwal at emosyonal, at pagbutihin ang quality of life para sa mga taong may sakit na walang lunas at sa kanilang mga pamilya.
- Ang hospice ay walang kaugnayan sa relihiyon. Nagbibigay ang hospice ng mga chaplain at iba pang mga espirituwal na counselor mula sa lahat ng mga pananampalataya at walang pananampalataya. Nirerespeto nila ang lahat ng mga kultura at pananaw at naroroon sila upang makapagbigay ng suporta at upang mapag-usapan ang mga damdamin ng pasyente at ng pamilya.
- Ang hospice ay hindi lamang para sa mga pasyente na may cancer. Totoo nga na ang mga pasyenteng may cancer ay kumakatawan ng malaking dami ng mga hospice patients. Gayunpaman, ang sinumang mayroong karamdamang walang lunas, kahit ito man ay heart disease, COPD, liver disease, kidney failure, stroke, ALS, sakit na Alzheimer, multiple sclerosis, AIDS o anumang kalagayan na nakalilimita sa buhay, ay karapat-dapat sa hospice care.
- Hindi mahal ang hospice care. Sa karaniwan, ang hospice ay mas mura kung ikukumpara sa regular na pangangalaga sa panahon ng huling anim na buwan ng buhay. Ang hospice ay isang pang-lahat na benepisyo na sakop ng Medicare, Medicaid, Medi-Cal at ng karamihan ng mga pribadong kumpanya ng insurance. Sa ilalim ng Medicare, walang mga co-pay na ipapataw para sa pagbisita ng doktor, pangangalaga ng nurse, mga gamot, kagamitan ng hospice o mga medikal na supply na may kaugnayan sa pangunahing karamdaman ng pasyente.
- Makakasali pa rin ang personal na doktor ng pasyente. Maaaring piliin ng personal na doktor ng isang pasyente na maging bahagi ng hospice care na grupo. Ang mga doktor sa hospice ay may malawak na saklaw ng pagsasanay sa end-of-life care at maingat na nakikipagtulungan sa personal na doctor ng pasyente upang masiguro na ang pasyente ay lubos na kumportable hangga't maaari.
- Hindi inihihinto ng hospice ang pagbibigay ng gamot o paggagamot. Sa kabaliktaran pa nga, gumagamit ang hospice ng lubos na makabagong mga gamot at palliative na mga paggagamot para mapawi ang mga pananakit at sintomas upang mapanatiling kumportable ang mga pasyente.
- Ang mga pamilya ay hindi inihihiwalay sa pasyente ng hospice. Naniniwala ang mga propesyonal ng hospice na kapag naranasan ng mga miyembro ng pamilya-kabilang ng mga bata-ang pamamaraan ng kamatayan sa isang mapangalagang kapaligiran, nakakatulong ito na malabanan ang pagkatakot ng mga tao sa katotohanan na sila rin ay mamamatay at ang pagkawala ng kanilang minamahal.
- Hindi ibig sabihin ng hospice na nabigo ang sinuman sa kanilang pangangalaga sa pasyente. Ang hospice ay isang uri ng medikal na paggagamot na maaaring mas naaangkop kaysa sa mga pamamaraan ng pagpapagaling para sa mga tao na may karamdamang walang lunas. Ang pinagbibigyang-tuon ng hospice ay ang pangangasiwa ng sintomas, pag-kontrol ng pananakit at ang pagbibigay ng espirituwal, emosyonal at psychological na kaginhawahan.
- Ang hospice ay hindi tungkol sa pagsuko; ito ay tungkol sa pagbigay ng pagkakataon na mamuhay nang kumportable at nang may karangalan sa natitirang panahon na mayroon ang isang tao.
- Hindi ibig sabihin ng hospice na mas maagang darating ang kamatayan. Ang layunin ng hospice ay hindi para mapahaba ang buhay o mapabilis ang kamatayan, ngunit upang masiguro na ang quality of life ng pasyente ay ang pinakamagaling na posibleng maaari sa kanilang pinakahuling mga buwan, linggo at araw. Walang mga pagsusuri na nagpapakita na ang hospice ay nakapagpapabilis ng pagkamatay, ngunit mayroong mga pagsusuri na nagpapakita na ang ilan sa mga pasyente ay mas mahaba ang buhay kapag tumatanggap ng mga hospice services.
