Pediatric Hospice Care
Ang mga pasyente sa hospice sa pediatric ay karaniwang tumutukoy sa sinumang pasyente mula sa kapanganakan hanggang sa 21 taong gulang. Ang totoo, ang mga bata at kanilang mga pamilya ay maaaring tumanggap ng mga hospice services na nagsisimula kahit na bago pa ipanganak ang bata at magpapatuloy, para sa ilang mga anak, na lampas sa edad na 21, depende sa mga sintomas. Ang pediatric hospice ay naiiba din sa mga pangkalahatang hospice services dahil ang mga bata ay maaaring tumanggap ng mga paggamot na curative na kasabay ng hospice services
Ang pediatric hospice care ay nakasentro sa pamilya sa halip na sa pasyente. Ang pangkat ng hospice ay nakikipagtulungan sa pamilya ng bata at iba pang mga doktor ng bata upang makamit ang maayos na pisikal, sikolohikal at espirituwal na pangangalaga. Nangunguna ang mga magulang sa pagkuha ng plano ng pangangalaga sa pakikipagtulungan sa kanilang doktor, at mahalaga din ang mga pangangailangan ng mga kapatid at iba pang kamag-anak.
Nagbibigay ang hospice ng kontrol sa pangangalaga sa katapusan ng buhay. Simulan na ngayon ang talakayan.
Ang Papel ng Hospice
Bilang isang interdisciplinary team, ang mga propesyonal sa hospice ay tumutulong sa maraming paraan, mula sa pangangasiwa ng sintomas para sa bata, hanggang sa talk therapy para sa magulang na galit sa buhay, upang matiyak na ang pamilya ay may ilang oras para magrelaks. Ang lahat ng mga mapagkukunan ay nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay.
Ibinibigay ang mga hospice services saan man naroon ang pasyente. Sa pediatric hospice, maaaring ibigay ang pangangalaga sa bahay o sa ospital-isa pang dahilan ng pagkakaiba pediatric hospice. Ang hospice care ay tumutulong sa pamilya na nakatuon sa bata nang hindi pinanghihina ang pangangalaga sa iba pang miyembro ng pamilya. Maaaring tawagan sa telepono anumang oras, ang mga miyembro ng grupo ng hospice ay maaaring kausapin upang turuan ang pamilya at magbigay ng hands on na pangangalaga. Kung medically necessary, maaaring kaagad na ipadala sa pasyente ang isang miyembro ng grupo.
Ang lahat ng mga pangangailangan na may kaugnayan sa diagnosis na terminal ng isang bata-mula sa mga gamot hanggang sa mga kagamitan-ay inihahatid sa pasyente nang walang gastos sa pamilya. Ang pediatric hospice ay binabayaran ng Medicaid, pribadong insurance at iba pang mga paraan ng pagbabayad.
Ang pediatric hospice ay hindi nagtatapos sa pagkamatay ng bata. Ang mga pangangailangan ng pamilya ay higit pa dito, at ang pediatric hospice ay patuloy na sumusuporta sa kanilang pagnanais para sa kapayapaan, dangal at pagwawakas habang naghihingalo at pagtapos mamatay.
Ang Pamamaraan ng VITAS sa Pediatric Hospice Care
Ang VITAS Healthcare ay may mga mapagkukunan at karanasan na nagbibigay ng matatapat na serbisyo upang mapalaki ang iginagalang na hospice care. Kabilang dito ang mga therapy sa musika at masahe, mga pagbisita ng alagang hayop ng Paw Pals® at Memory Bears, mga boluntaryo at VITAS Community Connection. Nagbibigay ang VITAS ng mga mapagkukunan upang mabigay ng isang pamilya ang natatanging pangangalaga na nararapat sa kanilang anak.
-
Ang mga pediatric na doktor ay nakikipagtulungan sa doktor ng bata, naroroon para kunsultahin sa pangangasiwa ng sakit at sintomas o para sa mga pagbisita sa bahay, kung kinakailangan.
-
Ang mga nurse ay bihasa sa pagsusuri at pangagasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang mga sintomas, tulad ng pagsusuka, pagkabalisa at lagnat. Ang mga ito ay mga tagapangalagang sanay sa pediatric na nagbibigay ng hands-on na pangangalaga bahay. Tumutulong ang hospice aide sa pamilya na may personal care sa bata.
- Mga Social workers na bihasa sa mga isyu sa psychosocial ng pediatric, sumusuporta sa bata, pamilya at iba pang tagapangalaga, kabilang ang pangkat ng ospital at kawani sa tanggapan ng pediatrician.
- Ang mga chaplain ay nakikipagtulungan sa kaparian ng pamilya, nag-aalok ng tulong na espirituwal at emosyonal para sa bata at pamilya.
- Ang mga espesyal na sinanay na boluntaryo ay nag-aalok ng iba pang tulong, marahil ay maggugol ng oras na makipaglaro sa bata o mga kapatid upang bigyan ang magulang ng ilang sandali.
- Ang mga respiratory therapists, dietitians at iba pang mga espesyalista sa pediatric bata ay sumusuporta sa mga natatanging pangangailangan ng mga bata.
- Ang mga programa para sa naulila ay tumutulong sa mga miyembro ng pamilya na matugunan ang patuloy na pang-araw-araw na mga paghamon bago at pagkatapos nang pagkamatay ng bata.