Isang Araw sa Buhay ng Isang Nurse sa Hospice
Ang oras ngayon ay 8:00 a.m. Si Yanet (binibigkas na Janet), isang rehistradong nurse ng interdisciplinary team #137ng VITAS, ay darating sa bahay ng kanyang unang pasyente sa araw na ito. Tatlong taon na siyang nasa VITAS Healthcare. Ang iba pang miyembro ng kanyang grupo ay apat na karagdagang RN, isang doktor, social worker, mga katulong ng hospice, mga chaplain, mga boluntaryo at mga espesyalista pangungulila sa pagpanaw ng tao, na bawat isa ay bumibisita sa bahay kung kinakailangan. Si Yanet at ang iba pang mga nars ay responsable sa mga 16 pasyente, mga halos anim na pasyente araw-araw ang binibisita nila.
Pagtulong sa mga Pasyente at Pamilya sa mga Oras ng Paghihirap
Bago lumabas ng kanyang sasakyan, sinusuri ni Yanet ang kanyang smartphone upang suriin ang araw-araw na ulat ng grupo. Ito ay isang listahan kung ilang mga pasyente ang responsibilidad ng grupo, kabilang ang mga inilipat sa mga yunit ng inpatient hospice, na mga bago at mga namatay sa loob ng huling 24 oras. Ang isa sa kanyang mga pasyente ay namatay ng gabing iyon, nalulungkot niyang itinala.
Ang kanyang mga pasyente ay nasa lahat ng stage ng karamdamang walang lunas. Bagaman ang mga pasyente ay maaaring tanggapin sa hospice na may prognosis ng anim na buwan, ang ilan sa mga pasyente ni Yanet ay ipinasok lamang ng linggo o araw bago ang kanilang pagkamatay.
8:00 a.m.
Ang kanyang unang pasyente, isang 91-taong gulang na may chronic obstructive pulmonary disease, ay isang marangal na itim na babae na dumating sa U.S mula sa Nassau noong 1951. Hindi siya kailanman kasal, walang anak, nag-iisa. Ang kanyang pinakamalaking pag-aalala ay kung ano ang mangyayari sa sandaling siya ay nakaratay na lamang sa kama. Dahil wala siyang pangunahing tagapag-alaga, si Cecilia (lahat ng mga pangalan ng pasyente sa kwentong ito ay binago) ay natatakot na siya ay mamamatay mag-isa.
Ang kanyang bahay ay maaliwalas at napakalinis sa kabila ng kanyang sakit at ang mahabang tubo na dumadaan mula sa kanyang ilong hanggang sa makina ng oxygen na umuugong sa sulok. Ang isang hilera ng portable oxygen tank ang nakatayo sa tabi nito: patotoo sa matatag na kalooban ng babaeng ito na manatiling independent hangga't maaari.
Ngunit masuwerte si Cecilia; siya ay "inampon" ng isang pamilya ng kanyang simbahan. Tinanong ni Yanet kung sila ay dumaan na at tugon ni Cecilia na bumisita na sila ngayong umaga upang suriin siya.
Hinila ni Yanet mula sa kanyang itim na roller bag ang stethoscope at machine para sa presyon ng dugo. Ito ay isang regular na pagbisita; susuriin niya ang mga vitals at itatala ang pangkalahatang kalusugan ni Cecilia. Bawat linggo si Cecelia-at lahat ng mga pasyente ng VITAS- ay tumatanggap ng mga 5.9 pagbisita mula sa iba't ibang miyembro ng interdisciplinary team.
Si Yanet ay naging nurse ni Cecelia ng maraming buwan na. "Mahirap hindi maging malapit sa aking mga pasyente," sabi niya. "Ngunit kailangan kong alalahanin kung bakit ako nangangalaga sa kanila-hindi na sila gagaling at ayaw kong matakot sila. Ngunit hindi iyon mas nagpapadali ng kanilang kamatayan."
9:47 a.m.
