Isang Araw sa Buhay ng Isang Hospice Pastor
Binibisita ni Robert ang Ilang Mga Pasyente Araw-araw
"Ang proseso ng pagkamatay ay tulad ng paghahanda sa isang paglalakbay," sabi ni Robert Cemillan, chaplain ng VITAS. "Kung nagpaplano ka ng isang paglalakbay, ang paghahanda ay ang tutukoy kung paano ang magiging biyahe at kung paano ito magtatapos. Para sa paglalakbay na ito, pinapayagan lang na isama mo sa maleta mo ang mga alaala at pagmamahal.
Si Robert ay isang chaplain ng VITAS mahigit apat na taon. Isa siya sa daan-daang mga chaplain na nagsisilbi sa mga grupo ng interdisciplinary hospice sa mga tanggapan sa buong Estados Unidos. Kasama ng isang kapilyan, ang bawat grupo ay binubuo ng isang doktor, nurse, hospice aide, social worker, boluntaryo at espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao. Sama-sama, tinutugunan nila ang pisikal, emosyonal at espirituwal na mga pangangailangan na kinakaharap ng mga pasyente at kanilang mga mahal sa buhay sa katapusan ng buhay.
Isang Espiritwal na Papel na Higit pa sa Panalangin
Bilang isang chaplain sa hospice, ang mga tungkulin ni Robert ay higit pa sa panalangin. Siya lang ang chaplain sa home care team #135 ng VITAS sa Kendall, Florida at responsable sa iba't ibang mga espirituwal na pangangailangan ng higit sa 60 na mga pasyenteng may sakit na walang lunas at mga pamilya, na bumibisita sa hanggang anim na pasyente sa isang araw. Bagaman sakop niya ang lugar na karamihan ay Hispanic, ang mga pasyente niya ay galing sa iba't ibang relihiyon at kultura, kabilang ang Hudyo, Creole at Asyano. Nakikita ni Robert ang kanyang papel bilang higit pa sa espirituwal.
"Para akong isang coach," sabi niya. "Tinutulungan ko ang pamilya na hanapan ng sagot at palayain ang sarili mula sa takot at pagkabahala." Sa anumang araw, maaaring tumugon siya sa mga isyu ng esprituwal na huwag i-resuscitate na utos, tulungan ang isang pamilya na gumawa ng mga pag-aayos ng libing, o tahimik na basahan ng Bibliya ang isang pasyente.
Paghahanda para sa isang Araw ng Pakikinig
Ang isang araw sa buhay ng chaplain sa hospice ay karaniwang nagsisimula ng 8:30 a.m., kapag tinawagan niya ang mga pasyente na nais niyang bisitahin ng araw na iyon. Pagkatapos ay susuriin niya ang kanyang mga tala at mga gawain ng bawat pasyente bago siya magpatuloy.
"Hindi mo alam kung ano ang makikita mo pagdating sa bahay ng isang pasyente," sabi niya. "Minsan gumugugol ako ng dalawang oras sa isang pamilya, kung minsan 20 minuto, depende sa kung ano ang nangyayari.
Ang pinakamahalagang katangian na maaaring mayroon ang isang kapilyan sa hospice, sabi niya, ay ang kakayahang makinig. " "Madalas kong ginagamit ang tinatawag kong 'makapangyarihang tanong' upang hikayatin silang pag-usapan ang kanilang mga damdamin. Kapag narinig ko silang nagsabing, 'Natatakot ako na mamatay ang aking ina,' sinasabi ko, 'alam ko iyon; bakit ka natatakot?'
"Sinusubukan kong huwag sumabad kung nagsasalita sila at hayaan silang magsalita. Pagkatapos ay maaaring may ilang mga pananahimik. Noong una akong nagsimula bilang isang kapilyan, nahirapan ako sa mga pananahimik. Ngayon, ginagalang ko ang mga katahimikang iyon, dahil alam kong hindi ako nandito upang ayusin ang mga bagay. "
Ang pagbisita kay Isobel sa Pagluluksa
Ngayon ang pagbisita kay Isobel, na namatayan ng asawa noong isang linggo. Isa siya sa mga unang pasyente ni Robert bilang isang kapilyan ng VITAS, at si Robert ay nasa tabi niya nang siya ay mamatay. Bago lumabas ng kotse, naglagay si Robert ng isang maayos na nakatiklop na panyo sa kanyang bulsa sa likod.
Tahimik ang bahay. Ang rocking chair ni Isobel ay dahan-dahang inuuga habang pinag-uusapan nila ni Robert ang asawa niya. Pareho nilang sinulyapan ang silyang walang nakaupo sa tabi ng sofa-ang kanyang upuan. Nakikinig si Robert habang pinag-uusapan nila ni Isobel ang tungkol sa kanyang anak na babae, na tatlong estado ang layo at nais na lumipat sa kanya si Isobel. Sinabi ni Isobel na handa siyang lumipat-napakaraming mga alaala dito. Siya at ang kanyang asawa ay ikinasal noong 1949. Ngunit hindi siya sigurado kung nais niyang umalis sa lungsod na matagal niyang naging tirahan. Tiniyak ni Robert kay Isobel na hindi niya kailangang gawin ang mga pagpapasya ngayon. Hawak niya ang kanyang kamay habang pinag-uusapan pa nila ang tungkol sa kanyang pagkawala; Iniabot sa kanya ni Robert ang panyo nang tumulo na ang luha niya.
