Intensive Comfort Care®
24-Oras na Patuloy na Hospice Care
Ang pagsasagawa ng pagbibigay ng hospice care sa lahat ng oras sa bahay ay kilala bilang "continuous na paggagamot." Sa VITAS, tinatawag namin itong Intensive Comfort Care®. Kapag medikal na naaangkop, nagtatrabaho ang mga team member ng hospice sa mga shift nang hanggang sa 24 oras bawat araw sa isang maiksing panahon upang matulungan ang mga pasyente na manatili sa bahay habang dumadaan sa isang mahirap na karanasan, kaysa sa ma-admit sa isang ospital. Ang matinding antas ng pangangalaga na ito ay naaangkop kapag ang pasyente ay mayroong matinding mga sintomas na hindi mapamahalaan ng pangunahing tagapag-alaga. Ang lahat ng mga hospice na tumatanggap ng pagpopondo mula sa Medicare ay dapat na maghandog ng continuous na paggagamot.
Kung ang isang tao na iyong minamahal o pinangangalagaan ay tumatanggap ng hospice care, kailangan mong malaman na maaari silang makatanggap ng pansamantalang 24-oras na hospice care sa bahay sa isang krisis para sa:
- Kirot o sakit na hindi makontrol
- Kahirapang huminga
- Pagkahilo, pagsusuka o pagtataeng hindi tumitigil
- Pagbabago sa antas ng kamalayan
- Pagkabalisa o hindi mapakali
- Mga seizure
Maaaring kabilang sa Intensive Comfort Care ang:
- Karagdagang pangangalaga ng isang nurse o aide ng hospice
- Suporta mula sa doktor ng hospice na siyang makikipag-konsulta sa personal na doktor ng pasyente
- Masinsinang personal care kahit saanmang lugar na itinuturing ng pasyente bilang kanyang bahay, kung ito man ay isang pribadong tirahan, isang nursing home o isang assisted living community
Apat na Level ng Pangangalaga
Ang VITAS ay may apat na uri o level ng pangangalaga ayon sa depinisyon ng hospice benefit ng Medicare:
- Pang-araw-araw na pag-aalaga sa bahay Ito ang uri ng hospice care na kadalasan naming ibinibigay: sa bahay ng pasyente, long-term care na mga pasilidad at nursing homes.
- Ang tuloy-tuloy na pangangalaga sa bahay (Intensive Comfort Care®) ay nagdudulot ng mga shift ng pangangasiwa ng matinding sintomas sa tabing-kama ng pasyente nang hanggang sa 24 oras/araw ayon sa mga alituntunin ng Medicare.
- Pangangalaga ng inpatient Kung ang mga pangangailangan ng pasyente ay hindi matugunan sa bahay, ang inpatient hospice units ng VITAS at mga espesyal na arrangement at iba pang pasilidad sa lugar ang nagbibigay ng hospice care sa lahat ng oras hanggang sa maaari nang maiuwi ang pasyente sa bahay.
- Respite care. Limitado sa hanggang limang magkakasunod na araw, nagbibigay ang respite care ng isang madaling "pahinga" para sa mga pangunahing tagapag-alaga ng pasyente sa pamamagitan ng pag-admit ng pasyente na inaalagaan sa bahay sa isang institusyonal na kalagayan kahit na hindi nakakamit ang "inpatient" na pamantayan para sa pananakit at symptom management criteria.