- Ang hospice ay hindi kapareho sa euthanasia. Ang kamatayan ay isang natural na bahagi ng proseso ng buhay, at ang hospice ay hind nagpapahaba ng buhay at hindi rin ito nagpapabilis ng pagkamatay. Ang layunin ng hospice ay upang makapagbigay ng kontrol sa pananakit, pangangasiwa ng sintomas at tulong na espirituwal at emosyonal upang matulungan ang mga tao na may malubhang sakit na mamuhay nang kumportable at nang may karangalan hanggang sa sila ay mamatay. Ang euthanasia (youth-en-asia) ay ang sadyang may-awa na pagpatay upang matapos na ang pagdurusa. Hindi ito ibinibigay ng hospice.
- Ang pagkamatay sa hospice ay hindi kapareho sa physician-assisted death, o pagkamatay na may tulong ng doktor. Sa hospice, ang kalagayan ng nakamamatay na sakit ng pasyente ay hinahayaan na magpatuloy sa kanyang natural na pagtatapos. Sa physician-assisted death, ang isang doktor, sa kahilingan ng pasyente, ay nagbibigay ng paraan para maagang matapos ng pasyente ang kanyang buhay.
- Ang morphine na ini-reseta sa pasyente ng hospice ay hindi nagdudulot ng maagang pagkamatay. Ang mga doktor sa hospice ay natatanging sinanay sa paggamit ng morphine at nagbibigay lamang ng dosis na kinakailangan upang mapaginhawa ang pananakit ng pasyente o kaya upang matulungan silang makahinga. Kapag ibinigay ito nang tama, natutulungan ng morphine ang mga pasyenteng may sakit na walang lunas na makaranas ng mas mabuting quality of life sa katapusan ng buhay.
- Maaaring itigil ng hospice ang pagbigay ng pagkain at/o tubig sa katawan sa isang punto ng proseso ng pamamatay. Maraming mga bagay na kinakailangang isaalang-alang tungkol sa pagbibigay ng pagkain o tubig sa mga pasyente na malapit na ang katapusan ng buhay. Dahil ang natural na pagsulong ng sakit ng isang pasyente ay nakagagambala sa kakayahan ng katawan na magamit ang mga pagkain at likido, inaakala na ang mga taong may sakit na walang lunas ay maaaring magsimula na maging pakaunti nang pakaunti ang kanilang pagkain at pag-inom.
Isang nasogastric tube (isang feeding tube na dumadaan sa ilong at lalamunan at papunta sa sikmura) o gastronomy tube (isang feeding tube na dumadaan sa laman ng tiyan at papunta sa sikmura) ay maaaring ilagay upang makapagbigay ng nutrisyon kapag ang pasyente ay hindi makakain. Ngunit ang mga medikal na pamamaraan na ito ay maaaring masakit/hindi kumportable na may kasamang posibilidad na magkaroon ng mga komplikasyon, kabilang ang mga impeksyon, ang pagkawala ng balanse ng mga electrolyte at mineral, pagsusuka at pagtatae.
Ang artificial na pagpapakain at pagbibigay ng tubig sa katawan ay karaniwang hindi nakakatulong sa pasyente ng hospice na bumuti ang pakiramdam, lumakas ang pakiramdam o humaba ang buhay. Ang karamihan sa mga namamatay na pasyente ay hindi nakararanas ng gutom. Yung mga tao na nakakaramdam ng gutom ay nasisiyahan na sa mga maliliit na dami na inihahandog kapag hiniling.¹ Ang mga doktor ng hospice ay natatanging sinanay upang malaman kung kailan nararapat na mamagitan na kasama ang artificial na pagpapakain at suporta sa pagbibigay ng tubig sa katawan.