Sapagkat si Isobel ay 83 taong gulang, may mahaba at maayos na buhay may-asawa, at walang malapit na pamilya, ang kanyang grupo ng VITAS ay bumuo ng isang espesyal na plan of care para sa kanya sa pangungulila sa pagpanaw ng asawa. Naniniwala sila na kailangan niya ng labis na pagtingin sa panahong ito ng pagdadalamhati, kaya si Robert at ang espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao ay bibisita sa kanya nang mas madalas kaysa sa ibang may mas maraming sumusuporta.
Ang telepono sa bahay ay nag-ring at ipinapalagay ni Robert ito bilang senyales na umalis na. Halos isang oras na siya kay Isobel. "Mahalagang malaman kung kailan dapat umalis," paliwanag niya nitong huli. "Ito ay tanda ng paggalang sa kanila at sa kanilang oras. Nais kong malugod nila akong tanggapin sa susunod." Ngunit bago umalis, hinikayat niya si Isobel na tawagan siya kung kailangan niyang makipag-usap. Sinabi niya na tatawag siya sa kanya at bibisitahin siya uli sa susunod na linggo.
Sina Fred at Elaine ay Nahaharap sa Pagluluksa Bago ang Kamatayan
Hindi na kailangang kumatok sa bahay nina Fred at Elaine* sapagkat hindi kailanman isinasarado ni Fred ang pintuan kapag araw. Bumati kay Robert ang isang matangkad, payat na 89-taong-gulang na lalaki na may isang maliit, maayang bigote at malaking ngiti. Ang kanyang asawa na si Elaine, ay ang pasyente ng hospice na VITAS. Ang mag-asawa ay walang anak at walang malapit na pamilya sa bayan. Matapos ang maghigit 50 taong pagsasama bilang mag-asawa, nahihirapan si Fred na tanggapin ang terminal na diagnosis ng kanyang asawa, habang nag-aalala naman siya sa mangyayari kay Robert pagkatapos na siya ay mawala.
Habang pinapaliguan ng hospice aide si Elaine, nagkaroon ng pagkakataon si Robert na kausaping mag-isa si Fred at kumustahin ang kalagayan niya ngayon. Nakikinig mabuti si Robert habang pinag-uusapan nila ni Fred ang tungkol sa kanyang asawa, punung-puno siya ng emosyon, halos tumulo na ang luha, tinatapik ng dailiri niya ang mesa. Nararanasan ni Fred ang tinatawag ni Robert na "pagluluksa bago ang kamatayan," o pangungulila na nararamdaman bago ang paparating na kamatayan.
"Kapag ang isang tao ay mamamatay, ang tagapangalaga ng pamilya ay nag-aalala tungkol sa hinaharap," paliwanag ni Robert. "Ang aking tungkulin ay simulang trabahuhin ang kasalukuyan upang tulungan silang subukang harapin ang hinaharap sa isang mabuting paraan. Ngayon, aanyayahan ko si Fred na subukang mabuhay lamang ayon sa makakaya niya sa bawat araw."
Pinasok ng aide si Elaine sa silid. Umupo siya sa kanyang wheelchair, maayos na nakasuklay ang buhok, ngunit tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nag-aalala siya para kay Fred, isang paksa na napag-usapan na nila ni Robert ng masinsinan sa mga nakaraang pagbisita. Ngayon, hinihikayat sila ni Robert na pag-usapan ang mga masasayang alaala. Inilabas ni Fred ang kanilang larawan sa kasal at di nagtatagal ang mag-asawa ay nakikipag-usap, nakangiti at naaalala ang magagandang panahon.
Rebecca: Isang Bagong Pasyente ng Hospice
Ang susunod na pasyente na binisita ni Robert ay bago sa VITAS. Hanggang kahapon, nakatira si Rebecca sa isang pasilidad ng assisted living. Ang kanyang anak na lalaki, na nakatira sa ibang bayan, ay nais na ilipat siya sa bahay ng mga kaibigan ng pamilya at simulan ang hospice services.
Ito ang unang pagbisita ni Robert kay Rebecca at sa kanyang bagong tagapangalaga. Sa loob ng maluwang na bahay, tahimik na natutulog si Rebecca. Kinuha ni Robert ang pagkakataong ito upang ipakilala ang kanyang sarili at sagutin ang anumang katanungan mayroon ang tagapangalagang mag-asawa. Nakipag-usap siya sa anak ni Rebecca sa telepono-pinag-uusapan nila ang mga pag-aayos ng libing. Habang nandoon si Robert, dumating nurse ng grupo at sinimulan ang kanyang pagsusuri kay Rebecca. Di-nagtagal, inihatid ng technician ng Home Medical Equipment ng VITAS ang kamang pang-ospital at iba pang kagamitan at gamit na kakailanganin ni Rebecca. Sa pag-alis ni Robert, ang bagong pasyente at ang kanyang bagong tagapangalaga ay nasa mabuting kamay.