Sumunod, huminto si Yanet sa isang bahay na kulay beige sa may hilera ng mga Floridian na bahay na mga pastel na kulay rosas, berde at asul. Pareho ito ng iba, ngunit sa isang ito ay may lalaking naghihintay ng kamatayan niya. Ang kanyang asawa, na naka-hair curler pa, ang sumalubong sa amin sa pinto. Sa kanyang mga 70, naghahanda na siya para sa kanyang araw. Nauna siya patungo sa silid ng kanyang asawang si Larry na natutulog sa isang kama ng ospital na nakaharap sa isang bintana. Ang bahagyang hangin ay nagpapagalaw sa mga kurtina at naririnig ang tunog ng mga ibon. Ang tahimik, kaaya-ayang silid ay dating sa mga anak na lalaki ng mag-asawa.
Halos transparent na ang balat ni Larry at mukhang isang hawak lang ay magkakapasa na siya. May arteriosclerosis siya; ang kanyang bahagyang paghinga ay gumagaralgal mula sa bukas na mga labi. Ang kanyang mataas na pangangatawan ay nakatiklop, nakataas ang nga tuhod na nakaposisyon ng pangsanggol. Upang maiwasan na madiinan ang mga sugat, may isang unan ang nakapasok sa pagitan nito. Nakasulat dito, "Mas gusto ko pang mangisda."
Ang mga sugat na ito ang iniingatan ni Yanet. Kinuha niya ang kulay rosas na guwantes mula sa isang kahon sa tabi ng kama at dahan-dahang sinimulang palitan ang dressing ng isa sa kanyang sakong at ang isa pa sa kanyang balakang. Ang huling stage ng karamdamang walang lunas ay nagpapahina sa kalagayan ng mga pasyente. Kahit na ang paghiga lamang sa kama ay nagiging mapanganib, dahil ang isang maliit na sugat ay maaaring mabilis na maging malalim na sugat. Maglilinis si Yanet ng maraming ganitong sugat sa araw na ito.
Ang hospice care ay pagbibigay, hangga't maaari, ng kaginhawahan sa isang tao na malapit na ang katapusan ng buhay. Maraming nag-iisip na ang sentro ng pokus ay ang pagkontrol ng sakit, ngunit ang personal at emosyonal na pag-aalaga ay isang malaking bahagi ng ginagawa ng mga nars at aide ng hospice. Ang mga pangangailangan ni Cecelia ay ibang-iba kay Larry, bagaman pareho silang pasyente sa hospisyo, parehong tumatanggap ng "pangangalaga sa kaginhawahan."
Ang mga pasyente ay maaaring nababahala tungkol sa nakaraan, kasalukuyan, sa hinaharap. Ang mga tagapag-alaga ng pamilya ay maaaring may edad na at walang lakas o pagtitiis na ipihit ang pasyente o paliguan o palitan ng mga kailangan nang madalas hangga't dapat Bagaman ang mga nars ay nakatuon sa diagnosis ng pasyente at mga kaugnay na kondisyon, gagawin niya ang anumang kinakailangan upang matiyak na ang pasyente ay maginhawa at ligtas, ang pamilya ay hindi nahihirapan at ipinaalam sa kanila ang lahat.
Habang nagmamaneho papunta sa susunod na bahay, ipinaliwanag ni Yanet na kung minsan ang pamilya ang nangangailangan ng pangangalaga. Ang mga kaibahan ng ibang pamilya ay maaaring ang magkakapatid na ayaw tanggapin ang kalagayan ng magulang o natatakot na pabilisin ng hospice ang pagkamatay. "Kapag ang isang magulang ay mamamatay, sobra ang stress ng ang mga kapatid," sabi niya. "Kadalasan ay hindi nila lubos na naiintindihan kung ano ang nangyayari o kung bakit walang makapagsabi sa kanila kung kailan mangyayari ang kamatayan. Ito ang nagbibigay sa kanila ng kaba, takot."
Isang Anghel ng Aming Pamilya
10:46 a.m.
