Pangangasiwa ng Gamot para sa mga Tagapag-alaga

Organisasyon. Ito ang napakahalagang bahagi sa pangangasiwa ng gamot para sa sarili mo o sa kapamilya mong maysakit.

Upang makatulong kami, gumawa kami ng tool na makakatulong sa iyo: isang schedule ng pag-inom ng gamot na maaari mong i-download ngayon din. Mag-print ng ilang kopya, kumuha ng lapis at simulan na natin.

I-download ang medication schedule para sa mga tagapag-alaga.

Step One: Gumawa ng Listahan ng mga Gamot na Kasalukuyang Iniinom ng Pasyente

Ang unang hakbang ay ang pag-alam ng lahat ng gamot na iniinom ng pasyente, may reseta man ito; OTC (Over The Counter); binili nang walang reseta); herbal medicine katulad ng dietary supplements, vitamins at green tea. Basahin ang packaging o label. Kung may nakikita kang mga code na nakasulat sa container ng prescription, tingnan ang listahan ng pinaka-karaniwang codes sa ilalim ng medication management schedule (PDF).

Gamit ang label ng gamot o reseta, simulan na nating isulat ang mga ito sa schedule. Ang bawat araw ng linggo ay may sariling row o hanay. Magsimula sa kasalukuyang araw and isulat ang bawat gamot:

  • Pangalan ng gamot (hal. ibuprofen)
  • Dosage (hal. 1 tablet)
  • Gaano kadalas? (hal. Dalawang Beses sa Isang Araw o 8 a.m./8 p.m.)
  • Petsa na Nagsimula (hal. 4/26/17)
  • Ilagay sa Refrigerator? (hal. Hindi)
  • Doktor na nagreseta ng gamot (hal. Dr. Marchio)
  • Notes (hal. Inumin pagkatapos kumain)

Kapag nakumpleto mo na ang sa kasalukuyang araw, ituloy ito sa mga susunod na araw at kumpletuhin ang mga hanay na ito. Karamihan sa mga impormasyon ay magkakatulad, ngunit mas pinadadali nito ang pangangasiwa ng gamot sa bawat araw.

Ngayon, i-check ulit ang mga impormasyon upang masiguro na tama lahat ito. Kapag nagpunta ang pasyente sa doktor, kailangang dala rin ang listahan at kailangang makita ito ng doktor.

Step Two: Gumawa ng Sistema sa Dispensing o Distribusyon ng Gamot 

Narito ang isa pang tool na makakatulong: ang dispensing system o sistema para sa tamang distribusyon ng gamot. Ang pinaka-karaniwang ginagamit ay ang pill organizer na may iba't ibang compartments para sa mga araw ng linggo, at pinupuno linggu-linggo kadalasahan ng tagapag-alaga. Mura lang ang mga ito at maaaring bilhin sa alinmang drug store. Para sa ilang pamilya, mas angkop sa kanila ang mas kumplikadong dispensing systems na may beepers, electronic reminders at electronic pill organizer.

Kapag napili mo na ang iyong dispensing system, simulan na itong punuin at gamitin. Pag-isipan mo rin na mag-download ng mobile app na maaari mong gamitin bilang digital na reminder sa pag-inom ng gamot.

Step Three: Panatilihing Updated ang Listahan ng Gamot

Ngayon na pamilyar ka na sa bawat gamot, kung bakit at kung paano ito dapat inumin, napakahalaga na mapanatili mong updated ang lista ng mga gamot. Burahin ang mga gamot na itinigil na/hindi na kailangang inumin at idagdag ang mga bagong gamot.

Magiging mahirap ang trabaho mo kapag nagkaroon ng bagong diagnosis o sakit o kalagayan ang pasyente, o kaya naman ay kapag dinala sa bahay ang pasyente mula sa isang ospital na may ibang gamot, nagta-transition sa isang nursing home o kapag nagbago o nagkaroon ng bagong doktor. Sa mga sitwasyong ito, organisasyon at atensyon sa detalye ang pinaka-importante. Upang mapangasiwaan ang mga kumplikado o pabagu-bagong schedule ng pagbibigay ng gamot, maaaring gumamit ka ng ibang sistema na pandagdag sa aming printout. Ang ilang mga bagay na pwede mong gamitin ay isang whiteboard na nakasabit sa dingding, o applications para sa mobile phone, tablet o computer.

At palaging tandaan na kung may mga tanong ka sa pangangasiwa ng pag-inom ng gamot, kausapin ang doktor ng pasyente o healthcare provider. Narito ang halimbawa na nagpapakita ng kahalagahan ng pangangasiwa ng pag-inom ng gamot:

Ang pamilya ay nababalisa. Lumalala ang kalagayan ng kanilang matandang ina at hindi nila alam ang dahilan kung bakit. Nakahanap sila ng bagong doktor para sa kanya, isang geriatrician, na sinuri ang humigit-kumulang isang dosenang gamot na iniinom ng kanilang ina-may reseta, over the counter at herbal-at nagdesisyon ito na ipatigil lahat ang pag-inom ng mga ito. Pagkatapos, dahan-dahang niresetahan ng doktor ang pasyente ng mga gamot na kailangan nito, at nakita nito ang mga side effects at bagong problema sa kalagayan niya. Lumakas ang ina, hindi na masyadong nalilito at nakabalik na mabuhay nang nakakaya niyang mag-isa. Sinimulan, at pinanatili, ng pamilya ang paggamit ng isang sistema sa pangangasiwa sa pag-inom ng gamot na napakasimple-ngunit napakahalaga upang mapanatili nila na maayos ang kalagayan ng kanilang ina.

Ang mga gamot ay nakatutulong sa pagsagip ng buhay, ngunit maaari ring magkaroon ang mga ito ng masamang epekto-na maaari namang humantong sa pag-inom ng mas marami pang gamot. Dahil dito, napakahalaga ng isang maayos na pangangasiwa sa pag-inom ng gamot. Nangangailangan ito ng organisasyon at atensyon sa mga detalye, isang maliit na sakripisyo upang masiguro ang maayos na pag-aalaga sa pasyente.

 

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.