Pagtuon sa Pasyente, Hindi sa Kanyang Personal na Teolohiya
Hindi dinadala ni Robert ang kanyang sariling paniniwala sa teolohiko o opinyon sa mga talakayan. Kinakatagpo niya ang mga pasyente "kung nasaan sila" sa espirituwal na buhay. Lumalapit siya sa bawat pasyente na bukas ang isipan at iniiwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kanilang relihiyon, kultura o paniniwala. Sa mga humihiling, babasahan sila ni Robert ng Bibliya. Kung hindi niya mabasa ito sa kanilang wika, mayroon siyang app sa kanyang telepono ng dose-dosenang mga wika ng Bibliya. Sa kahilingan ng pasyente, si Robert ay maaari ring magbigay ng mga serbisyo ng isang pari, rabbi o iba pang pinuno ng pananampalataya.
Sinabi niya na ang kanyang pinakamalaking hamon ay ang pagkonekta sa mga pasyente nang hindi hahayaang makaapekto sa kanyang personal na buhay. Ang pinakamalaking kasiyahan niya ay "tumulong magbigay ng suporta at pag-asa-pag-asang mabawasan ang sakit, bawasan ang kalungkutan at bigyang-dangal ang kanilang pagdurusa. Upang ipaalam sa mga pasyente at pamilya na hindi sila nag-iisa."
"Isang Pagpapala ang Aking Trabaho"
Si Robert ay nakakuha ng medikal na degree sa kanyang katutubong bayan sa Cuba, kung saan niya nakumpleto ang mga residency sa family medicine at geriatrics. Habang nagtatrabaho sa isang geriatric clinic ay natuklasan niya ang kanyang pagnanasang tumulong sa mga matatanda. Ngunit ang kanyang trabaho ay nag-iba nang magpasya siyang pumasok sa ministeryo at nagsimulang makipagtulungan sa kanyang lokal na pastor ng Presbyterian. Matapos makakuha ng master's degree in divinity mula sa isang ecumenical seminary sa Cuba, nagtrabaho siya sa kanyang bayan ng Cardenas, kung saan siya ay in-ordain bilang isang ministro ng Presbyterian.
Lumipat si Robert sa Estados Unidos noong 2009 upang magturo sa isang paaralan ng Presbyterian bilang isang guro sa Bibliya. Noong 2012 ay nakumpleto niya ang dalawang taong programa ng clinical pastoral education (CPE) ng VITAS at nagsimulang magtrabaho bilang isang chaplain sa hospice sa home care team #135.
Nakita ni Robert ang kanyang trabaho bilang "isang tawag mula sa Diyos. Ang aking trabaho ay isang pagpapala," sabi niya. "Walang problema sa akin ang pagbalik sa trabaho ng Lunes, o kapag tinawag ako ng aking boss sa kalagitnaan ng gabi upang pumunta sa isang pasyente." Minsan sa isang buwan, si Robert ay on call, simula sa 5:00 p.m. Biyernes hanggang 8:000:00 a.m. Sabado. Kadalasan isang beses lang siya natatawagan sa ganoong oras, sinabi niya na hanggang apat na beses siyang tinawagan sa ganoong oras. Madalas ang mga late-hour na pagbisita na ito ay upang bumisita sa oras ng kamatayan. "Kapag nangyari ito," paliwanag niya, "responsable ako sa pagtatala ng opisyal na oras ng kamatayan, pagtawag sa punerarya at pagsuporta sa pamilya."
"Ang Pinakamahusay na Gamot ay Pag-ibig at Suporta"
Sa pagtatapos ng araw, ang paglilingkod bilang isang chaplain ng hospice ay kasing simple ng pagiging naroroon-at kasing kumplikado ng nagpapaliwanag ng hindi maipaliwanag.
"Ang pinakamahusay na gamot para sa isang taong namamatay," sabi ni Robert, "ay ang pagbibigay sa kanila ng lahat ng ating pagmamahal at suporta. Para sa mga tagapangalaga, pakikinig at paggalang sa kanilang mga damdamin ng kalungkutan, takot at galit."
Tuwing gabing umuuwi si Robert sa bahay ay sinasabi niya na pinagbubulay-bulayan niya ang kanyang mga pasyente at kanyang araw. "Ang aking trabaho, ang aking ministeryo, ay nakatulong sa akin na mapansin ang kahalagahan ng bawat araw. Alam kong ang bukas ay isang regalo kaya dapat akong mamuhay ng walang hanggan sa bawat sandali."
*Bukod kina Robert Cemillan at Isobel, lahat ng mga pangalan sa artikulong ito ay binago upang maprotektahan ang pagiging pribado.