Respiratory Therapy para sa Hospice Patients

Para sa mga pasyenteng may end-stage COPD at iba pang lumubhang sakit sa puso at baga, ang hirap sa paghinga (pangangapos ng paghinga), ubo, paninikip ng dibdib, at sobrang pagkakaroon ng plema ay hindi lang kumakatawan sa mga sintomas: Nagdudulot ang bawat isa sa mas madalas na pagkabalisa at takot na nagpapahina sa kalidad ng buhay at maaaring magresulta sa lalo pang paglala.

Maraming pasyente ang nagsasabi na mas nakababalisa ang hirap sa paghinga kaysa sa pananakit ng katawan.

Ang mga clinician ng VITAS, kasama ang mga doktor at nurse, ay naghahatid ng pinakamahusay na end-of-life care para sa mga pasyente sa hospice na may malubhang lung disease o iba pang malubhang cardiopulmonary na kundisyon gaya ng pagpalya ng puso, ALS, o lung cancer. Maaaring maging karapat-dapat ang mga naturang pasyente, nasa karaniwang mga paggamot ng oxygen at mga inhaler man sila o espesyal na pangangalaga ng palahingahan, para sa hospice at benepisyo mula sa komprehensibong pamamaraan ng VITAS Healthcare sa maawaing pangangalaga sa taong malapit nang pumanaw.

Tumutulong ang aming mga interdisciplinary care team na masigurong nagugugol ng iyong mga pasyente ang kanilang mga huling buwan nang maginhawa, nang walang takot na hindi sila makakahinga.

Mga Solusyon para sa mga Pasyente na may Terminal Lung Disease at Sakit sa Puso

Ang hospice ay isang opsyon ng pangangalaga matapos ang pangangalaga sa ospital o sa halip na pangangalaga sa ospital na naghahandog ng maraming level ng pangangalaga upang matumbasan ang mga sintomas ng pasyente at mga layunin ng pangangalaga.

Ang mga clinician ng VITAS ay nagbibigay ng iba't ibang kalutasan para sa iyong pasyenteng may malubhang lung disease at malubhang cardiac disease sa sarili nilang tinitirahan, kahit saanman ang kanilang trandisyonal na tirahang ito, kung ito man ba ay sa bahay, sa pasilidad ng assisted living, sa nursing home, o sa iba pang piniling lugar ng pangangalaga.

Ang mga medikal na kagamitan gaya ng oxygen concentrator o portable oxygen ay ibinibigay ng VITAS para sa paggamit sa bahay ng pasyente habang nakakatanggap sila ng mga pang-hospice na serbisyo. Ang mga paggamot na ito ay karaniwang nagreresulta sa magagandang benepisyo-bagama't posibleng hindi matugunan ng pasyente ang "mga ipinag-aatas ng Medicare sa kundisyon ng oxygen"-sa pamamagitan ng pinahusay na pangangasiwa ng sintomas, kasama ang pangangapos ng paghinga, labis na pagkapagod, pagkabalisa, at pangkalahatang estado ng kalusugan​​​​​​​.

Bukod pa rito, hindi naniningil ang VITAS ng anumang deductible para sa anumang kagamitang bahagi ng plan of care ng hospice para sa palliation at pamamahala ng mga kundisyong nauugnay sa pagiging karapat-dapat sa hospice.

Bilang bahagi ng hospice team na binubuo ng iba't ibang disiplina, bumibisita ang mga doktor at nurse ng VITAS ayon sa pangangailangan para mapamahalaan ang mga sintomas, mabawasan ang pagkabalisa, magbigay ng pulmonary hygiene, at mabigyan ng kaalaman ang mga tagapag-alaga tungkol sa naaangkop na pangangalaga.

Nagbibigay ang aming mga clinician ng edukasyon tungkol sa naaangkop at ligtas na paggamit ng inhaler at oxygen, nagbabalangkas ng mga hakbang na dapat gawin kapag nagkaroon ng mga acute na respiratory symptom para maibsan ang mga sintomas, at matulungan ang mga pasyenteng manatili sa bahay at hindi mapunta sa emergency department at ospital.

