Ang Pangangalaga at Kultura ng VITAS ay Nakabatay sa Diversity
Sa VITAS, kinikilala naming malaking bahagi ng karanasan ng mga tao ang bumubuo sa patas na malaking bahagi ng mga pangangailangan, kahilingan, at layunin sa mga taong may malubhang karamdaman habang papalapit na sila sa katapusan ng kanilang buhay. Sinasanay namin ang aming staff sa pagbibigay ng sensitibong pangangalaga na kumikilala at nagbibigay-respeto sa mga pagkakaiba-iba sa wika, etnisidad, ispirituwalidad, uri, kasarian, at sekswal na oryentasyon, simula sa unang pagbisita sa admission hanggang sa suporta sa mga naulila.
Tulag ng bawat aspeto ng pangangalaga sa VITAS, nagsisimula ang diversity sa aming mga mapag-arugang team ng hospice na binubuo ng iba't ibang mga disiplina. Nagsasama-sama ang iba't ibang klinikal, psychosocial, at espiritwal na mga espesyalista para makapagbigay ng pangangalaga at suporta sa mga pasyente at sa kanilang mga pamilya.
Ang aming mga nurse, home health aide, doktor, chaplain, social worker, admissions personnel, at kinatawan ay nagmula sa iba't ibang mga pinanggalingan at may mga kasanayan at kagamitan para matugunan ang iba't ibang mga pangangailangan. Sa mga komunidad na pinaglilingkuran namin, nagbibigay ang VITAS ng edukasyon, outreach, at pinansyal na suporta para matiyak na ang lahat ng mga tao ay may access sa mataas na kalidad na hospice care at nauunawaan ang mga benepisyo sa paggamit ng mga serbisyo na ito.
Nagkaroon ng hospice sa paniniwalang ang bawat isa ay karapat-dapat na makatanggap ng kaginhawahan at dignidad kapag malapit na sa katapusan ng buhay. Ang diversity ay isang natural at kinakailangang bahagi sa pagtupad ng layuning ito.
Para matuto pa tungkol sa diversity sa VITAS, tingnan itong mga bagay na madalas itanong. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa end-of-life care, maaaring makipag-ugayan sa amin nang 24/7/365 sa 800.582.9533.
- Mas ninanais ng aking mahal na makipag-usap sa isang wika na hindi Ingles. Nagbibigay ba ang VITAS ng hospice care sa iba't ibang mga wika? Oo, may mga bilingual na miyembro ng care team ang VITAS mula sa iba't ibang mga lingwistikang pinanggalingan para matiyak na may boses ang bawat pasyente at pamilya. Layunin ng hospice na alisin ang mga hadlang sa kalidad ng buhay ng pasyente, at kasama rito ang hadlang sa komunikasyon.
- Paano nagbibigay ang VITAS ng pangangalagang sensitibo sa kultura para sa minoridad na mga lahi at grupong etniko? Naniniwala ang VITAS na nagkakaroon ng mga mas makabuluhang karanasan sa hospice kapag isinasalarawan ng aming mga empleyado ang mga pinahahalagahan at kultura ng aming mga pasyente at pamilya. Ito ang dahilan kung bakit kami nangangako sa pagkuha ng iba't ibang mga kandidato sa mga komunidad kung saan kami nagbibigay ng pangangalaga.
- Isasaalang-alang ba ng VITAS ang relihiyon/pagiging espiritwal ng aking mahal sa buhay? Oo, kinikilala at tinatanggap ng mga chaplain ng VITAS ang iba't ibang espiritwal na paniniwala, at naghahatid ito ng pastoral na pangangalagang nagbibigay-respeto sa relihiyon o espiritwalidad ng bawat pasyente-nang hindi nagdidikta ng mga hindi hinihinging paniniwala sa natatanging paglalakbay sa katapusan ng buhay ng pasyente.
- Paano tinutugunan ng VITAS ang mga pangangailangan ng mga LGBTQ+ na pasyente ng hospice? Sinisiguro ng espesyalisadong pagsasanay na ang aming mga pasyente at pamilya sa LGBTQ+ na komunidad ay palaging nakakatanggap ng inklusibo at mapag-unawang pangangalaga. Partikular kaming nagtatalaga ng mga miyembro ng komunidad na ito para magsilbing mga tagapayo.
- Ano ang mga ginagawang hakbang ng VITAS para pahusayin ang access sa hospice sa mga komunidad na dati nang hindi gaanong nabibigyan ng serbisyo? Ang lahat ng mga programa ng VITAS ay aktibong kalahok sa mga komunidad na kanilang pinaglingkuran, nag-i-isponsor ng mga kaganapan sa charity, nagsasagawa ng mga kumperensyang pang-edukasyon at naglilingkod sa mga posisyon ng pamumuno ng boluntaryo. Nagbibigay kami ng mga internship sa mga lokal na social worker, chaplain, at mga MBA/MHA na mag-aaral para masiguro na isinalalarawan ng mahahalagang tauhan ng suporta ang kanilang mga komunidad. Nakikipag-ugnayan kami sa mga komunidad na ito sa pamamagitan ng mga palabas sa radyo, programa sa telebisyon, newsletter, at iba pang media.