Tungkol sa Hospice at Morphine
Katulad ng salitang hospice, ang salitang morphine ay maaaring nakakatakot-hanggang sa malaman mo ang higit pa tungkol dito.
"Totoo nga," sabi ni Maite Hernandez, RN, ang pambansang direktor ng pagsasanay sa sales sa VITAS Healthcare, "ang morphine ay isang gamot na ibinibigay kahit na sa mga sitwasyon ng pangangalaga ng mga malalala sa ospital."
Ang morphine ay isang pangunahing gamot para sa pain relief. Ginagamit ito ng mga doctor upang maibsan ang paghihirap ng mga pasyente sa mga sitwasyon mula sa panganganak hanggang sa malubhang cancer, at ang pasyenteng inaasahang gagaling ay maaari ding makinabang sa morphine gaya ng isang pasyente sa hospice care.
Ngunit minsan, ang mga pasyente at mga tagapag-alaga na nakakadinig ng salitang morphine ay nangangamba na baka sumuko na ang kanilang doctor, o baka sila o isang mahal sa buhay ay maging lubos na sedated at mapabayaang mamatay. At ang mga doktor na hindi-sa normal na kurso ng kanilang practice-karaniwang nag-rereseta ng mga gamot para sa matinding mga pananakit ay maaaring magpasya na iwasan ang pag-rereseta ng morphine.
Sa mga kasong ito, maaaring kumonsulta ang iyong doctor sa isang hospice o palliative na doctor para sa patnubay. Ang mga doctor ng hospice at palliative care ay parehas na may kadalubhasaan at karanasan sa mga opiate upang mabilis na makontrol ang kirot na nararamdaman ng kanilang mga pasyente gamit ang kaunting gamot lamang hangga't maaari. Pagkatapos ay gumagawa sila ng unti-unting pag-a-adjust ng dosage ng gamot, at sinusubaybayan ang dosage at mga sintomas ng bawat pasyente upang maabot ang tamang antas ng pagkontrol sa kirot na may pinakakakaunting side effect para sa naturang pasyente.
Walang Sinuman ang Kailangang Mamuhay nang May Pananakit
Walang sinuman sa anumang yugto ng buhay ay dapat mamuhay nang may pananakit. Ang halos lahat ng mga pananakit ay maaaring mapaginhawa sa tulong ng mga gamot. Kapag ang pananakit ay mababawasan patungo sa isang antas na maaaring makaya ng isang tao, maaari na siyang kumain at matulog, maging alerto ang pag-iisip at makapag-panatili ng isang antas ng pagsasarili, karangalan, at kakayahan na mapangalagaan ang sarili. Samakatuwid, ang pinakamahalagang kabuuran ay: makakatulong ang morphine na mapabuti ang quality of life.
Ang mga opiate, na maaaring ipasok sa katawan sa pamamagitan ng bibig o ugat, ay kinabibilangan ng morphine, codeine, hydrocodone, oxycodone, hydromorphone, atbp. Ang mga opiate ay natatagpuan sa kalikasan mula sa mga opium poppies. Ang mga opioid ay mga ginawang gamot na may epektong katulad ng mga natural na opiate. Ang parehong uri ng gamot ay malakas, ligtas at epektibong mga pampawala ng pananakit kapag tama ang pag-reseta at paggamit.
Ang Morphine at Respiratory Distress
Para sa mga pasyente sa hospice na nahihirapang huminga, makakatulong ang kaunti, kontrolado, at regular na titrated morphine para mapaginhawa ang respiratory distress sa pamamagitan ng pagbabawas ng fluid sa mga baga at pagbabago kung paano tumutugon sa pananakit ang utak. Maliban sa pagpapabagal ng mabilis na paghinga, pinapahupa rin ng morphine ang pagkabalisa dahil sa kahirapan na mahabol ang paghinga ng isang tao. Kapag kontrolado na ang paghinga, ina-adjust ng mga doktor ang mga dosis batay sa uri ng ginamit na morphine, at ang natatanging antas ng tolerance at mga partikular na mga sintomas sa paghinga ng bawat pasyente.