Bukod pa rito, tumutulong ang mga clinician ng VITAS na masuportahan ang mga end-of-life cardiopulmonary patient sa kanilang mga kumplikadong pangangailangan, gaya ng:

  • BiPAP/CPAP
  • Non-invasive ventilation (Trilogy)
  • Tracheotomy care
  • Ospital na maawaing nangangalaga o paghinto ng paggamit ng ventilator sa bahay
  • High-flow oxygen therapy

Aabot sa 70 porsyento ng lahat ng mga hospice patients ang dumaranas ng hirap sa paghinga o iba pang problema sa palahingahan sa paglapit ng katapusan ng buhay, kaya madalas na kapaki-pakinabang ang respiratory therapy sa mga pasyenteng walang malubhang sakit sa baga o puso.

Mga Pinag-aaralang Sitwasyon: Respiratory Therapy at mga Pasyenteng May Malubhang Karamdaman 

High-Flow Oxygen Therapy

Ang pasyente, si AZ, ay isang 76 taong gulang na may Stage IV na kanser sa baga. Naospital nang dalawang beses sa nakalipas na limang buwan dahil sa pulmonya at pangangapos ng paghinga, umaasa siya sa high-flow oxygen therapy.

Tinanggap si AZ sa hospice sa VITAS at nagsimula sa high-flow oxygen therapy sa bahay na may tulong mula sa ICC. Naghahalili ang isang respiratory therapist at isang nurse sa tabi ng kama ni AZ upang subaybayan ang kanyang kalagayan nang walang-tigil. Kung kinakailangan, nagbibigay sila ng gamot upang paginhawahin ang kanyang hirap sa paghinga. Tinuturuan ng respiratory therapist ang pamilya ni AZ tungkol sa maginhawang pangangalaga at pagbibigay ng mga tamang gamot.

Matapos ang apat na araw sa hospice, namatay si AZ sa piling ng pamilya at mga kaibigan, na karapat-dapat sa hanggang 13 buwan ng suporta sa pangungulila mula sa VITAS.

Non-Invasive na Ventilation

Ang pasyente, si JS, ay 64 taong gulang na may amyotrophic lateral sclerosis, pulmonya, at paghinto ng palahingahan. Bago mapunta sa hospice, naospital si JS dahil sa pagkahawa sa pulmonya sa komunidad, nilagyan ng PEG tube, at pinauwi sa bahay na may suporta ng ventilator.

Dahil sa suportang mula sa VITAS, binisita si JS sa bahay ng isang respiratory therapist na nag-set up ng PRVC-mode ventilator upang matulungan siya sa kanyang paulit-ulit na ubo.  Tinuturuan ng respiratory therapist ang kanyang pamilya at ang tagapag-alaga tungkol sa paggamit ng ventilator, airway suction, at pangangalaga sa trachaeostomy. Naghahatid din ang VITAS ng mga supply para sa tracheotomy at pag-suction sa kanyang bahay.

Patuloy na tumatanggap si JS ng mga pagbisita ng team ng hospice nang lingguhan o kung kinakailangan. Dahil sa nagpapatuloy na mga pag-update sa plano ng pangangalaga, mga pagbisita ng respiratory therapist, at 24/7 na suporta ng Telecare, nararamdaman ni JS at ng kanyang pamilya ang pagbibigay ng ginhawa at pagsuporta ng VITAS.

Pag-aalis ng Ventilator

Ang pasyente, si CJ, ay 79 taong gulang na may COPD, heart disease, at sepsis. Naospital siya nang dalawang beses sa nakalipas na tatlong buwan dahil sa pulmonya at sepsis. Umaasa na ngayon sa isang ventilator si CJ upang makahinga.

Sa tulong ng walang tigil na VITAS Intensive Comfort Care® (ICC), tumatanggap si CJ ng hospice care sa bahay at sumasailalim sa pagtanggal ng vent. Pinangangasiwaan ng isang respiratory therapist ang pamamaraan at tinuturuan ang pamilya ni CJ sa pangangalaga sa tracheotomy, oxygen therapy, airway suction, at sa kagamitang medikal na ginagamit sa bawat proseso.

Matapos ang anim na araw sa hospice, namatay si CJ sa piling ng kanyang pamilya at mga kaibigan, na maaaring makatanggap ng aabot sa hanggang 13 buwan na suporta sa pangungulila.

I-download ang: Paano Sinusuportahan ng VITAS ang Mapag-arugang Pagtanggal ng Ventilator >

Magtiwala sa VITAS ngayon upang maihatid ang pinakamahusay na pangangalaga sa palahingahan para sa iyong mga pasyente na may malubhang lung at heart disease kasama ang may mga pangangailangan sa kumplikado at natatanging pangangalaga ng palahingahan.

Handa na ba ang pasyente para sa hospice care?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.