Susunod sa kanyang listahan ay ang 95-taong-gulang na si Gloria, na ang apat na anak na babae ay kinakaya ang kalagayan ng kanilang ina sa naiibang paraan. Si Debra, na retirado na, ay nag-aalaga sa kanyang ina sa maghapon hanggang sa umuwi si Sylvia mula sa trabaho. Mabilis na tumutugon si Debra sa mga tanong ni Yanet tungkol kay Gloria. Dahil sa nakatirintas na buhok ng kanyang ina, nakamanicure na mga kuko at malinis na mga linen, halatang inaalagang mabuti ni Debra ang kanyang ina. Tinanggap na niya ang papalapit na kamatayan ng kanyang ina, hindi katulad ng kanyang mga kapatid na babae, ang ilan sa kanila ay tumatangging humarap sa grupo ng hospice.
Para kay Debra, "Si Yanet ay isang anghel, tagapayo, isang referee at isang pari ng aming pamilya."
Matapos mapangasiwaan si Gloria, hinahawakan ni Yanet ang kanyang kamay at marahang nagsasalita sa kanya. Ito ay isang pribadong sandali sa pagitan ng nurse at pasyente. Tulad ng iba pang mga pagbisita, sinasabi ni Gloria kay Yanet na handa na siyang kunin siya ng Diyos-handa na siyang mamatay.
Sa buong maghapon, habang nagmamaneho at sa mga pagbisita sa bahay, si Yanet ay tinatawagan tungkol sa iba pang mga pasyente. Sa katunayan, mga 50 tawag sa telepono ang natatanggap niya sa isang araw, na pinagkakasya niyang gampanan kasama ang pangangalaga ng pasyente, mga kumperensya ng pamilya, pagmamaneho at paperwork. Ang kanyang mga tawag sa telepono ay maaaring mula sa mga doktor, parmasya, o mga miyembro ng pamilya na nais makipag-usap sa nurse lamang ng hospice.
11:35 a.m.
Si Carol ay bagong pasyente na makikita ni Yanet sa unang pagkakataon. Ang mga unang pagbisita ay tumatagal ng mas maraming oras, dahil marami ang tatalakayin. Binuksan ni Yanet ang trunk ng kotse niya; sa loob nito ay parang closet ng mga suplay ng ospital, na puno ng mga diapers na pang-adult, mga disposable mattress pad, mga bandage, mga antiseptic spray at marami pa. Natatanggap ng mga pasyente ng hospisyo ang lahat ng mga medikal na supply na nauugnay sa kanilang diagnosis na terminal na kailangan nila, at bawat linggo ay nire-replenish. Pinipili ni Yanet ang iba't ibang mga supply at inilalagay sa isang plastic bag.
Nakita ni Yanet si Carol sa isang mahirap na posisyon sa kanyang kama. Habang sinusuri niya ang sugat sa balakang ni Carol, nakita niya ang diaper ng kanyang pasyente na hindi pa napapalitan mula nang siya ay umuwi galing sa ospital nang umaga iyon kaya't marahan, ngunit't mabilis at maayos, na ginawa ni Yanet kanyang trabaho. Tsinek niya ang mga vital, nilinis ang mga sugat at nagpapalit ng diaper. Tinawag niya ang anak ni Carol na si Robert, sa silid upang tulungan siyang ilagay si Carol sa mas kumportableng posisyon sa kama.
Itinuro ng karanasan kay Yanet na piliin ang kanyang mga salita nang maingat kapag nakikipag-usap sa pamilya na bago sa hospice. Balik sa sala, si Julia, anak ni Carol, ay nakikinig, hinaplos ang kanyang braso kung saan mapapansin ang mga bendahe na katibayan ng kamakailang pagbisita sa kanyang sariling doktor. Ipinakikita ng mga kulubot sa kanyang mukha na ang katapusan ng buhay ng kanyang ina ay nagiging isang katotohanan na. Si Robert ay hindi tumitingin dahil nagte-text, ngunit nananatili siya sa pag-uusap.
