Papaano Nakapagbibigay ng Kaginhawahan ang Respite Care sa Sobrang Pagkapagod ng Tagapag-alaga

Mga Pangangailangan sa Pag-aalaga

Ang pag-aalaga para sa taong may sakit ay maaaring maging nakababalisa, ngunit kapag ang isang tao ay nasa pangwakas na yugto ng buhay, ang pag-aalaga ay nagkakaroon ng iba't ibang mga hamon. Ang mga pangangailangan sa pag-aalaga ay dumarami at kalimitang kabilang dito ang mas malimit na pagbibigay ng gamot, espesyal na pangangalaga ng sugat, o tulong sa pagkain at pagpunta sa banyo.

Ang kawalan ng katiyakan kung kailan magaganap ang kamatayan ay nagbibigay ng karagdagang emosyonal na kahirapan.

Ang lahat ng ito ay maaaring makapagdulot sa mga tagapag-alaga na mawalan ng tulog at manirahan nang mag-isa at natatakot, na maaaring maging sanhi ng depression, pagkapagod at pagkabalisa, tinatawag din ito na sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga o "caregiver burnout."¹ Upang mahadlangan ito, ang mga minamahal o mga kaibigan na nangangalaga ng isang mamamatay ay kinakailangan ding pangalagaan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng naaangkop na pamamahinga at mag-reserba ng panahon para sa sarili na malayo sa mga responsibilidad ng pag-aalaga.

Ang mga pasyente na nasa pagtatapos ng buhay na tumatanggap ng mga hospice services ay kwalipikado para sa "respite care," ipinaliwanag at sakop ng Medicare hospice benefit. Binibigyan ng hospice respite care ang isang tagapag-alaga sa pamilya ng pagkakataon na makapagpahinga sa kanyang mga tungkulin sa pag-aalaga habang ang pasyente ay pinangangalagaan sa isang inpatient na pasilidad na sertipikado ng Medicare.

Ano ang Respite Care?

Tinutukoy ng Medicare ang respite care bilang, "...short-term inpatient care na inilaan lamang sa indibidwal kung kinakailangan upang may kapalitan ang mga miyembro ng pamilya o ang taong nag-aalaga nang indibidwal sa bahay."²

Kabilang sa mga kalagayan na itinuturing na kinakailangan: 

  • Ang mga tagapag-alagang maaaring nagdurusa sa pisikal o emosyonal na pagkapagod mula sa pag-aalaga ng isang pasyente nang magdamagan
  • Ang mga tagapag-alaga na nais dumalo sa isang family event tulad ng graduation, kasal, libing, atbp.
  • Mga tagapag-alagang nagkasakit at hindi na maalagaan ang pasyente.

Sino ang Nagbibigay ng Respite Care?

Sa mga ganitong uri ng kalagayan, nagbabayad ang benepisyo ng hospice para mailagay ang pasyente sa isang pasilidad na sertipikado ng Medicare nang hanggang sa limang araw at gabi habang ang tagapag-alaga ay wala. Nasa posisyon ang mga miyembro ng hospice care team upang mapansin ang mga sintomas ng sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga; maaari nilang hilingin sa doctor ng team na magbigay ng kautusan upang ma-admit ang isang pasyente sa isang pasilidad na sertipikado ng Medicare, tulad ng isang inpatient na unit ng hospice, isang kama sa ospital na kinontrata ng hospice, o sa isang nursing home.

Oras na ma-admit na ang pasyente, magpapatuloy ang hospice team na pabilisin ang plan of care para sa pasyente, habang ang staff ng pasilidad ay nagbibigay ng pangangalaga na sa ibang panahon ay karaniwang ibinibigay ng tagapag-alaga ng pamilya. Sa ilalim ng benepisyo ng hospice, ang respite care ng inpatient ay maaaring maibigay sa paminsan-minsanang batayan nang hanggang sa limang araw at gabi, upang masiguro na ang tagapag-alaga ay makapagpahinga at magpalubag-loob dahil alam nila na ang kanilang minamahal ay nasa mabuting kamay.

Hindi lahat ng tagapag-alaga ay nangangailangan ng pahinga. Ang tulong sa pag-aalaga ay maaaring maibigay sa tulong ng iba pang mga pamamaraan. Kapag ang team member ng hospice care, kabilang ang isang boluntaryo ng hospice, ay dumating [sa bahay] o isang pinagkakatiwalaang kaibigan ay bumibisita [sa bahay], maaaring gamitin ng tagapag-alaga ng pamilya ang panahon na iyon upang maasikaso ang iba pang mga personal na gawain, maglakad o makipagkita sa mga kaibigan.

Muling Binibigyan ng Sigla ang Tagapag-alaga sa Tulong ng Respite Care

Makakatulong sa mga tagapag-alaga ang pakikisalamuha sa ibang tao o ang pagpunta sa isang maiksing paglalakbay upang makabawi dahil sa kulang sa pahinga, makakuha ng pananaw at makabuo ng isang mas positibong kalooban. Upang lubos na sulit ang kanilang karanasan sa panahon ng respite care, ang mga tagapag-alaga ay hinihikayat na mag-plano na nang maaga upang alam na nila kung ano ang kanilang nais gawin sa pagsapit ng panahong iyon. Inirerekomenda ng ARCH National Respite Network and Resource Center na kumuha ang mga tagapag-alaga ng regular at sapat na dami ng panahon ng pamamahinga at gawin itong isang makabuluhan at may-layuning pahinga na kaiba sa mga karaniwang ginagawa³.

Ang Respite Care ay Isa sa Aming Apat na mga Level ng Pangangalaga

Ang VITAS ay may apat na uri o level ng pangangalaga ayon sa depinisyon ng hospice benefit ng Medicare:

  • Pang-araw-araw na pag-aalaga sa bahay Ito ang pinakamalimit na paraan kung paano nagbibigay ang VITAS ng hospice care: sa mga bahay ng pasyente, mga pasilidad ng pangangalaga na pangmatagalan at mga nursing home.
  • Continuous na paggagamot (Intensive Comfort Care®). Kapag medically necessary o kailangan batay sa kalagayan ng pasyente, ang acute symptom management o pangangasiwa ng matinding sintomas ay isinasagawa sa bahay o sa ibang pasilidad ng hospice staff ng may shift na hanggang 24 oras kada araw upang maiwasan na dalhin sa ospital ang pasyente.
  • Pangangalaga ng inpatient Kung ang mga pangangailangan ng pasyente ay hindi matugunan sa bahay, ang inpatient hospice units ng VITAS at mga espesyal na arrangement at iba pang pasilidad sa lugar ang nagbibigay ng hospice care sa lahat ng oras hanggang sa maaari nang maiuwi ang pasyente sa bahay.
  • Respite care. Limitado sa hanggang limang magkakasunod na araw, nagbibigay ang respite care ng isang madaling "pahinga" para sa mga pangunahing tagapag-alaga ng pasyente sa pamamagitan ng pag-admit ng pasyente na inaalagaan sa bahay sa isang institusyonal na kalagayan kahit na hindi nakakamit ang "inpatient" na pamantayan para sa pananakit at symptom management criteria.

¹https://americanhospice.org/caregiving/caregiving-at-lifes-end-facing-the-challenges/

²National Palliative Care Organization. Level of Care Tip Sheet, 2012. www.nhpco.org/regulatroy

³http://archresiwan.org/consumer-information

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.