Billing ng Medicare para sa Advance na Care Planning*

Ang mga doktor, katulong ng doktor at mga nurse ay maaaring singilin ang Medicare sa oras na ginugol nila sa mga pag-uusap nang harapan tungkol sa advance na care planning(ACP) at mga desisyon sa end-of-life care kasama ang kanilang mga pasyente o mga benepisyaryo/kinatawan ng pasyente.

Ang mga doktor na hindi nagsumite ng claim ng Part A para sa oras ng ACP ay nawalan ng karapat-dapat na kita at ang mahalagang pagkakataon na maka-usap nang tapat at bukas ang kanilang mga pasyente at mga kinatawan tungkol sa mga uri ng pangangalaga na nais at ayaw nila-kung hindi sila makapagpasya o makapagsalita para sa kanilang mga sarili sa pagtatapos ng buhay.

Ang mga code sa pagsingil na ito ay hindi limitado sa mga partikular na espesyalidad ng doctor.

Ang ACP ay Good Patient Care din

Ang ACP ay nakapagpabuti ng malaki sa maraming mga kinalabasan, lalo na para sa mga pasyente na may malubhang karamdaman, kabilang ang 1 - 3 :

  • Mas mataas na rate ng pagkumpleto ng mga advance na directive
  • Ang pagtaas ng posibilidad na ang clinician at pamilya ay nauunawaan at sinusunod ang mga nais ng pasyente
  • Pagbawas ng paggamit ng mga intensive treatment at pagka-confine sa ospital sa katapusan ng buhay
  • Pagpapatala sa hospice
  • Ang pagtaas ng posibilidad na mamatay sa piniling lugar
  • Pinahusay na karanasan sa pangangalaga; ipinahihiwatig ng mga pag-aaral na nais ng mga pasyenteng kausapin sila ng kanilang doktor tungkol sa ACP

Karaniwan, hinihiling ng Medicare Administrative Contractors (MACs) na isama sa dokumentasyon ng ACP ang:

  • Ulat ng kusang-loob na talakayan kasama ang benepisyaryo o (mga) miyembro ng pamilya/kinatawan
  • pagpapaliwanag ng mga advance na directive at kung ano ang isinasama dito
  • mga detalye tungkol sa mga form ng ACP (kapag nakumpleto)
  • sino ang naroroon

Ang nakumpletong mga form ng ACP ay boluntaryo at hindi kinakailangang i-bill para sa talakayan; ang mga pasyente ay maaaring tanggihan ang mga serbisyo ng ACP anumang oras.

Pag-unawa sa Billing ng Medicare Para sa ACP

Ibinabalik ng Centers for Medicare & Medicaid Services (CMS)ang ibinabayad ng Advance Care Planning (ACP), na nagpapahintulot sa mga clinician ** na makisali sa mga pag-uusap tungkol sa mga kagustuhan sa pagtatapos ng buhay kasama ang mga pasyente, miyembro ng pamilya at/o kinatawan. Ang isang clinician ay maaaring maningil para sa ACP kung ang isang pasyente ay pumili ng hospice at ang clinician ang nag-refer. Ang mga ACP code ay walang limitasyon sa lugar na serbisyo Ang matagumpay na pagsingil para sa ACP ay nangangailangan ng harapang talakayan sa mga pagpipilian sa paggagamot na panandalian at/o pangmatagalang mga layunin ng pangangalaga kasama ang pasyente o kinatawan sa pangangalagang kalusugan.

Nagbabayad ang Medicare para sa ACP bilang alinman sa 4

  • Hiwalay na serbisyo ng Part-B kung kinakailangang medikal; o
  • Opsyonal na elemento ng taunang pagbisita sa wellness ng benepisyaryo

Walang limitasyon sa bilang kung ilang beses na maiulat ang ACP para sa isang benepisyaryo sa bawat panahon. Gayunpaman, ang bawat pagsingil sa parehong mga pasyente ay dapat magpakita ng dokumentadong pagbabago sa katayuan sa kalusugan at/o nais sa mga layunin ng pangangalaga. Ang mga code ng ACP ay maaaring singilin para sa mga pasyente na pumili ng Medicare Hospice Benefit kapag natapos na ang talakayan sa ACP.

Gamitin ang mga CPT® code na ito para maningil para sa​​​​​​​ ACP4:

  • 99497Ang advance na care planning, kasama na ang unang 30 minuto ng paliwanag na harapan at mga talakayan (kung ginawa) ng mga advance na directive tulad ng mga forms na pamantayan. 
  • 99498Ang bawat karagdagang30 minuto. Para sa impormasyon ng rate, mangyaring kumunsulta sa Schedule ng Bayad sa docktor ng CMS.

Suriin kung ang mga reimbursement code ay naidagdag sa iyong billing system, dahil maaaring hindi ito maaaring magamit hanggang aprubahan ng iyong pasilidad ang gamit ng mga ito.

Ang mga ACP code ay maaaring magamit sa parehong araw ng mga code ng CPT, hangga't ang ibang mga serbisyo ay binigay ng wala sa itinakdang oras kung saan isinagawa ang serbisyo ng ACP.

Para sa pinakamahusay na mga resulta, makipag-ugnay sa iyong Revenue Cycle Manager para sa ilalagay dito sa kung ano ang tamang pagkuha at pagsingil para sa mga serbisyong ito.

*Ang impormasyong ito ay ginawa ng VITAS Healthcare at maaaring hindi na ipamahagi o baguhin nang walang paunang pag-apruba ng VITAS. Ito ay ibinibigay para sa mga layuning pang-impormasyon lamang nang walang garantiya ng kawastuhan o pagkakumpleto ng materyal na ipinakita. Ang impormasyong ito ay hindi bumubuo ng payo sa pagsingil; ang mga provider ay dapat palaging kumunsulta sa kanilang sariling mga eksperto sa pamamahala ng pagsingil o kita para sa pagkumpirma ng tamang pamamaraan ng pagsingil.

**Ang mga doktor, NP at PA lamang ay maaaring mag-bill sa mga code na ito; ang mga katulong ng doctor ay maaaring ng gumawa ng referral sa hospice simula sa Enero1, 2019.

1Deterling, K. Advance Care Planning and Advance Directives http://www.uptodate.com/contents/advance-care-planning-and-advance-directives#H37130455

2Gesme, D. et. al. "Advance Care Planning with Your Patients." Journal of Oncology Practice. 2011 Nov; 7(6).

3Dunlay et. al. “How to Discuss Goals of Care with Patients” Tends Cardiovasc Med. 2016 26(1):36-43.

4Centers for Medicare & Medicaid Services, Fact Sheet: Advance Care Planning, August 2016 https://www.cms.gov/Outreach-and-Education/Medicare-Learning-Network-MLN/MLNProducts/Downloads/AdvanceCarePlanning.pdf

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.