Ipinaliwanag ni Yanet ang kahalagahan ng pagpapanatiling malinis at tuyo ang kanilang ina sa lahat ng oras. Pabulong na sinabi ni Julia na sa tingin niya ay wala siyang kakayahang mag-alaga ng kanyang ina. Kapag nagmumungkahi si Yanet ng isang nursing home, pareho sina Julia at Robert na umiiling. Tiniyak ni Yanet kay Julia na isang hospice aide ang bibisita sa susunod na araw at maaaring turuan si Julia ng lahat ng kailangan niyang malaman tungkol sa personal care.
Sinusuri ni Yanet ang mga gamot ni Carol at isinusulat sa labas ng bawat bote sa itim na marker kung ilang beses na ipaiinom ito. Sinusulat niya ang mahahalagang numero ng telepono ng grupo ng hospice at ang numero ng Telecare® sa labas ng home chart ni Carol, na ipinaaalam sa magkapatid na maaari nilang tawagan ang mga numero ng gabi at araw.
Makalipas ang isang oras at pagkatapos ng isang huling pagtsek kay Carol, umalis si Yanet Nakakita na si Yanet ng mga katulad na sitwasyon kung saan dapat gawin ng mga anak na nasa hustong gulang ang mahirap na pagpapasya tungkol sa kung paano aalagaan ang isang matandang magulang na dating independent nguni't ngayon ay nakaratay na sa kama Kakailanganin ni Julia ng dagdag na suporta, nagpasya si Yanet, at tinawag niya ang grupo ng social worker upang bigyan siya ng atensiyon.
Ipadama sa mga Pasyente na sila ay Espesyal
12:43 p.m.
Pumarada sa isang malilim na lugar para sa tanghalian, kinuha ni Yanet ang oras na ito upang tawagan ang mga tumawag sa kanya. Habang kumakain, tumawag ang hospice aide ng kanyang grupo upang tanungin kung maaaring bisitahin ni Yanet si Pedro, isang pasyente na hindi naka-iskedyul na bisitahin niya ngayon. Mahinang mahina na siya at ang aide ay nababahala. Sinabi ni Yanet na darating siya, at tinawagan niya ang susunod na naka-iskedyul na pasyente upang humingi ng pahintulot na ipagpaliban ang kanilang pagbisita hanggang bukas.
Ang flexibility ay susi sa hospice care. Walang sinuman ang makakahula sa patutunguhan ng sakit.
1:10 p.m.
Naririnig ni Yanet ang malalakas na kahol ng aso bago pa man siya makalabas ng sasakyan, ngunit ang aso ay nakakulong sa balkonahe. Isang maliit na babae sa kanyang 20s ang nagpatuloy kay Yanet sa loob, na tulad ng isang bahay-pukyutan, ay puno ng aktibidad at kahol ng aso, isang duyan ng sanggol na umuugoy, musika at ang mga tinig ng mga bisita ay mas maririnig sa gitna ng lahat ng pagkakaingay.
Nagpatuloy si Yanet na dumaan sa masikip na silid ng pamilya patungo sa silid ni Pedro. Tumahimik ang silid nang sumara ang pinto. Si Pedro, 75 taong gulang na may advanced liver disease, ay nakahiga sa isang queen-size na kama at nakakumot hanggang sa kanyang leeg. Sa paanan ng kama ay ang kanyang asawa, si Maria, at ang hospice aide. Napansin agad ni Yanet na lumala ang kalagayan ni Pedro mula noong nakaraang linggo. Noong ilang araw lamang ay nakaupo pa siya sa isang recliner sa sala, nakikipag-usap at napakasigla pa. Ngayon, halos hindi siya makapagsalita. Ipinaliwanag ng aide kay Yanet na habang naliligo, naging mahina si Pedro at nagrereklamo ng kirot.