Natuklasan sa isang 2019 pag-aaral ng dalawang VITAS respiratory therapist sa Chicago (Lukcevic, A., and McCoy, V., na inilathala sa Symbiosis) na ang kaunting aerosolized morphine ay maaari ding magsilbing tulay sa mas madaling paghinga sa isang piling grupo ng mga pasyente ng hospice at palliative care-karamihan sa kanila ay na-diagnose na may cancer sa baga, malubhang sakit sa baga, o hindi paggana ng sistema sa paghinga na nauugnay sa iba pang mga sakit. Ang pamamaraan ng pagde-deliver na ito ay pinaka-epektibo para sa mga pasyenteng may kakaunting opsyon na lang para matugunan ang respiratory distress na iyon o para sa mga pasyenteng hindi na epektibo ang karaniwang paggamot sa paghinga.
Sa karamihan ng mga pasyente, matagumpay at lubos na maganda ang pagtanggap ng mga kaunting oral na dosis ng morphine na titrated para sa pagpapaginhawa ng respiratory distress.
Mga Bagay na Dapat Malaman
Mayroong ilang makabuluhang mga alalahanin tungkol sa paggamit ng morphine na maaaring madaling at direktang masagot:
Inaantok at matamlay: Ang morphine ay maaaring makapagdulot ng sedation sa simula, ngunit bumababa ang epektong ito sa loob ng ilang araw. Sa pamamagitan ng pagpapaginhawa ng pananakit at ginagawang mas madali ang paghinga, binibigyan ng mga opiates ang pasyente ng pagkakataon na makatulog na rin sa wakas. Oras na ang pakiramdam ng pasyente ay mas kumportable at nakapahinga na, ang interes sa normal na mga gawain sa buhay ay kalimitang tumataas.
Masusuka: Maaaring magkaroon ng pakiramdam na masusuka sa simula ngunit sa karaniwan ay nawawala ito makalipas ang mga ilang araw na paggamit ng morphine. Sa pansamantala, ang pakiramdam na masusuka ay maaaring magamot sa pamamagitan ng kaunting dami ng karagdagang gamot.
Hindi makadumi: Malamang na mahihirapan sa pagdumi ang isang tao oras na gumamit ng morphine at iba pang mga opiates/opioids, at agresibo itong ginagamot upang masiguro na ang pasyente ay maging maginhawa ang pakiramdam.
Hindi kasing-epektibo kapag tumatagal: Posible na masanay ang katawan ng isang tao na gumagamit nito ngunit sa karaniwan ay hindi ito nagiging problema kapag ginagamit ang morphine para ma-kontrol ang pananakit. Ang mas malamang na nangyari ay ang karamdaman ay lumala sa paglipas ng panahon, isang pagbabago na nagreresulta sa mas malakas na pananakit. Maaaring dagdagan ng doktor ng hospice ang dosage kung at kapag tumindi ang pananakit. Sa karaniwan ay nagsisimula ang mga doktor sa mababang dosis ng morphine; kung tumindi ang pananakit, maaaring pataasin ang dosis.
Maging addict: Bihira ang mga nagiging addict (mas mababa pa sa 1%) sa mga pasyenteng gumagamit ng morphine para sa pananakit. Gayunpaman, totoo nga na matapos ang dalawang linggo o mahigit pa na paggamit ng morphine, hindi ito dapat ihinto nang kaagad-agad. Kinakailangan na dahan-dahan munang alisin ang kaugnayan ng katawan sa mga opiates para ito makapagbago, na siyang normal na pagkilos ng katawan at hindi palatandaan ng pagiging addict.
Kung ikaw o isang tao na iyong minamahal ay may kalagayan na nagdudulot ng matindi o malalang pananakit at ang mga gamot na nabibili nang walang reseta na tulad ng acetaminophen o ibuprofen ay hindi epektibo, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pag-rereseta ng isang opiate.
"Ang isa sa pinakamagagandang bagay na nagagawa ng hospice ay ang kakayahan nitong makapagbigay ng 24 na oras na pangangalaga sa bahay kapag mayroong malalang sintomas na kinakailangang pangasiwaan," ang sabi ni Maite. "Kaya kung ang isang pasyente ay sinimulan ang pagtanggap ng morphine dahil sa isang matinding sintomas na tulad ng pananakit o kahirapan sa paghinga, mayroong isang nurse na naroroon upang masubaybayan ito."
Paano Makakatulong ang VITAS
Sa 40 taon ng pamumuno sa hospice at palliative care, nag-aalok ang VITAS ng:
- Customized care plans sa pamamagitan ng diagnosis ng pasyente
- Mga interdisciplinary care team
- Therapy, emotional at suportang pastoral
- Mga serbisyo sa pangungulila at pangungulila sa pagpanaw ng tao
Tumawag sa VITAS upang alamin kung paano ka namin matutulungan.
Tawagan ang VITAS sa 800.582.9533