Yumukod si Yanet at kinausap si Pedro. Kinuha niya ang presyon ng kanyang dugo at inilagay ang kanyang stethoscope sa dibdib ni Pedro. Tinanong niya si Maria tungkol sa gamot sa kirot ni Pedro, pagkatapos ay binigyan pa niya ng kaunti upang guminhawa siya. Iminungkahi ni Yanet na painumin siya ng gamot ni Maria bago siya maligo. Tulad ng ipinaliwanag ni Yanet na ang kalagayan ni Pedro ay magbabago araw-araw, nagtinginan nang malapit ang mag-asawang ito na nagsasama sa loob ng 25 taon. Ito ay isa sa malungkot na pagtanggap.
1:54 p.m.
Napupuno ng napakalalaking kagamitan sa audio ang harap na silid ng bahay ng susunod na pasyente ni Yanet. Ito ay pag-aari ng pangunahing tagapag-alaga ng pasyente, ang kanyang anak na si David, na isang DJ. Ipinagpatuloy niya ang kanyang trabaho habang nagpunta si Yanet sa isang silid-tulugan sa likuran ng bahay.
Si Iris, isang payat at mahinang 60 taong gulang, na hindi na nagsasalita, ngunit ang kanyang malaki, maliwanag na mga mata ay nagpahayag ng kanyang kaligayahan sa pagkakita kay Yanet. May advanced parkinson's disease siya, si Iris ay nakakaupo at nanonood pa ng mga pelikula sa kanyang laptop. Ang kanyang mahaba, payat na daliri ay dahan-dahang dumudulas sa mouse pad sa isang mesang portable sa kanyang kandungan.
Masayang nakikipag-usap si Yanet kay Iris at dating gawi, muling isinuot ang kulay-rosas na guwantes at nagpatuloy sa paglilinis ng sugat, pagpapalit ng diaper at pagkuha ng mga vital. Sinusubukan ni Yanet na gumawa ng mga espesyal na bagay para sa lahat ng kanyang mga pasyente. Alam niya na ang pinakasimpleng bagay ay nagpapabatid sa isang pasyente na mahal sila. Sa kaso ni Iris, ang inuming nutrisyon na tsokolate ang flavor na dinadala sa kanya ni Yanet, at isang spray ng paboritong pabango ni Iris, na Paradise.
3 p.m.
Bagaman si Iris ang kanyang huling pasyente ng araw, hindi pa tapos ang trabaho ni Yanet. Pumarada siya sa isang malapit na paradahan kung saan ginugol niya ang huling isang oras at kalahati ng kanyang araw sa mga trabahong administratibo. Tsinek niya ang mga mensahe, tinawagan ang mga tumawag sa kanya, inilagay ang kanyang oras sa payroll system mula sa kanyang telepono at ginawa ang iba pang mga gawain na nauugnay sa pasyente. Minsan, pumupunta siya sa parmasya upang kunin ang mga gamot para sa mga pasyenteng hindi makakapunta sa parmasya. Ngayon tinatawagan niya ang anak ng isang pasyente na nag-iiwan ng mga mensahe sa kanya. Hindi niya ito makontak sa pangalawang pagkakataon ngayon. Tinawagan niya ang doktor ng grupo upang mag-iskedyul ng isang pagbisita na hiniling ng isa sa mga anak na babae ni Gloria. Tinawagan niya ang social worker ng grupo upang ipaalam sa kanya kung ano ang nangyari sa unang pagbisita niya kay Carol at sa kanyang pamilya, at tinawagan niya ang hospice aide na nakatalaga kay Carol upang matiyak na siya ay naka-iskedyul na bumisita sa susunod na araw.
Susunduin ni Yanet ang kanyang tatlong anak na babae sa bahay ng kanyang ina ng mga 5 at uuwi upang maghanda ng hapunan, tumulong sa araling-bahay at patulugin ang mga anak. Matapos ang ilang oras na manood ng telebisyon kasama ang kanyang asawa, matutulog na siya ng 10. Ang mga nars ng hospice tulad ni Yanet ay may mahalagang papel sa buhay ng kanilang mga pasyente. Siniguro nila na habang papalapit na ang wakas, ang pasyente ay magiging kumportable at mapanatili ang dignidad. At, na habang ang pasyente at pamilya ay papunta na sa huling hantungan na ito, hindi sila mag-iisa.